Chapter thirty seven: Spicy

2.4K 53 1
                                    

Louisa's POV

Limang araw na lang at papunta na kami sa kingdom. Jusko, habang papalapit yung araw na pupunta kami sa realm ni Pangil lalong sumasakit tiyan ko sa sobrang nerbyos.

Nasa kusina ako ngayon, inihahanda ko yung umagahan namin at ng mga bampirang bisita. Tinutulungan ako ng Tres Marias sa paghahanda. Si Maria nagbabatil ng itlog para sa omelette na gagawin niya. Si Leonora naman ay nagpriprito ng canned foods (sausage, corned beef, meatloaf). Samantalang si Maria naman ay busy sa paggawa ng fresh pandesal. Kilala ko na kung sino sila haha hindi na ako nalilito. Binigyan kasi sila ni Pangil ng nametage para raw hindi ako malito.

"Umm Theresa?" Tawag ko. "Ilang bawang ba kailangan para dito?" Tanong ko habang nagdi-dikdik ng bawang para sa sinangag na lulutuin ko.

"Kahit tatlo lang, Mistress." Sagot naman nito saka binigay yung margarine sa akin. "Sa margarine mo igisa yung bawang. Huwag mong sunugin, Mistress ha?" She gave me a meaningful look. In my defense, hindi ko alam paano gamitin itong electric oven range ni Pangil. Malay ko bang nasa high yung setting noon.

Ginawa ko naman yung sinabi ni Maria at ginisa yung na-mince na bawang. Habang nag-gigisa, napagisip-isip ako kung anong ginagawa ni Pangil sa may sala kasama mga barkada niya. Kanina pa silang parang may pinagkakaguluhan e'. Sa lakas ba naman ng tawa ni Carl, nakaka-curious kung anong ginagawa nila doon.

Sumilip ako kanina doon actually pero natahimik naman yung mga bampira nung narinig nila ako. Ang damot sa information ha? Nanghihina yung chismosa blood ko, wala akong masagap na chismis leche.

Louisa...

"Ayy tokwa!"

"Aray!" Nagulantang ako nang makita si Pangil na minamasahe yung ulo niya. "Ba't kailangan mong ipukpok yang sandok?!"

"Kainis ka kasi e! Nakakagulat ka!" Reklamo ko't inirapan siya. "'Di man lang kita naramdamang lumapit." I mumbled.

"Kanina pa ako nandito. It's not my fault your mind's in outer space right now." He grabbed both of my shoulders gently then pulled me towards him. "Tell me, what are you thinking about just now?"

"Wow, sineryoso mo talaga yung utos kong huwag mong babasahin isip ko ha?" Natatawang sabi ko bago bumuga ng hangin. "Nakaka-curious lang kasi kung anong pinaguusapan niyo sa sala." Base sa lakas ng tawa ni Carl, parang nilaglag niya na yung sikreto ko.

Marahan lang siyang natawa saka idinampi ang labi sa noo ko.

"You don't need to worry about that." Feeling ko may tinatago rin itong isang ito. "What you really need to worry about right now is the burnt garlic."

Nailipat ang atensyon ko sa nasusunod na bawang. "Putangina! Hala!" Nilipat ko agad yung palayok sa kabilang spot. Kaunti na lang at pasado na maging uling itong bawang. Mukhang mapagsasabihan na naman ako ni Theresa nito. Kikiskisin niya mamaya yung sunog e' huhu.

Tawa lang ng tawa ng malakas si Pangil kaya hinampas ko siya sa braso.

"Wha...?" Pinukulan ko siya ng masamang titig.

"Wha ka jan. Hayop." Naiinis na pagtaboy ko sa kanya't iniwan siya sa kusina. Hindi naman niya ako sinundan kaya napahinga ako ng maluwag. Tangina. I really hate secrets. Ang daming pwedeng dahilan kung bakit nila nililihim kung anong ginagawa nila sa sala.

Well, baka pinapanood nilang magkabalikan si Alex at Sherra. O kaya'y sinabi na talaga ni Carl na buntis ako tapos pinaguusapan nila kung paano nila hindi sasabihin sa akin na alam na nila ang lahat. O kaya naman binabalak nila akong patayin dahil papakainin ko sila ng sunog na bawang. Hays! Naiinis talaga ako.

The Last of His KindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon