Chapter thirty nine: Sports Day

2.2K 60 1
                                    

A/n: Enjoy the chap! xxo

Louisa's PoV

"Tell me right away if you want to stop." Malambing na sabi niya habang naghahabol ng hininga.

Umiling ako kahit na nananakit na ang hita ko, "No. Don't stop, please."

Ngumisi si Pangil. Tuwang-tuwa na naman itong bampirang ito.

"Are you sure?" In-examine niya ako mula ulo hanggang paa dahilan ng pagpula ng mga pisngi ko. "I can stop if it's too much for you."

Inirapan ko siya, "Ang dami mong dada! Dali na!" Inip kong sambit. Natawa lang siya ng mahina.

"Your loss."

Ni-serve niya na yung shuttlecock pero mahina lang niya itong tinamaan. Dumapo naman sa may dropshot area yung shuttlecock kaya kumaripas ako ng takbo para habulin iyon. Pataas ko siyang tinamaan nang mahina rin para gumanti. Siya naman ngayon ang mabilisang pumuntang malapit sa net.

Pesteng vampire speed kasi. Nahabol niya agad.

Lumundag ako para i-smash yung shuttlecock. Pagkarating sa kabila, agad naman itong ni-reflect ni Pangil. Dumapo sa side ko yung shuttlecock in a right angle. Sinubukan ko ulit itong habulin pero nabigo ako.

Taeng 'yan! Hindi ako manalo-nalo sa lalaking ito!

"Point for the king!" Anunsyo ni Ianna sa may blowhorn. Dinagdagan ulit ni Carl yung score ni Pangil sa may blackboard. Twenty points na si Pangil samantalang ako ay aapat pa lang. Taena.

"Go, go, go, Lex! Three points na lang!" Sherra cheered loudly. May hawak-hawak pa siyang kulay asul at dilaw na pompoms. Siya lang ang nagchi-cheer kay Pangil, the rest of the squad cheers for me. Kung cheer nga ba tawag doon.

"ANG HINA MO NAMAN, MS. HIGHBLOOD!" Reklamo ni Phoenix. "SCAM YUNG TROPHIES MO HA!"

"Hoy, gago! Ang daya ba naman nitong kaibigan niyo!" Sagot ko habang nakatutok ang raketa sa kanya.

"Sayang yung pusta namin!" Reklamo naman ni Carl. "Nagpatatak pa kami ng t-shirt para sayo. Tsk, tsk. Sayang." Kasalanan ko bang gusto nilang magpatatak ng LOUISA FOR THE WIN sa damit nila para sa laban namin ni Pangil ngayon?

Okay, mabalik tayo. Hinamon ko kanina si Pangil sa badminton. Gusto ko lang maranasang makalaro siya baka sakaling hindi namin iyon magagawa kapag andoon na kami sa kaharian niya. Pumayag naman siya sa hamon ko pero hindi ko naman in-expect na gagamitin niya pala yung vampire speed at strength niya. Hayop na 'yan. Nung nagreklamo ako, eka ba naman ay wala raw akong sinabi na rules.

Akala ko makakaya ko siyang talunin given my record. Akala ko lang pala. Tss.

"Ba't kulang kayong cheerleaders ko?" Takang tanong ko. Nagkatinginan si Carl at Phoenix bago lumingon sa may bench kung nasaan natutulog si Cross.

Binato ko yung shuttlecock sa ulo ni Cross.

"H-huh?" Humikab si Cross at nagkamot ng mata. "Anong score na ba? Is she winning?"

"Ubos pera natin, dre." Sinamaan ko ng tingin si Carl. "O? Totoo naman?" Mamaya siya sa akin. Bwenas.

"Hindi niyo kasi ako chini-cheer! Kulang ako sa support kaya natatalo ako." Iritang sabi ko pero inirapan lang ako ni Phoenix.

"Nakailang cheer na kami sayo kani-"

"GO, GO, GO, LOUISA!" Hiyaw ni Cross. Parang may galit kung mag-cheer amp. "'Ge, ayan. Balitaan niyo na lang ako kapag talo na siya."

The Last of His KindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon