Chapter six: Lucy

3.6K 90 5
                                    

A/n: Thank you ate Lucy for creating this photo ehe < 3

Louisa's POV

Ang tagal naman nung sundo ko.

Nag-text sakin si Pangil kanina (hanggang ngayon di ko alam kung paano niya nakuha yung number ko) na susunduin niya raw ako sa may likod ng school. Mas maganda daw kung sa likod ng school siya magpaparada ng sasakyan kasi malilim doon. Sayang naman, balak ko pa namang sunugin yung lalaking iyon.

Matapos akong iwan ni Pangil kanina, nakahabol sakin yung dalawang kaibigan ko. Bilang pagganti, hiningi nila yung passcode ng locker ko saka pinuno ng sticky notes sa loob. Naging agaw pansin tuloy yung locker ko sa may hallway hahaha. 'Buti na lang at iyon lang ang ginawa nila. Balak daw sana nila akong ikulong ulit kasama si Derek pero baka raw magalit future boyfriend ko sa kanila.

Joke's on them. 'Di ko naman jojowain yung pangit na bampira na 'yon.

Speaking of, ang tagal talagang dumating ng pesteng bampirang iyon. Kanina pa ako naghihintay dito sa likod ng school. Isang oras na nga ang nakalipas kung tutuusin. Napalingon ako sa may kanan at nakitang may kotse doon na kulay pula. Nilapitan ko yung driver's side at napansing tinted yung salamin. Kitang kita ko rin yung reflection ko hehe.

Ay tae. Ang dry ng lips ko. Ngumuso nguso pa ako para tignan kung buong lips ko ba yung dry. Mukhang sa baba lang. Hinawakan ko lips ko saka pinisil. Medyo may bitak pa jusko. Hihilain ko na sana yung bitak nung biglang bumaba yung bintana at bumungad ang walang emosyong mukha ni Pangil.

Nakakahiya...

"Can you stop doing that?" Umiwas siya ng tingin. "Pumasok ka na sa loob. Ako ang nahihiya sayo."

"Kanina ka pa pala andito?" Tanong ko habang pinipisil pa rin ang aking labi. "Hindi ka man lang bumaba para man lang malaman ko na andito ka na pala 'di ba?"

Umirap lang siya, "Kakarating ko lang. Ikaw ba itong nagmumuni muni sa gilid ng kalsada." Binuksan niya yung pintuan sa passenger seat. "Pumasok ka na. Sa loob mo na ituloy 'yung nguso nguso."

Busat. Nakakahiya sobra.

Hindi na lang ako umimik at dumako na ako sa kabila ng kotse't pumasok. Napapakamot na lang ako ng batok sa sobrang hiya.

"Nakita mo ba yung--"

"I saw everything."

"Ahh." 'Yan na lang nasabi ko. Hindi ko na lang ginalaw ulit yung labi ko. Antae kasi. Kitang kita pala sa labas kahit tinted yung bintana. Napakunot noo na lang ako nung mapansing hindi pa rin umaandar yung sasakyan. "May sira ba yung sasakyan?"

"Seatbelts." Sagot niya nang hindi lumilingon sa'kin. Sabi ko nga at hindi ko pa naikabit seatbelt ko. Pagkahila ko, bigla na lang itong nag-lock. Hinila ko ulit pero ayaw nitong mahila.

"May sira ata yung seatbelt." Kumento ko saka sinubukan ulit hilain. Pinipilit kong hilain pa rin at baka pumayag. Charot. "Pangil, may sira ata--"

"Ako na." Mabilisan niyang tinanggal yung seatbelt niya saka lumapit sa akin.

Sumandal ako sa upuan para maiwasan ko siya. Nakakailang takte. Ramdam ko yung paghinga niya sa may bandang leeg ko habang inaabot niya yung strap. Napaiwas na lang din ako ng tingin habang sinusubukang ikontrol ang aking paghinga. Masyado siyang malapit sa may leeg ko. The thought scares me. He is a vampire for pete's sake.

Tinaas ko yung parehong balikat ko para matakpan yung exposed part ng leeg ko.

"Ticklish?" Tanong niya pero umiling ako. It took him five seconds before he realized. "Ahh. 'Wag kang magalala. Your blood is not appetizing for me."

The Last of His KindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon