Chapter eleven: Textmate

2.7K 67 6
                                    

A/n: sanaol may money para mabili yung sneakers ni GD T^T

Louisa's POV

"Matanong lang, babe. Bakit ganyan itsura mo ngayon?" Tanong ni Ranz nang makasalubong ako sa hallway ng school kasama si Chubby. Dinaanan ko lang siya ng tingin at dumiretso lang papunta sa locker ko.

"Maliwanag ba masyado, babe?" Tanong ni Chubby saka inagaw yung suot kong shades. Napapikit naman ako ng mariin sa sobrang liwanag. Sumakit lalo yung ulo ko. "Anong nangyari sayo?"

"Tae niyong dalawa. Manahimik nga kayo." Binawi ko na lang yung shades ko at binuksan yung locker. Hindi ko rin masagot yung tanong nila. Wala akong kaalam alam kung anong nangyari sa akin kagabi. Ang sakit ng lalamunan ko tapos parang mabibiyak na yung ulo ko sa sobrang sakit.

Tapos punyetang bampira tawa ng tawa.

Nagkatinginan yung dalawa kong kaibigan at tumawa rin. Bwenas.

"HAHAHA! Ayos, paos yung bata--aray!" Inirapan ko lang si Ranz matapos ko siyang batukan.

"Bwenas kang uod ka. Magka-STD ka sana." Bumubungisngis din si Chubby kaya binatukan ko rin. "Isa ka rin e'."

Nakakabwisit lang kasi. Ayaw sabihin sa akin nung bampira kung anong nangyari sa akin kagabi tapos tawa ng tawa kaninang umaga. Paggising ko, tumatawa. Sa hapagkainan, tumatawa. Pati nung hinatid niya ako tumatawa pa rin. Bwenas. Isasangla ko na talaga yung hayop na 'yon.

Kung alam ko lang na hindi pala juice ang wine. Malay ko bang alak din pala ang wine. Buong bote pa naman ang inubos ko kagabi. Hindi ko na maalala kung anong nangyari sa akin kagabi pero may kutob akong kahihiyan 'yon. Ngayon lang tumawa ng ganoon si Pangil e'. Demonyo pa man din.

"Oh shems, I forgot to tell you." Napalingon ako kay Chubby nang bigla siyang magseryoso. "Babe, babalik daw dito sa Pilipinas si Drake." She gave me a meaningful look.

Magsasalita na sana ako nang sumingit si Ranz, "Si Drake? Weh? Idol ko 'yun! Siya si 'you used to call me on my cellphone' tapos yung 'Kiki, do you love me--" naputol yung pagkanta ni Ranz nang batukan ko ulit siya. "Aray! Ano ba?!"

"Rapper 'yon, gago." Panunumbat ko saka napapikit ng sobrang riin. Hindi ko alam na ganito pa rin kabigat kapag naririnig ko pangalan niya.

"Si Drake Castillo kasi, babe." Sabi ni Chubby at mapait akong nginitian. "Ang balita ko sa kanya ay babalik na raw siya dito for the Halloween Party. Taray, special guest from New York."

"Right, that Drake." Napatango tango si Ranz nang maalala kung sinong Drake yung tinutukoy ni Chubby. "Elmore High's Battle of the Brains' all-time champion. Of course he's invited to the party." Ranz grimaced.

Alam ni Ranz na sobra akong nasaktan sa ginawa ni Drake sa akin noon. Ever since then, he became very protective sa akin.

"Babalikan ka raw niya, Louisa." Seryosong sabi ni Chubby dahilan ng pagirap ko. "Ahem. Pumoporeber ka ha."

"Wala na siyang mababalikan." Masungit na tugon ko. Tanginang forever 'yan. May bampira na nga akong napangasawa na literal na mabubuhay forever. Forever na nga niya rin akong binibwisit.

"May Alexander na si babe natin, 'di ba?" Pagpapaalala ni Ranz kay Chubby. "He better treat you good."

"Pero malay natin. First love ni Louisa si Dr--"

"Don't." Pagpuputol ko kay Chubby at mapait na ngumiti. "Just don't."

Padabog kong sinara ang locker ko at pumunta sa Social Hall kung saan ako madalas mag-practice ng badminton. Ayaw ko ng marinig muli ang pangalan na 'yon. Masyado pang masakit para sa akin yung ginawa niya.

The Last of His KindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon