Chapter nine: Wine and Roses

3.2K 72 2
                                    

A/n: medj naiinggit ako sa mga ka-batch ko nung SHS na nasa college na sila haha. Sana all.

Part One

Louisa's POV

I wasn't really expecting this. Akala ko joke lang ni Pangil yung sinabi niya kaninang may date kami. Totoo pala na meron. Sabi niya pinaghandaan niya talaga ito para i-celebrate yung sure win ng laban ko kanina. Tapos dagdag daw sa celebration yung panunugod ko kela Katrina at Florevie kanina. After so many years, I finally stood up for myself.

Nung sinabi niyang may date kami, medyo umasa akong dadalhin niya ako sa sosyaling restaurant. Breakfast, lunch, at dinner pa lang sa bahay napakabongga na. Talagang umasa ako na baka mas bongga kapag sa date.

Pero ni-isang persyento ng tinatayuan namin ngayon walang ka-sosyal sosyal.

"So..." paninimula ko, "dito na talaga tayo? As in?"

Ngumiti lamang si Pangil bilang sagot. Tanggalin ko 'yang pangil mo e', bwenas.

"Why? High expectations can kill you, y'know?" Aniya saka inayos ang suot niya.

"Hindi naman sa nagrereklamo ako ano. Pero ano kasi..." lumapit ako sa tenga niya, "seryoso? Andito na tayo? We are literally in the middle of nowhere!" Sigaw ko sa tenga niya kaya napalayo siya.

"Damn it, Lucy! Nakakarindi ka." Reklamo niya.

Nakakainis lang kasi. Nasa may gubatan kami ngayon. Halos marindi na rin ako sa sobrang ingay ng mga insekto. Pero feeling ko mas rinig yung tunog ng tiyan ko. Kung sinabi sana agad na may date kami sa gitna ng gubat ng maaga edi sana nakakakain pa ako ng saglit sa bahay.

"Lakas din ng trip mo, ano? Ang bongga lagi ng setup sa bahay pero 'pag sa date pucho pucho?" Muntik pa akong natisod nung may natapakan akong sanga ng kahoy. "Hindi ka man lang nagdala ng flashlight!"

"Puro ka reklamo. Malapit na tayo doon." Sabi niya. In-offer niya kamay niya pang-suporta pero hindi ko pinansin. "Suit yourself." Nagsimula na ulit siya maglakad sa madilim na bahagi ng gubat.

Napapalingon ako sa paligid ko at baka may sumusunod sa amin. Lakas kasi ng trip at naisipan maglakad na lang kami papunta raw doon sa final destination. Kung sinabi lang sana ng maaga edi sana nakapagsuot ako ng mas matinong sapatos. Hindi ata magandang ideya na suotin ko flats ko. Maputik ba naman yung daan.

"Almost there," sabi ni Pangil saka huminto. "Ang bagal mo."

"Kung nagdala ka sana ng flashlight edi sana nakikita ko daan 'di ba?" Sagot ko naman at muntikang madulas. Mabuti na lang at nasalo ako ni Pangil. "Bwisit ka, alam mo 'yun?"

"Araw araw mo ba namang sinasabi." Sagot niya saka tinulungan akong tumayo ng maayos. "Naririnig mo na ba?"

Kumunot ang noo ko, "Ang alin?"

"Sshh, 'wag kang maingay. Pakinggan mo mabuti." Natahimik naman ako para pakinggan kung ano mang naririnig ni Pangil. "Rinig mo na? Si San Pedro tinatawag ka na raw."

Hinampas ko siya ng malakas, "Hayop. Mamatay ka na."

Tawa lang ng tawa si Pangil saka nauna ng maglakad. Then I heard something loud and clear. Could it be?

Inunahan kong maglakad si Pangil at pumunta doon. Bumagsak ang bibig ko sa nakikita ko. It's a waterfall, an enormous one. Hindi ko inasahang may talon pala dito sa lugar namin. Bigla ring lumiwanag ang paligid gawa ng pagsindi ng mga lanterns na nakapalibot sa space tabi ng talon. May mga maliliit din na bilog na lanterns na nakasabit sa mga sanga ng puno kung saan sa ilalim nito'y may nakapwesto na mesa.

I'm taking back what I've said earlier. This is still too fancy for my liking.

"Not bad for pucho puchong date, 'di ba?" Pangaasar na sabi ni Pangil saka inunahan ako sa may mesa't hinila ang upuan. "Sit."

"Sit mo mukha mo. Ano ako, aso?" Tinarayan ko siya saka dumako sa kabilang upuan at doon umupo.

"Fine," walang ganang sagot ni Pangil saka umupo na lang din.

Hindi ko mapigilang mamangha sa kabuuan ng pwesto namin. May mga rose petals na nakakalat sa sahig, iba't iba ang kulay ng mga lanterns, tapos yung view pa ng talon. Nagdala sana ako ng jacket, bigla ba namang humangin ng malakas.

Tinitigan ko lang yung tubig na bumabagsak, nakakailang lang kasi dahil nararamdaman kong pinapanood ako ni Pangil ngayon. Hindi ko rin maipaliwanag kung bakit ako naiilang. Tho alam ko namang gandang ganda siya sa akin hays.

"Pfft," napalingon ako sa kaniya nang bigla siyang bumungisngis, "sorry, I forgot to call our server."

"Lutang ka ata ngayon, dre." Kumento ko saka natawa rin.

He snapped his fingers once, then a waiter arrived almost immediately. Tataka tuloy ako kung gaano katagal nagaantay sa may sulok itong si manong.

"Five minutes," sagot ni Pangil.

Nagdikit mga kilay ko. "Anong five minutes?"

Umiling lamang si Pangil saka marahang tumawa. "Nothing."

Unti na lang talaga at maiisip ko ng baliw itong lalaking ito. Kung anu ano ba naman ang sinasabi.

^^Chapter Ends^^

A/n: Sorry for the delay, nagkaroon ng emergency sa bahay hahaha.




The Last of His KindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon