Chapter one: Anti-Extinction plan

7.8K 152 24
                                    


Louisa's POV

"Louisa..."

Sinubsob ko lalo mukha ko sa unan. Mamaya niyo na ako gisingin. Ganda ganda pa lang ng panaginip ko. Ikakasal ba naman ako sa bampira? Hahaha. Patawa.

Imposible namang magkatotoo panaginip ko. 'Di naman totoo mga bampira eh. Gawa gawa lang nila 'yan. Kaya nga sila tinawag na mythical creatures kasi nga pamahiin lang talaga sila.

"Louisa, gising na. Pagabi na."

Hindi ko pinansin yung kapatid ko. Tinalikuran ko pa siya't niyakap ang unan.

"Louisa, huwag ka ng makulit. Hindi ka na makakatulog mamaya. Tinatawag na rin tayo sa baba."

Kulit naman nito. Mamaya ka na, kuya.

"Louisa, isa..."

Kahit sabayan pa kita sa pagbilang e'.

"Louisa, dalawa..."

Weird. Hindi naman boses ng kuya ko 'yon ah? Boses ng ibang lalaki. Napabangon naman agad ako at nanlaki mata nang makita yung lalaki sa panaginip ko. Puting buhok, maputla, at may pangil.

"Ah ikaw lang pala 'yan." Sabi ko saka bumalik sa paghiga. Siya lang naman pala akala ko kung sino. Si Alexander lang pala--"Bakit ka andito?!" 'Di makapaniwalang sigaw ko saka tinakpan ang sarili ng kumot. "'Di ka totoo! Paano ka andito? Hindi, panaginip lang ito. Pagmulat ko, mawawala ka na. 'Di ka naman totoo. 'Di ka totoo." Ulit ulit kong sinabi 'yon saka pinikit ang mata. Pagbukas ko ng mga mata ko, mawawala na siya. Nagbilang pa ako ng tatlo. "Pagmulat ko, wala ka na. 1, 2, 3."

Binuksan ko mata ko.

"Hi, Louisa."

Para akong nabagsakan ng langit at lupa...at tubig na rin siguro.

"No, no, no." Bulong ko at umurong palayo sa kaniya. "Hindi ka totoo. Walang bampira sa mundo. Imagination lang kita." Pilit ko't tinutok ang hanger sa kaniya. Pinanood ko lang siyang lumundag sa kama kong nakaupo at ngumiwi.

"Ang tigas ng higaan mo." Reklamo niya. Tinitigan ko lang yung mga pangil niya dahilan ng paglunok ko sa kaba. No, hindi 'yan totoo. Fake lang 'yan, Louisa. Fake lang 'yan. Lumipat ang atensyon ko sa buhok niyang puti at sa maputla niyang balat. Hindi. Cosplayer ito. Imposibleng bampira siya. "Paano ka nakakatulog dito? Nagbanig ka na lang sana kung ganito rin lang."

Bwisit.

Sinipa ko siya pababa at umirap. Siya na nga lang nakikiupo siya pa itong mareklamo. Rinig ko ang mahinang pagtawa niya habang binabangon ang sarili.

"Maligo ka na. Amoy hanggang dito pawis mo." Napapikit na lang ako ng mariin at nanalanging sana hindi ako makapatay ng tao ngayon. Umirap na muna ako bago tumungo sa aparador para kumuha ng pambihis. "Nawa'y 'di ka madulas." Saglit akong napahinto para bigyan siya ng masamang titig, tapos dumiretso na ako sa banyo.

Pagkabalik ko sa kwarto ko, naabutan ko siyang pinapakialaman 'yung gamit ko. Bubuksan na niya sana 'yung envelope sa ibabaw ng mesa ko pero nahablot ko ito agad.

"Tantanan mo nga mga gamit ko!" Sigaw ko't bahagya siyang tinulak. "Ano bang problema mo ha?! Una, humarang ka sa daan ko. Tapos bigla bigla ka na lang pumapasok sa bahay ng may bahay. Tapos---" Naputol 'yung sinasabi ko nang may kumatok sa pintuan.

"O anak, payag ka na bang pakasalan si Alexander?" Tanong ni Mama pagkapasok niya.

"So ano? Papayag kayong maikasal ako sa taong hindi ko kilala?" Hindi ko sinasadyang magsungit kay Mama pero sobra naman sila. Masyado silang delusyonal. Sa dinami dami kong pangarap sa buhay, hinding hindi ko hahayaang masira iyon nang dahil sa kasal na ito.

The Last of His KindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon