Chapter thirteen: Andromeda

2.5K 75 10
                                    

A/n: This chapter is dedicated to kuya Shan. I hope you're doing okay po. And I will always pray for your safety lalo na nung nalaman kong sasali ka sa ano...y'know. God bless po and stay safe. Don't forget that I'll always be here for you.

Louisa's PoV

Palipat lipat ang tingin ko sa cellphone at sa gusali sa harap ko. Tama ba itong address na sinend ng bampirang 'yon? Baka niloloko lang ako non at sa funeral home talaga siya nagtratrabaho.

Nagdadalawang isip pa ako kung papasok ba ako sa loob o hindi. May sukli pa naman ako para gamiting pangload. Tawagan ko na lang ata si Pangil at sabihin sa kaniyang lumabas na lang siya. Nakakahiya naman kasing pumasok sa loob. Talagang nakasuot business men and women mga andoon. May lumabas pang dalawang lalaki at isang babae na foreigners. Nanuyo tuloy yung lalamunan ko. Baka 'pag pumasok ako kakausapin ako ng ingles.

Ayokong dumugo ilong ko takte.

Akmang aalis na sana ako para maghanap ng tindahan nang masulyap kong parang may lalaking puti ang buhok sa loob. Kitang kita kasi mga nasa loob gawa ng mga dingding na gawa sa salamin. Nang tignan ko ito ng mabuti, nawala yung lalaki. Si Pangil kaya 'yon? Inaabangan na kaya niya ako sa loob?

Bahala na. Kailangan kong burahin yung video na 'yon.

Nag-sign of the cross ako ng dalawang beses bago matapang na pumasok sa loob. Mukhang naging agaw pansin ako dahil lahat ng mga tao ay nagsilingon sa gawi ko.

Okay lang 'yan, Louisa. Hindi ka nila kakagatin. Hindi sila bampira.

Lumapit ako sa may front desk, "Excuse me po." Hindi niya ako pinansin. "Miss, excuse me." Hindi pa rin ako pinapansin. Kainis ha. I snapped my fingers three times in front of her face to gain her attention. "Excuse me, hi. Is there any chance that someone with the name Alexander working here?" Good job, self. Diretso kang nag-English.

"Do you have an appointment with Mr. Maquintosh?" Tanong naman niya pabalik.

"Alexander Maquintosh?"

"Yes, Mr. Maquintosh."

"Yung may puting buhok na lalaki? Tapos napakabwisit din? Yung Alexander Maquintosh na 'yon." Dalawang beses ng kumurap yung babae.

"I think we have already established that we are talking about Mr. Maquintosh. Do you have an appointment with him?" Yes! 'Di ako naligaw!

"Yes, meron. May kasalanan nga siya sa akin actually. Kailangan ko na talaga siyang makausap. Ngayon din." Mariin na sabi ko.

"I'm sorry, Miss. You can't talk to Mr. Maquintosh without a valid appointment. You might consider booking one right now--" naputol ang sinasabi nung babae nang tumunog yung telepono. Agad naman niya itong sinagot. "This is Clover speaking. Yes, sir." Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. Weird naman nito. "She is here, sir. Noted, sir." Binaba niya yung telepono't nginitian ako. "Mr. Maquintosh is already expecting your arrival, Ms. Montecort. He's in the top floor. Use the elevator on the right."

Napatango tango na lang ako at agad sumibat doon. Nakakadugo namang kausap si ate. Muntik ng maging blood fountain itong ilong ko. Napatiim bagang na lang ako nang makarating sa may tapat ng elevator.

Out of order.

Bwenas ka talagang bampira ka.

Sabi nung babae kanina nasa top floor daw siya. Seryoso ba siya? Aakyatin ko hanggang doon?! Busat! Bahala na nga. Dumiretso ako sa may emergency staircase at sinimulan ng akyatin yoon.

4th floor...

Tumigil ako para habulin ang hininga. Nagsisimula nang nguminig mga binti ko sa sobrang pagod. Antae. Ilang palapag ba meron dito sa gusaling ito?!

The Last of His KindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon