Chapter forty one: Tattoo

2.1K 52 1
                                    

Louisa's PoV

Halos maitangay na ako gawa ng napakalakas ng bugso ng hangin. Baon ang mga paa ko sa buhangin nang nakababad ang buong katawan ko sa ilalim ng araw. May mga lumilipad pang mga seagulls sa ere, yung iba naman ay lumulutang doon sa dagat.

Umaabot yung waves ng dagat sa may paa ko. Nagiiwan pa ito ng mga seashells sa harap ko. Napangiti ako nang may coral na sumama't pinulot ko ito para obserbahan.

Pagkadampot ko dito, may naririnig akong iyak ng bata sa 'di kalayuan. Hinanap ko kung saan ito nanggagaling pero wala akong mahanap na bata sa beach. Lumingon ako sa direksyon ng dagat. Doon lumalakas yung huni niya.

'Di ko matukoy kung anong sinasabi ng bata pero kinilabutan ako nung nangibabaw yung tawa ni Sherra. Kusa akong tumingala sa kalangitan nung biglang kumulimlim. Kumapal ang mga ulap at nangingitim ito.

"Louisa..."

Tumingin ako agad sa direksyon nung boses na iyon. Tumindig ang balahibo ko sa braso. I have never heard of that voice in my entire life.

"Feast your eyes on the chaos you created."

Napasinghap ako nung may nagpakitang mga ahas na gumagapang papunta sa akin. Hindi ako makagalaw lalo na't lumalim yung butas ng buhangin kung saan nakabaon mga paa ko.

"You will never be good enough. You will never become a queen."

Nag-fade ang mga makakapal na ulap at napalitan ito ng mga bitwin. Naging abo ang mga ahas sa buhangin at nakaalis ako sa butas. Mas naaaninag ko yung constellation na tinuro sa akin ng tatay ko noon. The constellation of Andromeda. May isang bitwin doon na mas maliwanag kumpara sa mga kasama nito.

"Louisa," bumaling ang atensyon ko sa direksyon ng pamilyar na boses, "just what the hell do you think you're thinking?"

"Dad?"

Bumangon ako sa pagkakahiga at tinignan ang paligid ko. Nasa kwarto ako ngayon, nakaupo sa kabaong ni Pangil. That was just a dream, Louisa. A dream. Pagpapakalma ko sa sarili. Tumingin ako sa orasan at nakitang alas nuebe na pala. Kanina pa siguro nakapagumagahan yung mga kasama ko't asawa ko.

Dumako ako sa may salamin at pinagmasdan ang sarili. Ilang linggo pa lang akong buntis pero halata ng lumalaki ang puson ko. Ang bilis lumaki ng anak ko haha. Matamis akong nakangiti habang hinahaplos ang puson.

"Hold on just a little longer ha? He will meet you soon." Mahinang bulong ko para hindi marinig nung mga bampira sa baba. I felt pressure growing from my gut. I immediately made my way to the bathroom to vomit.

Ilang minuto rin akong nagsuka. Nung natapos ako, umupo ako sa may tiles ng banyo namin at napatulala sa aming kisame. This is my second morning sickness. Nagdadalawang isip ako kung pupunta ba ako sa doctor para itanong kung normal lang bang hindi regular ang morning sickness ko. Gusto ko pang magpa-consult before kaming pumunta doon kaso magtataka naman si Pangil kung saan ako nagpunta.

Nagmumog na muna ako bago bumaba patungong sala kung saan nagtitipon yung mga bampira. Habang pababa ng hagdan, naalala ko yung panaginip ko kanina. Nakaka-miss nga namang pumunta sa beach. Gusto ko sanang bisitahin yung beach kaso ayaw ko namang umuwi na may dalang vase kung saan nakalagay abo ni Pangil.

Kung ako na lang kayang pumunta magisa? Kaso ang pangit naman non. Naga-outing ako magisa. Baka mapahamak pa ako.

Naabutan ko silang nagkukumpulan sa may sala. Hindi ko mahanap kung nasaan si Pangil, hinala kong nasa gitna siya.

"What's going on?" Tanong ko. Lahat sila lumingon sa akin.

"O gising ka na pala." Masayang bati ni Ianna. "Nauna na kaming kumain. Ang himbing kasi ng tulog mo kaya hindi ka na namin inistorbo." 'Buti naman. Joke.

The Last of His KindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon