Chapter forty three: Vampires Under the Sun Pt. 2

2K 53 2
                                    

Louisa's POV

[Did the sun set already?]

Umiling lang ako kahit hindi niya nakikita. Kausap ko si Pangil through call dahil narito ako sa may dalampasigan ngayon, pinapanood na lumubog ang araw sa may horizon. Nakaupo ako sa may buhangin at nakadekwatro ang mga paa. Kumakati ang balat ko gawa sa basang buhangin na lumalapat sa may hita ko pero pinabayaan ko lang ito.

Suot ko ang sundress kong kulay puti na may mga disenyong bulaklak na asul sa may palda. Si Pangil ang namili ng damit ko ngayon ahe. Balak ko kasing masubukang mag-bikini pero pinagalitan ako ng hayop. Edi wow siya.

"Kung andito ka ngayon e' 'di sana kasama kitang pinapanood yung sunset." Reklamo ko sa kanya.

[Technically speaking, I am with you. But I don't want to get burned by the sun there. There's not enough sunscreen that could save me.] Sinabayan niya ng mahinang tawa ang biro niya.

Lumingon ako sa may parking lot kung saan nakaparada yung armored vehicle na hiniram ni Pangil sa kaibigan niya. Kaunting araw lang kasi ang pumapasok doon kaya iyon ang ginamit nilang sasakyan papunta dito sa beach. Alas tres kaming lumuwas papuntang Zambales at nakarating dito ng bandang lagpas alas kwatro. Tirik pa rin yung araw kanina kaya nagpaiwan sila doon at pinauna ako.

Syempre hindi ako umangal. Bahala sila.

[Sana all na lang talaga. Pa-describe nga nung scenery!]

Rinig kong sabi ni Carl. Inagaw niya siguro yung phone mula kay Pangil. Naririnig kong nagmumura sa background yung isa e'.

"Ano siya, Carl..." tinignan ko mabuti yung kagandahan ng scene, "para siyang bolang dilaw na unti-unting lumulubog tapos maliwanag-"

[Pangit naman ng description mo. 'Wag na nga!]

Siya na nga nagre-request, siya pa galit. Hmp.

Namangha ako sa ganda ng kalangitan ngayon. Halong pink orange, at blue ito at tila ba parang mga cotton candy din ang mga ulap na may iba't ibang flavors.

Inatras ko mga paa ko nang maabot na ito ng malamig na tubig galing sa wave. Tumataas na yung level ng tubig. Binaling ko ang atensyon sa view ng sunset at bumuntong hininga. I remember standing here on this very spot with my father. He pointed at the sky where millions of stars mesmerized my view. His finger pointed at a particular constellation.

The Andromeda.

He used to tell me that there is a world beyond where Andromeda's brightest star is pointing. And he promised that he will show me that someday. A week after that, he died in a car crash.

"Louisa, just what the hell do you think you are thinking?"

Naibalik ako sa diwa nung may yumakap sa akin mula sa likod. Sa amoy pa lang ng pabango alam ko na kung sino. Isinandal ko ang ulo ko sa may balikat niya't tinaniman ng halik ang kanyang pisngi ng dalawang beses.

"Beautiful." Kumento ni Pangil habang nakatitig sa may horizon. Lumubog na ang araw at dumidilim na rin ang kalangitan.

"Hindi mo na naabutan yung sunset." Malungkot kong sambit pero umiling siya.

"I'm not talking about the sun." Then his gorgeous eyes switched over at me. Keneleg nemen eke.

Sinimulan ng sindihin ng mga staff mga torches nilang nakahilera sa buong beach. Nagsidatingan na rin sila na may dala-dalang volleyball net.

"It is so on!" Hamon ni Phoenix nung napadaan sila sa likuran namin. Bastusan nilang pwinesto yung pole sa tabi naming dalawa. "Mga harang sa daan." Sinipa niya ang buhangin para talamsikan kami.

The Last of His KindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon