Chapter thirty four: Engagement

2.4K 57 1
                                    

Louisa's POV

"Drake, sigurado ka bang dumaan sila dito?" Paninigurado ko, tinitignan ko pang maiigi at baka sila na yung dumadaan. Baka kasi umasa lang ako sa wala.

"Of course. Ako pa ba?" Yabang nito ah? Sapakin ko ito e'.

Inagaw ko yung binoculars na nakasabit sa leeg ni Drake at ginamit iyon. May nahagip kasi akong lalaking naglalakad patungo sa direksyon namin. In-on ko yung hawak kong walkie talkie.

"Target on sight. 11 o'clock. The target is wearing blue denim." Naningkit ang mata ko nang makitang may kasama ng babae yung target. "And a purple jacket." Dagdag ko.

"Magkatabi lang tayo, Louisa. Pwede mo namang sabihin sa akin ng diret-" tinakpan ko yung bibig niya.

"Heh! Tumahimik ka, paparating na sila." In-on ko ulit yung radyo. "Targets are approaching. I repeat, targets are approaching!"

Sapilitan kong pinayuko si Drake para magtago kami sa likuran ng mga benches. Hindi nila ako pwedeng makitang ganito. Nag-soldier crawl ako papunta sa kabilang bench para makalayo sa kanila. Ayon na. Malapit na. Kaunti na lang-

"What are you doing on the floor, kitten?" Mabagal akong tumingala, bumungad ang nakangising mukha ni Derek. Sinenyasan ko naman siyang manahimik lang siya kung ayaw niyang masapak. "Oh, sorry. Alright, continue...crawling, I guess?" Dikit ang mga kilay niya nang naglakad na siya paalis.

Napahinga naman ako nang maluwag bago pinagpatuloy ang paggapang sa semento papunta sa kabilang side ng bench. Huminto ako nung may humarang na naman na mga sapatos sa harapan ko. Bwisit namang mga patalastas ito e'!

"Hoy, ano ba?!" Pagkatingala ko si Chubby ang bumungad. "Oh hey, babe. Hehe." Painosente ko pa siyang nginitian.

Kunot noo akong tinignan ni Chubby, "Babe, 'di ka na naman ba pinainom ng gamot ng asawa mo?" Umirap lang ako sa kanya. Tumayo ako ng maayos saka nagpagpag ng damit. "Ang dami kong gustong itanong pero dili na lang ata ako mag-talk."

"May hinahanap lang ako sa sahig." Pagdadahilan ko saka nagkunwaring may hinahanap nga. "Nakita niyo ba? Nahulog ko kasi 'yon kanina dito."

Ang totoo niyan kasi kanina ko pa ini-istalk itong dalawang ito. Huling balita ko kasi kay Ranz ay may balak na siyang ayain si Chubby na magpakasal matapos ang graduation namin. At ako namang pinaka-supportive nilang best friend ay gustong ma-witness iyon. Pero madamot si Ranz at ayaw sabihin sa akin kung kailan niya gagawin hmp.

"Nahanap mo na ba?" Tanong ni Ranz. Mukhang nahahalata niyang nagsisinungaling lang ako. Kung 'di lang ako kilalang-kilala ng lalaking ito siguro nakalusot na ako kanina pa.

"Ahh eh..." tumalikod ako at may kunyaring pinulot na lang. Binulsa ko agad ito bago sila hinarap. "I found it na. Thanks sa pagtulong." Tinapik ko sa balikat si Ranz at akmang aalis na pero hinawakan niya lang braso ko.

"Patingin nga." Paktay. Sabi na nga ba't hindi ako hahayaan ng lalaking ito e'. Alam niyang may balak akong i-stalk sila huhu.

"Eto na nga. Kakasiksik ko lang sa bulsa ko e'." Kinapkapan ko yung pangharapan kong bulsa at nakitang wala palang bulsa doon. Tinaasan ako ng kilay ni Ranz at nginisian ako. "Bulsa kasi sa likod. Atat naman nito." Kinapkapan ko naman yung bulsa sa pwetan ko at hinila yung kung ano mang nakasiksik doon ngayon.

"Tagal mo naman. Patingin na kasi." Naiinip na sabi ni Ranz.

"Heh. Eto na nga o." Hinugot ko iyon saka pinakita sa kaniya. "Eto 'yon." Ngiting-ngiti pa ako sa kaniya. Akala niya ha?

The Last of His KindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon