Chapter fourteen: Prank

3K 83 11
                                    

A/n: I'm so sorry for not being able to update this story for a MONTH. I got a job recently and had to adjust my sched. Anyway, hope you'll like the chap!

Louisa's PoV

Fridays are the best.

Most class hours are vacant, students roam around the school freely, and last but not the least, I get to train for most of the day. Then tamang pahinga na lang bukas dahil Sabado. Pero mukhang hindi ako makakapagpahinga bukas dahil championship game ko na.

Let's take a recap sa nangyari noon. Ang tagal bago nag-sink in sa isip ko yung sinabi ni Pangil. Akala ko talaga yung mga bitwin ang tinutukoy niya.

Ako pala.

I mean, maganda naman talaga ako hays.

Hindi ko alam kung anong gagawin at sasabihin ko that time. Nginitian ko lang siya at 'di na siya kinibo. Awkward nga ngayon ang sitwasyon naming pareho. Mukhang nagsisisi nga rin siya dahil maski siya hindi ako kinibo matapos n'on. Nailang din ata siya.

Hindi naman iyon ang unang beses na sinabihan ako ng maganda. Sinasabihan naman ako ng maganda nung mga nadaang trabahador sakay ng truck. Sinasabihan din naman ako ng maganda nung tindera sa palengke. Sinabihan din naman ako ng maganda ni Derek. At ni Drake.

So why does this feel any different?

Exempted ako sa klase ngayon gawa ng championship game ko bukas. Kalaro ko ngayon si Gilean, ka-batch ko siya pero magkaiba kami ng section. Sa Arts department siya samantalang ako sa may Special Science Class. Nagkapalitan na kami ng mga deadly smashes pero ako rin ang nagwagi sa huli. Ako lang 'to.

Umatras ako bago bumwelong tamaan sa ere ang shuttlecock. Lumundag ako saka tinamaan iyon. Dumapo ang shuttlecock sa kaliwa ni Gilean at hindi niya ito natamaan. Another point for me.

"Time out!" Hingal na sigaw niya saka hinawakan ang mga tuhod. "Hindi mo man lang ako pinagbigyan!" Biro niya saka tumawa.

Nabitawan ko na yung raketa ko saka sumalampak sa sahig para habulin din ang hininga. Kanina pa kami naglalaro e'.

"Pasensya na, God bless." Biro ko naman at inirapan lang ako haha.

Tumayo na siya ng maayos at namewang, "Bili muna ako ng pagkain natin. Any requests?" Napalingon siya sa'kin at sumimangot. "'Di ko libre ah. Pera niyo akin na."

Natawa lang ako ng marahan saka kinapkapan ang bulsa ko. Walang pera.

"Teka, nasa bag ko ata." Sabi ko't tumakbo papuntang bleachers kung saan yung bag ko. Sana nga may pera akong dala. Hindi ko kinuha yung binigay na allowance ni Pangil kanina. May iniwan siyang isang daan sa mesa pero iniwan ko rin doon. Bahala na yung tres marias kung pagaagawan nila 'yon.

Pagkabukas ng bag, mismong wallet ko wala doon. Ang galing. Mukhang magugutom ako magdamag nito.

"Gilean," tawag ko, "ako na lang pumunta doon para bumili. Anong gusto mo?"

"Ate Louisaaa, ako rinnnn!" Habol naman ni Leona't inabot ang pera sa akin. Sanaol may P500. "Yung dati, ate. Libre ko na buong team." Napangiti ako lalo sa kanya.

Sumibat na ako matapos kuhanin mga orders ng iba ko pang junior teammates at dumiretso sa cafeteria. Ice cream naman gusto ng mga iyon kaya makiki-ice cream na rin ako.

The Last of His KindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon