Chapter thirty: Fieldtrip Part 7

2.2K 56 3
                                    

A/n: Final part of the field trip. Ahihi.

Louisa's PoV

Last day ngayon ng field trip namin.

Hanggang ngayon lowkey masama ang loob ko kay Pangil. Kung hindi lang siya nagkwento kahapon siguro nakasama ako kahapon nung pumasyal sila papunta kay Buddha. Charot. Nangiinggit ba naman yung mga pinost na selfies ni Chubby kasama si Ranz. Mukhang nagbati naman sila kaya ayos na rin iyon sa akin.

Napatitig ako sa reflection ko sa may salamin ng sala. Ayon kay Pangil, ako raw yung pang-isang daan na reincarnation nung naunang Louisa. Hindi ko pa rin alam kung anong pangalan nung unang form ko at yung nauna sa akin ngayon. At hanggang ngayon hindi pa rin sinasabi sa akin ni Pangil kung alin sa past selves ko yung naka-inlovean niya.

Tinignan ko rin yung puson ko sa reflection ko. Base sa Breaking Dawn na napanood at nabasa ko, mukhang sisipsipin ng anak ko yung dugo ko habang nasa sinapupunan pa siya. The thought of it scares me. Hindi naman siguro ang anak ko ang magiging sanhi ng kamatayan ko, 'di ba? Sana nga hindi.

Wala akong mahanap na matinong article sa Internet sa kung anong gagawin 'pag may ipapanganak na half-vampire. Puro fanfictions lang nababasa ko. Hindi ko tuloy alam kung anong aasahan ko sa pagbubuntis ko.

Gustong gusto ko ng sabihin kay Pangil pero natatakot ako. Base sa kwento niya kahapon, may mga plano siya. At magagawa niya lang iyon kapag kaming dalawa lang ang magkasama. Pero mahal naman niya ako 'di ba? Matatanggap naman niya siguro kapag sinabi kong magkakapamilya na kami.

Siguro.

Mukhang matatagalan pa ata si Pangil sa may banyo kaya naisipan ko munang bisitahin sa kabilang kwarto mga babes ko. Hindi ko sila nakita ng buong araw kahapon, gabi ba naman sila nakabalik sa hotel. Apparently pumunta pa raw sila kumain ng mga street foods. Nakakainggit talaga.

Hindi na ako kumatok at pumasok agad sa loob. Nai-text ko naman na si Chubby na darating ako kaya iniwan na lang nilang nakabukas pinto nila. Nagiimpake na ng mga gamit si Chubby habang si Ranz naman ay nagaayos ng higaan. Ang gulo ba naman.

Sabay silang napalingon sa mala-grandeng entrance ko. Wait, parang 'di convincing. Take two. Sabay silang napalingon sa bastusan kong entrance.

"Kailangang sipain pintuan, babe?" Tanong ni Ranz habang umiiling-iling. "Aga mo ngayon ah."

"Yes, sir. Last day na e'." Sagot ko at umupo sa may couch nila. "Pasukan na naman sa Lunes. Arat 'wag pumasok." Aya ko saka tinaas ang paa't pinatong sa mesang gawa sa salamin.

"Teka lang ha? Babe, ikaw ba talaga 'yan?" Gulat na sabi ni Chubby at huminto sa pagtutupi ng damit.

"Oo naman. Ba't?"

"Never kang nag-absent ng klase ah! Hoy, sinasaniban ka ba?!" Natawa lang ako sa kanya. Actually, tama naman siya. Ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob mag-ayang hindi pumasok.

"O edi sige. Skip na lang natin yung afternoon classes." Pagpapalit ko. Lalo namang nataranta yung dalawa.

"Hoy, hoy! Gaga ka! Never ka ring nag-skip aba." Tumingin siya kay Ranz na gulat rin. "Ranz, sinasapian yung bestfriend natin!" Agad namang lumapit si Ranz sa akin at hinawakan ang magkabilaan kong balikat.

"An'yare sa'yo? Ba't ganyan ka makatingin?" Tanong ko habang naiilang sa hawak niya. Ang higpit ba naman.

"Sinasapian ka. The real Louisa will never ask us to skip classes." Lumingon siya kay Chubby nang seryoso. "It's time. We need to exercise her."

The Last of His KindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon