Chapter twenty three: A Cup of Blood

2.7K 82 7
                                    

Louisa's PoV

I kept fiddling with my fingers for the whole cab ride home.

Kinakabahan ako. 'Di ko alam kung paano haharapin si Pangil ngayon. Kagagaling ko lang sa ospital para magpa-test at doon ko nakumpirma.

Confirmed na hindi ako buntis.

"Andito na po tayo, Ma'am." Ngiting sabi nung driver.

"Manong, pwedeng mag-joy ride muna tayo kahit saglit lang?" Bumagsak ang ngiti niya't inirapan ako.

"Ma'am, kailangan ko nang umuwi aba. 'Buti ikaw nakauwi na. Tapos ako kanina pang nauuwi para makita asawa ko." Napapakamot pa siya ng ulo. Sweet naman ni Manong sa asawa niya. Bagong kasal siguro sila. Mukhang malapit lang kasi yung edad ko sa kanya.

"Sanaol na lang po, Manong. Haha." Ayoko pa kasing makita ngayon yung asawa ko. Inabot ko na yung bayad ko saka lumabas. Sinilip ko muna yung garage kung nakabukas pa rin ba. Nice! Nakabukas pa nga. Nasa labas ngayon si Pangil ahihi. The coast is clear.

Dahan-dahan akong pumasok sa loob ng mansyon, iniiwasan kong may makakita sa akin. Juice colored. Kahit na magkikita pa rin naman kami araw-araw ng mga tauhan dito, lalo na si Pangil, hindi ko talaga maiwasang mapagisip-isip kung ligtas ba ako ng ilang araw.

Sa ilang buwan na naming pagsasama ni Pangil, ngayon lang ako nawalan ng excuses na hindi tumuloy dito sa mansyon. May pinuntahan daw si Mamang kamaganak sa probinsya kaya wala siya ngayon sa bahay. Si Kuya naman ay nasa abroad nagtratrabahong bilang barista. Si Ranz at Chubby may date daw sa Tagaytay.

Wala akong ibang choice kundi mag-stay dito sa mansyon for three days. Wala akong takas nito. Makakasama ko lang naman ang bampirang asawa ko habang ako'y nireregla.

Regular naman ang cycle ko. Hindi tumatagal ng tatlong araw yung daloy. Pero parang impyerno pa rin yung tatlong araw na 'yon. Una sa lahat, sobrang hapdi ng puson ko. Pangalawa, hindi ko alam kung anong mangyayari kay Pangil if ever nalanghap niya yung dugo. Napaka-unreliable ng Twilight Saga sa situation ko ngayon. Maliit na sugat lang ni Bella nagiging wild na si Jasper sa New Moon. Paano pa kaya 'pag dinadalaw si Bella-

I'm not helping myself to calm down, am I?

Pagkaapak ko sa unang step ng hagdan may narinig akong umimik mula sa kusina.

"Lucy! You're home!" Nanigas ako sa pwesto ko nang marinig ko si Pangil. Bakit siya andito? At bakit wala yung sasakyan niya sa garahe?

Tatakbo na lang ba ako palabas ng bahay? Malapit lang naman sa akin yung pintuan. Or ikulong ko na lang kaya sarili ko sa kwarto? Pabalik-balik ang tingin ko sa taas at sa pinto. Tangina naman!

"Lucy, check this out. May ni-bake ako para sayo." Papalapit na yung tunog ng mga apak niya dahilan ng pagpawis ko ng todo sa noo.

Kung tatakbo ako, mahahabol niya pa rin ako. He is a vampire for pete's sake. Mas mabilis pa siya kay Usain Bolt. Pero kung nagtago naman ako sa kwarto, mahahanap niya pa rin ako. Worse, mabubuksan niya yung pinto. Sa lakas ba naman niya. He is a vampire for crying out loud! Wala akong takas nito putangina.

Nang bumungad si Pangil na nakasuot ngayon ng pink na apron at may dala-dalang baking sheet na may laman na cookies. May suot din siyang oven mitts na kulay pink, may mga tiny bunnies pang design. Kyotie naman.

"Lucy, look. Oatmeal chocolate chip cookies with a sprinkle of almond nuts. Figured you'll like it." Nginitian niya ako at akmang lalapit sa akin.

"Jan ka muna! 'Wag kang lumapit sa akin!" Pagpipigil ko.

"Why? What's wrong?" Alalang tanong niya. "Are you..."

The Last of His KindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon