Chapter four: Babe

4.7K 99 5
                                    

Louisa's PoV

"Hoy!" Dinaanan ko lang ng tingin si Ranz saka hinanap kung saan nagpunta 'yung isang 'yon. "Ginagawa mo?" Nangaasar na tanong niya.

"Ah basta." Pagtaboy ko sa kaniya. Maski anino ba naman kasi ni Pangil naglaho. Tatanungin ko pa lang sana kung masusundo niya ba ako mamaya. Hindi kasi sinabi sa'kin kung saan address niya e'. "Ranz, magiging malaya na ata ako." Bulong ko.

"Uhh, Earth to Louisa? Anong pinagsasasabi mo?" Takang tanong niya pero umiling lang ako. "Whatever, babe. Osiya, back to business ulit ako." Ngumuso siya sa direksyon nung estudyanteng babae na nagbabasa magisa sa study area.

Napailing lang ako, "Ganda ng taste mo ngayon ah." Pangaasar ko. Totoo naman, maganda 'yung babae. Sana all. "Gorabells ka na sa chikababe number 300-something mo."

Hinalikan niya ako sa may pisngi, "Thanks, babe." Umalis na si Ranz at tumungo sa lalandiin niya. Natawa na lang ako ng marahan.

Tumalikod na ako't inangat ang balikat para punasan 'yung laway ni Ranz, nagulat ako nang tumambad sa harap ko si Pangil. Kung manggulat naman ito parang jumpscare sa horror movie. Mukha pa lang pang-horror na.

"'Buti pinapayagan mo siyang mambabae." Aniya nang may seryosong mukha.

"Oh si Ranz? Of course. What are friends for 'di ba?" Proud na sabi ko saka lumingon sa gawi ni Ranz. "Besides, he's like my very own brother. Siya yung mala-knight in shining armor ko lalo na't tinatarget ako minsan--" naputol ang sinasabi ko nang maalala 'yung kanina, "Saan ka pala pumunta? Bigla bigla ka ba namang nawawala."

'Yung mga nadaan sa tabi naming kababaihan ay napapatili sa presensya ni Pangil. 'Yung iba sa kanila ay hinahawi pa ang buhok, nagpapapansin sa kaniya. Pero sa akin lang nakatingin si Pangil. Correction: ako lang ang tinitignan niya ng masama.

He scoffed, "What do you care?"

Kumibit balikat lang ako. Ano nga bang pakialam ko kung saan siya pumunta kanina? Hindi ko rin alam. Nakakainis nga. Akala ko malaya na ako.

"'Yung totoo kasi. Saan ka nga kasi galing?"

"Secret."

"O edi wag." Tinarayan ko siya. "Fine, keep your secrets to yourself. It's not like I care." Umiwas ako ng tingin. Nakaka-curious din kasi.

"You'll be surprised when I tell you." Sabi niya saka naglakad papalapit sa akin. "You won't be able to imagine it."

"Ay talaga? Saan?" Baka may pinuntahan siyang ibang realm during those five minutes na bigla siyang nawala. May secret door kaya dito sa school namin? OMG. Halla sana nga.

"Come closer." I leaned closer to his face while he does the same to my ear. "Pumunta ako sa..."

"Sa...?" Nakakaexcite naman!

Nararamdaman ko siyang huminga sa may leeg ko sa sobrang lapit niya. Hindi ko na pinansin 'yung mga estudyanteng hindi maiwasang panoorin kami.

"Pumunta ako sa..." Tumawa siya, "sa banyo."

Bumagsak 'yung ngiti ko saka hinampas ng malakas braso niya.

"Bwisit ka! 'Yung totoo kasi!"

"Oo nga. Pumunta nga ako sa banyo." Depensa niya saka tinaas kamay niyang basa. "Bagong hugas pa nga ako o."

"Bwisit ka talaga!"

The Last of His KindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon