Chapter three: Billionaire

5.6K 116 3
                                    

A/n: I didn't realize how long this chapter was until I started editing it. Might remove some parts from the original version.

Nevertheless, enjoy reading!

xxoSkye

Louisa's PoV

"Louisa..."

Ayoko pang magising. The moment my eyes open, I will be officially Mrs. Maquintosh. Hindi pa ako prepared. Ayoko pa! Ayoko!

Tinalikuran ko si Pangil at nagkunwaring umurok. Bahala siya.

"May pasok ka pa aba." Alam ko. "May pasok din ako. Gising na." Teka lang. May pasok din siya?

"Five minutes." Ani ko. I heard him groan in frustration.

"Bubuhatin kita, sige ka." Banta niya.

Agad naman akong bumangon nang nakapikit pa rin mga mata. Ayoko pa siyang tignan. Ayoko pa! Bumungisngis siya dahilan ng paginis ko.

"Good morning, Mrs. Maquintosh." May halong pagaasar ang boses niya. "Whether or not you open your eyes, it doesn't change the fact that you did marry me last night." Binuksan ko mga mata ko para lang tapunan siya ng masamang titig.

Huhu. Maquintosh na ang bagong last name ko. Louisa M. Maquintosh.

"Pinakuha ko na mga gamit mo," sabi niya sabay tingin sa mga kahon na nakastack sa may sulok, "Magayos ka na't ihahatid kita sa school mo."

"Sweet mo naman po." Pangaasar ko. "Saan ka mamaya?"

"Trabaho."

"Ay weh? Seryoso?" 'Di niya ako pinansin at iniwan niya na ako dito sa kwarto. Bastos naman. Hindi man lang sinabi kung anong trabaho niya.

Malay ko ba kung kidnapper, rapist, stripper, gangster, vendor, cargador, magsasaka, mangingisda, tagabilad ng palay at mais, mananahi, tagahilot, albularyo, gasoline boy, waterboy, doctor, trabahador, engineer, pioneer, electrician, fireman, policeman, carrot man. Di man lang niya sinabi kung ano ang trabaho niya!--psh. Pakialam ko naman sa kaniya? Jusko.


Pagkababa ko sa may dining room, naabutan ko si Pangil na nakaupo sa may gitna't nagbabasa ng diyaryo. Mahaba yung lamesa at madaming pagkaing nakahanda. Pinili kong umupo malayo sa kaniya. Si Theresa ang naglapag ng plato at utensils sa harap ko't tinimplahan niya pa ako ng tsaa. Habang sinasagawa niya iyon, pasimple kong pinapanood si Pangil na disenteng kumakain.

Para kaming nasa palasyo ngayon base sa setting ng dining room. May bandang nagpapatugtog ng violins bilang background music namin. May mga servants ding nakapalibot sa likuran ni Pangil, inaabangan ang kaniyang mga utos.

Mala-prinsipe kung kumain din si Pangil base sa kaniyang postura at kung paano siya kumain. May gamit siyang parang kutsilyo panghiwa ng bacon. Kung iinom naman siya ng tsaa, nakataas pa ang kaniyang kikit. Ang arte naman neto. Masamid ka sana. Parang prinsipe nga, prinsipe naman ng kadiliman.

"Are you done criticizing me?" Inirapan ko na lamang siya muli't kumain. Sarap kaya ng ulam. Sumusulyap sulyap na naman ako sa kaniya dahil ko maiwasang humanga sa kadisentehan niya. "Nagwagwapuhan ka na ata sa akin Louisa?" Umangat ang ulo niya't nginisian ako.

Halos masamid pa ako sa narinig ko . Ang hangin ha. Baka matangay ako.

"Kanina pa kita nakikitang sumusulyap sa akin kaya huwag ka ng mag-deny." Sarkastiko akong tumawa. Napakahangin nga naman. Masasapak ko na talaga ito, konti na lang.

The Last of His KindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon