Chapter seventeen: Wanna Bet?

3.1K 78 20
                                    

A/n: this chapter is dedicated to YenieshMiller20. Thanks for reading. Mwah!

Louisa's PoV

Today's Sunday.

Kakatapos lang naming magsimba (his suggestion). Hindi ko rin alam kung bakit niya naisipang magsimba pero sige pinagbigyan ko na lang. Pagkatapos naming mag-amen, may sinuggest siya sa akin. Well, sort of. It's more of like a bet. Pumayag din naman ako matapos niyang sabihin kung anong nakataya.

Kung napa-in love daw ako sa kaniya, sasabihin niya na sa akin sa wakas kung ano yung nasa video. Malalaman ko na rin sa wakas kung ano yung pinaggagagawa ko noong lasing ako. Kapag ako naman ang naunang mahulog sa kamiya, gagawin niya raw akong slave sa loob ng isang linggo. Magiging palautusan niya raw ako. Sows. As if naman mahuhulog ako sa mokong ito tas hahayaan ko siyang utus utusan ako.

Sa totoo lang, mukhang walang patutunguhan itong bet na ito. Lalo na itong kasal namin. What's the point, right? Hindi ko naman ibibigay sarili ko sa kaniya at papayag sa gusto niyang iligtas namin ang lahi niya. Wala rin namang patutunguhan itong relasyon na ito sapagkat hindi ko naman planong bigyan siya ng anak. The thought of bearing his child terrifies me. Lalo na mismong process. Jusko. Kadiri.

Simple lang naman yung instructions ng bet namin. Magkukunwari lang kaming magkarelasyon sa buong araw. Yung galawan namin ay magjowa talaga. Edi ayos lang sa akin. Nakakailang nga lang tuwing nagdidikit balat namin.

"Arte mo naman. Parang hindi kaakap gabi-gabi." Masungit na kumento ni Pangil sa tabi ko. Nakakainis lang. Bakit kasi nakakapagbasa ito ng isip? Tss.

"Aww baby, naman." Nagpa-cute ako sa kanya. "Churi na. Sa gabi lang kasi pwede, okie?"

He merely scoffed before turning his full attention back to the menu he was reading. Mukhang kanina pa siya naiinip. Gutom na siguro ito.

"I'll order the roasted chicken ramen. You?" Iniabot niya sa akin yung menu at sinimulan ko na ring mamili ng order ko. Hirap namang bigkasin ng mga ito eh pare-pareho naman silang noodles. "Bilisan mo na." Pangungulit ng katabi ko.

Mukhang kanina pa siya nagugutom. Kanina pa siya nafru-frustrate e'. Ginugulo ba naman parati yung puti niyang buhok. Feeling ko tuloy parang uban niya na iyo. 549 years old ba naman, ninuno ko na nga siya kung tutuusin-

"Ako na nga lang mago-order!" Inagaw niya yung menu na hawak ko. "Dyed hair ito. Hindi uban. Tss." Ah. Dyed hair pala, parang dead hair e'.

Hindi na ako umangal nung namimili na siya para sa akin. 'Di na ako maghihirap magbigkas. Mukha namang lomi.

Sa sobrang gutom ng isang ito maski waiter binantaan niya. Pinagalitan ko naman siya kasi hindi naman niya kailangang gawin iyon. Humingi ako ng paumanhin sa waiter saka sinabihan siya ng 'take your time'. Sineryoso naman ata niya yung sinabi ko kasi trenta minutos na kaming nagaantay dito.

"Hinuhuli pa ata nila yung manok." Sabi ko at natawa si Pangil.

"Tinatanggalan pa nila ng feathers." Dugtong naman niya at sabay kaming natawa. Namatay din naman agad yung paguusap namin kasi sabay pa kaming natahimik. Umiwas na lang ako ng tingin. Ang awkward jusko.

Napapalingon lingon na lang ako sa paligid ko upang tignan kung may mga kakilala ba ako dito. Or may makakakilala ba sa akin dito. Baka kasi mahuli kami ni Pangil na nagde-date dito at pagpiyistahan na naman ng mga chismosa. Makaabot pa kay Katrina.

The thought made me shiver in fear.

Napansin kong napasilip sa gawi ko si Pangil pero hindi niya ako kinibo.

The Last of His KindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon