Chapter forty two: Vampires Under the Sun Pt. 1

2.2K 56 0
                                    

Louisa's PoV

"Good morning, Mrs. Maquintosh."

Ang gara namang bumati ng mga empleyado ni Pangil. Luminya ba naman sila nung nakita nilang paparating ako. Tipid ko lang silang nginitian at nakayukong pumunta sa elevator.

Bawat staff na nakakasalubong ko binabati ako. Nagiging center of attention ako ng 'di oras. Napaka-formal ba naman kasi ng kasuotan nila tas ako sumugod dito ng nakasuot lang ng pantulog. Pagpasensyahan niyo na, pinilit akong pumarito agad e'.

Pagkapasok ko sa loob ng elevator, may kasabayan akong lalaking nakasuot ng itim na hoodie. Nakataklob ang ulo niya ng hood at nakayuko ito kaya 'di ko makita kung pogi ba o hindi.

"Going up?" Tanong ko't tumango siya. "Which floor?"

Walang imik niyang tinuro yung top floor na button. Hmm, bisita kaya ito ni Pangil? Nasa top floor din kasi yung opisina niya.

"May appointment ka ba?" Tanong ko. Lakas ko ring magtanong e' ako nga wala non. Hindi pa rin siya umiimik. Weird naman nito. "Anong gagawin mo doon?" Hindi pa rin siya nasalita. I gave up. Baka 'di talaga ito marunong magsalita.

Pinanood ko lang na umandar yung elevator floor numbers. I hummed a tune to distract myself from not being bothered by this guy's weirdness. I could feel him staring at me right now.

Ano kayang pwedeng gawin? Nakakailang naman kasing may kasama ako dito sa elevator. Klinaro ko lalamunan ko't kinuha ang aking phone.

"Matawagan ko nga yung isang 'yon." Sinadya kong palakasan boses ko para tigilan niya ang pagnood sa akin. "Baka nagwo-worry na 'yon sa akin. Love-love niya ako e'. Hehe."

Nagkunwari akong may tinawagan, "Hello, babe? Ahh oo. Nasa elevator ako ngayon. Oo malapit na ako jan. Antayin mo ako ha? I love y-"

Natigilan ako nung tumunog phone ko. Punyemas may tumatawag.

Sumilip ako sa lalaki at naabutang natatawa siya sa akin. Rinig ko siyang nagpipigil e'. Kahiya. Klinaro ko ulit lalamunan ko saka sinagot yung tawag.

"Hello?"

[Sino 'yang babe na 'yan ha?]

Nanlalaki mga mata kong lumingon sa lalaki. May hawak rin siyang cellphone at nakababa na ang hood niya. Tangina.

"Anong ginagawa mo dito?!" Inis na tanong ko kay Pangil na marahang tumatawa.

"Last time I checked I work here." Binaba niya na yung cellphone at pinagkrus ang mga braso. "What are you doing here?" Iniwasan ko mga titig niya. Sakto namang nagbukas na yung elevator doors kaya inunahan ko siyang lumabas.

"Welcome back, Mr. Maquin-" natigilan yung assistant ni Pangil nang makita ako, "Good to see you again, Mrs. Maquintosh." Ngiting saad niya.

"Likewise, Keanu." Sagot ko't pumasok sa loob ng opisina ni Pangil. Nahuli saglit si Pangil dahil kausap niya pa yung assistant niya.

Umupo ako sa couch sa may mini receiving area niya. Umawang ang labi ko nung may mga picture frames na nakadisplay sa may coffee table. Pictures naming magkasama sa Hong Kong at Baguio. May litrato rin akong solo na naka-frame. Stolen pic ito dahil medyo blurry. Pero grabe naman. Dami-dami kong magagandang picture tas yung nakanganga pa talaga yung ni-frame niya.

Picture ko iyon sa may loob ng private jet niya. Tawa ako ng tawa that time dahil sa pinapanood naming movie. Malay ko bang kinukuhanan niya pala ako ng litrato e' 'di sana nakapag-pose pa ako ng maayos.

The Last of His KindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon