Chapter nineteen: No sh-t, Sherlock

2.5K 69 6
                                    

Louisa's PoV

It's times like these where I badly need someone, or in this case 'sometwo', to confide to.

Hinawakan ni Ranz at Chubby ang magkabila kong balikat at diretso akong tinignan sa mga mata. Ang creepy naman nila tuloy tignan.

"Spill the tea, sis." Matigas na sabi ni Chubby at tumango tango na para bang kakayanin nilang tanggapin kung ano mang sikretong ibubunyag ko ngayon sa kanila.

"Salita ka, sis." Panggagaya ni Ranz sa tono ni Chubby. Napaklaro tuloy ng lalamunan yung isa.

Napahinga ako ng malalim saka ginulo ang buhok sa inis, "Sikreto nga lang daw e'. Iyon ang kasunduan namin bago kami ikina--" Agad ko namang pinigilan bibig ko nang muntikan na akong madulas. "Basta bawal."

"E' babe naman. Ayaw naming nakikita kang matamlay." Lumambot ang tono ni Ranz. Tinabihan niya ako saka inakbayan. "We know when something's bothering you."

Napansin kong matalim ang titig ni Chubby sa may braso ni Ranz na nakaakbay sa akin kaya naman agad siyang umiwas. Lakas namang magselos nito. Hindi ko naman aagawin itong crush niya sa kaniya.

"Sige na, babe. Alam naming pumunta kayo sa opisina ni Miss Dizon kanina." Aniya ni Chubby.

"Bawal nga." Pamimilit ko rin. Matapos akong iwan ni Pangil sa school kanina, kinausap ako ni Miss Dizon na huwag ko raw sabihin kung kahit kanino tungkol sa nangyari kanina.

Umamin din siya sa akin na noon pa siyang nilapitan ni Pangil para i-enroll ako sa school noong magsisimula pa lang sana ako ng Highschool. Nagpakilala siya bilang sponsor sa email na ni-send ni Pangil sa kaniya. Pero sinabi niya rin sa akin na noon pa raw bayad ang tuition fees ko. Hindi ko na raw kailangang problemahin ang reputasyon ko sa eskwelahang ito. May gusto pa sanang sabihin si Miss Dizon kanina pero kailangan siyang asikasuhing staff meeting.

Sumimangot si Chubby, "Nag-skip kami ng klase para sa iyo tas ganito?"

In my defense, I didn't ask them to skip Math for me. Feeling ko ginawa lang nila akong excuse para takasan ang Calculus. Feeling ko lang naman. Malay ko kung genuine ba sila sa intentions nilang pasayahin ako.

"Fine, as long as walang makakalabas sa kwartong ito." Tumango silang sabay at pumwesto na sa may kama. Nandito kasi kami sa kwarto ni Chubby na punong puno ng anime posters at action-figures. At costumes. At wigs. Jusko.

Ten minutes later...

"Hoy! Ang tanga mo naman, babe!" Aniya ni Chubby saka ako hinampas sa balikat. Yup, I deserve that.

"Oo nga naman, babe. Ang tanga mo!" Ginaya ni Ranz ang paghampas ni Chubby sa akin. Nope, I did not deserve that. "Bakit mo naman sinabi sa kanya 'yon? After niyong magkaroon ng intimate moment sa Baguio tapos sasabihin mong walang kayo?"

Napakamot na lang ako ng batok, "Wala naman talaga. Hindi naman dahil nagkahalikan lang kami e' 'matik nang kami?" Sabay pa akong inirapan nung dalawa.

"Babe, look at me." Pwersahan akong pinaharap ni Chubby sa direksyon niya. "It is obvious naman na nahuhulog ka na kay Alex. What's stopping you from confessing?" I scoffed at her.

"What's stopping you?" Sagot ko naman na ikinapula ng mga pisngi niya. Tinaasan ko siya ng kilay at marahang tumawa. "You're so obvious."

Lumingon sa akin si Ranz nang nakadikit ang mga kilay saka binalik ang tingin kay Chubby.

"What's obvious?" Tanong naman niya.

Chubby gave me a meaningful look. Fine, I guess this is not the right time to deal with her feelings for Ranz. Tutal ako naman ang main character sa storyang ito kaya problema ko muna ang dapat naming pagusapan.

The Last of His KindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon