Chapter two: The Imperfect Wedding

6.1K 146 10
                                    

Louisa's PoV

"Eto o! Bagay sayo anak!" Masayang sabi ni Mama sabay hagis ng bistida sa mukha ko.

Pinagmasdan ko ito nang nakasimangot at nandiri. I hate dresses, okay? It give me creeps! Ewan ko nga din kung bakit ayoko sa mga bistida. Puting bistida ito na may mga beads na pumapalibot sa may bewang.

"I don't like it." I muttered. Napahinto si Mama sa kakahanap ulit ng bistida sa rack at lumingon sa aking naka-pamewang.

Bumuntong hininga siya, "Anak, ika-sampung damit na itong napili ko para sa kasal mo mamaya. Ang choosy mo. Lahat naman ata ayaw mo eh!" Napataas na siya ng boses. Well you can't really blame me if I hate shopping for a dress for tonight's wedding.

"Take a guess, 'Ma. Ayokong ikasal." Mataray kong sabi saka sinabit kung saan yung bistida.

Pinilit ako ni mama kanina na mamili ng damit kahit na nagkulong ako sa kwarto. Ngunit binuhat naman ako ng hinayupak na Alexander na yoon na parang sako palabas at sapilitang pinasok sa kotse niya. Siya ang naghatid sa amin kanina papunta dito kaya wala na akong nagawa. Wala kasi kaming kotse dahil hindi namin afford yun. Edi siya na ang mayaman tch.

Binigyan niya rin kami ng pera pambili ng wedding gown ko kaya lang hindi pa ako nakapili. Ayokong ikasal sakanya. High school pa lang ako tapos may asawa na? Ano pa kaya ang sasabihin ng ibang tao?

"Anak, ikaw na lang ang pagasa ng lahat para maipagpatuloy ang bloodline ni Alexander." At isa pa, curse that blood! Hanggang ngayon hinihiling ko na sana hindi ko nakuha 'yung twenty five percent na genes na iyon!

"Jeez 'Ma, really?! Hahayaan niyong ikasal ako sa ganitong edad? I mean, bata pa ako masyado at nagaaral pa." Iniisip ko rin kung papaano napapayag si Mama sa kagustuhan ng lalaking iyon. It doesn't make any sense! Heck, everything doesn't.

Tinignan ni Mama ang damit na hinagis ko at mabagal na lumingon sa akin.

"That is what your grandmother wants you to do!" Napatigil ako nang biglang sumigaw si mama at english pa.

She's mad. I made her mad. And because of her madness naging teledrama na ang eksena namin dito sa mall. Lahat ng tao ay nakatingin sa amin. Nakakahiya.

Ayokong makita ang side ni Mamang ume-english na sumisigaw dahil alam kong empyerno ang kalabasan neto. Once na reach ko yung cussing machine stage niya, mukhang hindi na ako makakaabot ng 90 years old.

Bumuntong hininga na lang ako at kinuha yung dress kanina. Wala na akong magawa kundi pumayag. Ngumiti si mama pero hindi ko ibinalik ito.

"Let's go," tumango siya at dumiretso na kami sa cashier. This is, so far, the worst day of my life.

****************************

"'Ma, kailangan pa ba neto? Private wedding naman ito kaya okay lang kahit wala akong makeup." Pagrereklamo ko pero tuloy pa rin si mama sa pagpahid ng foundation sa mukha ko. Mukha na tuloy akong espasol sa sobrang kapal ng foundation.

Papalag sana ako kanina kaso hinawakan ni mama yung mukha ko.

"Malapit ng matapos kaya antay lang saglit ha?" Inirapan ko na lang si mama at nagtiis ulit sa pangangati ng aking mukha. Hindi ako sanay, okay? Kung pwede lang sana ay magsuot na lang ako ng pantulog sa kasal eh.

Hindi ako ganun ka-girly na mahilig sa makeup e' maski lipstick ayaw ko. Rami kasing paechos echos sa mukha. I always believe that simplicity is beauty. Hindi required para sa akin ang masyadong magpaganda. Nagmumukha lang akong payaso.

The Last of His KindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon