Chapter twelve: Busted

2.5K 62 6
                                    

A/n: I sort of regret enrolling sa panggabing klase. But oh well.
Also, Lalisa's out. It is a BOP.

Louisa's POV

Kanina ko pa kinakalikot yung papel na ni-crumple ko sa sobrang inis. Nakakaasar lang talaga ang bampirang iyon. Kinailangan ko pa tuloy istorbohin mga kaibigan ko para lang makapunta sa kaniya mamaya.

"Psst" sinundot ko yung tagiliran ni Chubby, pero patago at baka mahuli ako ni ma'am. Etong subject kasi na ito, kahit saan pwedeng umupo kaya katabi ko ngayon si Chubby. Nakita kong tinignan niya ako saglit tapos balik tingin sa guro namin. "Chubby." Tawag ko ulit nang mas malakas na pabulong. "Ba-ARAY!"

Tss, ikaw rin kaya sipain ko hayop.

Wala akong choice kundi magpunit na lang ng papel mula sa likod ng notebook ko at doon sinulat yung kailangan ko sa kaniya. Gawain namin ito minsan kapag masyadong spicy yung kwentuhan namin sa klase during lecture. Pinailalim ko yung papel at nagsulat doon, baka kasi makita ako ni Ma'am.

Tinabig ko yung tuhod ni Chubby gamit ng akin saka pasimpleng iniabot sa kaniya yung papel. Kunot noo lang niya akong nilingon dahilan ng panlisik ng mga mata ko. Binigyan ko siya ng 'pag-'di-mo-ito-binasa-'di-kita-tutulungan-sa-Math-mamaya na tingin. Mukhang na-gets naman niya yung ibig sabihin ng tingin kong ito kaya napatango na lang siya.

Tumingin naman sa gawi namin si ma'am kaya agad naman kaming umayos ng upo ni Chubby. Pasimple lang kaming ngumiti sa kaniya hehe. Binalik naman ito ni Ma'am bago pinagpatuloy ang pagsusulat sa black board.

Patagong binasa ni Chubby yung mensahe ko at kunot noo akong nilingon. Nag-paawa effect naman ako, alam kong kahinaan niya ito. Pasensya na, desperado lang talaga ako ngayon. Kinuha ni Chubby yung ballpen niya saka nagsulat ng reply sa papel. Klinaro niya pa yung lalamunan niya bago palihim ding inabot sa akin yung papel. Ang obvious naman nito jusko.

Binasa ko yung sinulat niya sa ilalim ng mesa.

Sure, babe! Kahit magkano pa ang kailangan mo. What are friends for, 'di ba?
Ps. Basta ba may Louixander babies after three years ha~

Halos masuka pa ako sa sinabi niya sa dulo. Louixander babies? Hell to the no.

Load lang kailangan ko. Hindi anak. As if gagawin kong only purpose ng buhay ko ay pagluluwa ng mga anak ng bampirang iyon. Tss. Tsaka, kung alam lang ni Chubby kung bakit ko gustong umutang sa kaniya ng pera ding pang-pamasahe. Kailangan kong puntahan yung bwisit na bampirang iyon sa trabaho niya. Masisira yung reputasyon ko lalo kapag kumalat yung drunk video ko. Lintik.

Sabay kaming nagulat ni Chubby nung may lumapag na crumpled paper sa desk namin. Nagkatinginan pa kaming pareho bago ito binuksan at binasa. Sulat pa lang kilala na namin kung kanino galing ito. Parang pinaghalong bagyo, kuryente, buhol-buhol na tali at scratched ng manok. Napatakip ng bibig si Chubby para pigilan ang tawa niya. Kung tawa nga ba iyon. Parang kinikilig e' tae.

Mukhang napukaw yung atensyon ni Ma'am gawa ng pagpipigil ng tawa ni Chubby. Siniko ko naman siya agad para tumino siya. Tinaasan kami ng kilay ni Ma'am bago bumalik sa sinusulat niyang equation. That's a relief.

Kaloka naman kasi. Pang-kinder pa rin yung sulat nitong Ranz hahaha.

Hoy, kayong dalawa! Kanina ko pa kayo pinapanood, mga gago AHAHAHA. LT kayong dalawa. Painosente mga hayop kay mam.

The Last of His KindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon