Chapter twenty five: Fieldtrip Part 2

2.5K 60 2
                                    

Louisa's PoV

"Lucy," Rinig kong tawag ni Pangil sa'kin, "you're drooling."

"Sure ka bang sa iyo ito? Hoy baka mamaya hinahanap na ito ng may-ari ah." Sabi ko saka nilibot ang tingin sa kalawakan ng private jet ni Pangil.

Gawa sa beige leather ang mga upuan na may kasamang mga cushions na iba't iba ang kulay. Nakadikit sa may dingding ang mga upuan kung asaan ang mga bilog na bintana. May mini bar ding nakapwesto malapit sa pintuan ng mga pilot. Cockpit daw ang tawag doon eka ni Pangil.

"Eroplano ba talaga itong sinakyan natin?" 'Di pa rin ako makapaniwalang may ganito palang sasakyan. "Baka hotel lang talaga ito na nalipad ha."

"Pfft." May kinuha si Pangil na bote ng champagne sa may mini bar pati na rin ang isang bucket ng ice. "Just getting these ready."

Hinayaan ko lang siya na magbuhos ng champagne sa mga baso at pinuntahan yung bookshelf katabi ng lava room. Ang taray lang. Para talagang hotel room na pinasikip lang tas nilagyan ng pakpak.

"May kwarto rin ba dito?" Tanong ko habang binabasa mga titles ng collection na libro ni Pangil.

"Nasa may dulo. Tara ba?" Napairap ako sa tono ng pananalita niya. Eto talagang bampirang ito napakaano. Napakabwisit. Hays.

"Nagiging Incredible Hulk na naman 'yang isip mo." Inis na sabi ko dahilan ng marahang tawa niya.

"Ikaw kaya itong..." hindi niya na tinuloy yung nais niyang sasabihin at dinaan na lang sa tawa. "Ah basta." Hindi ko na lang siya pinansin at pinagpatuloy ang paglilibot sa loob ng jet.

Ang yaman naman masyado ng lalaking ito. Alam ko namang successful business man siya dahil magisa niyang tinayo yung kumpanya niyang Sky Airlines. Pero nakakapagtaka naman. Sa dinami-daming pwedeng maging negosyo niya bakit kaya airlines napili niya? Sa sobrang yaman niya parang wala lang rin yung mga gastusin para sa field trip na ito sa kanya. Napailing lang ako. Anything to make me happy daw sabi niya.

Feeling ko lowkey nagfle-flex lang ito. Char.

[Hello, Mr. and Mrs. Maquintosh. This is the captain speaking. Welcome onboard Sky Airlines 143 with service from Manila to Hong Kong.]

"Sky Airline 143?" Napangisi lang sa gawi ko si Pangil bilang sagot. Juskong lalaking ito. Magiging kamatis na naman ako ng 'di oras.

He jerked his head towards the seats, "Let's prepare for take-off, Lucy."

Tumango na lang ako at sumunod sa kanya sa may mga upuan.

Pinauna akong umupo ni Pangil para makapwesto ako sa may bintana. Naramdaman ko na lang na biglang nagvibrate yung sahig, senyas na in-on na ng piloto ang makina ng eroplano. Hindi ko mapigilang hindi mapangiti sa sobrang excitement.

"Eeekkkk!" Kunot noong umupo si Pangil sa may tabi ko.

"Sana okay ka lang."

"Panira naman ito ng moment. Nae-excite ako eeekk!"

"You sound like a demented witch." Tinapunan ko lang siya ng masamang tingin at inirapan. Bahala siya. Nae-excite pa rin ako hmp! "Fasten your seatbelts."

Napayuko at hinila yung seatbelts. Maikli lang ito na magkabilaan, hindi kagaya doon sa sasakyan ni Pangil. Dinisenyo talaga para sa bewang ito. Hinila ko yung isang strap pero walang nangyari. Asan ba yung lock nito? Humahaba lang lalo yung strap kahit na anong gawin ko.

"Let me do it." Pangil volunteered. In-adjust niya yung strap saka ni-lock ito. Natatawa niya akong tinignan, "All done."

"Alam mo? Ginagawa mo lang akong tamad." Kumento ko. Sa sobrang sweet ng lalaking ito, lalo na sa bahay, lahat na lang ginagawa niya para sa'kin. Gaya kanina nagboluntaryo rin siyang talian sapatos ko tapos nilutuan niya pa ako ng agahan. "Pero, thank you. Ang saya pala maging tamad, 'no?"

The Last of His KindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon