Chapter thirty five: Seven Steps

2.6K 62 5
                                    

A/n: Quite late but here you go hihi.

Louisa's PoV

Step One.
Fashion screams power. Being a Queen requires staying up to date to the latest trends within the kingdom.

"So," panimula ni Ianna habang tinitignan yung nga naka-display na damit, "what's your clothing style? Street? Monotone? Fancy? Old fashioned? Hip?"

Tinignan ko yung reflection ko sa full-body length mirror na nakasabit sa loob ng store. Hindi ko naman kung anong tawag dito sa style na ito.

"Basta modern...?" It sounded more like a question than an answer.

Pinagkrus ni Ianna mga braso niya, "That doesn't matter now. I will transform you into a Queen." Kinilabutan ako nung ngumiti siya. "I will get you out of your comfort zone. Right, Alex?"

Lumingon ako kay Alex na taimtim na nagbabasa ng magasin sa waiting area. Binigyan niya lang kami ng OK sign bilang sagot.

"Wonderful!" Pumalakpak si Ianna. "Now, now." May tatlo siyang mga bistidang tinaas. "Try these."

Bumagsak ang panga ko sa sahig sa mangha. Ang ganda ng ball gown na pinili ni Ianna para sa akin. Partida unang damit pa lang ito at may dalawa pa pero tumpak na agad. Puti itong bistida na off-shoulders. Gawa ito sa organza fabric na may mga disensyong mga pink at yellow na mga bulaklak sa dulo ng gown. May mga bulaklak ding nakapalibot sa may sleeve nito.

Pinaresan ni Ianna ng 2-inch silver heels ang damit ko. Sabi niya kailangan ko raw magsuot ng heels para 'di ko aksidenteng maapakan yung damit ko habang naglalakad. Umagree na lang ako, nakakahiya namang madapa sa harapan ng mga bampira.

Lumabas na ako ng fitting room at nakitang inaabangan na pala ako sa labas ni Pangil kasama si Ianna. Napanganga pa silang sabay nang makita ako.

"You look...you look..." hindi maituloy-tuloy ni Ianna yung compliment niya pero nag-thank you pa rin ako. At least hindi ako mukhang tubol sa damit na ito. Niyakap ako ni Ianna nang mahigpit, "Kaloka! Nanggigigil ako sa ganda mo!"

Napangiti lang si Pangil sa akin at natawa nang marahan.

"You don't look like a queen to me." Sabi niya saka umabante sa akin. "You look like a goddess."

At etong lola niyo kinilig naman.

Step Two
A Queen must know her manners in front of the dining table.

"Si Alex bahala sa step na 'yan." Aniya ni Cross. Tumango naman si Carl.

"Oo nga. Hanggang ngayon ba naman napakadisenteng kumain. 'Di naman masyadong halatang prinsipe siya e'." Sabi niya saka tumawa ng malakas. Hindi naman kaso nakakatawa yung sinabi amp.

"Guys, naman e'. Table manners lang o." Pagmamakaawa ni Ianna sa kanila pero lalo lang silang umangal.

"O edi ikaw magturo! Easy!" Inirapan ni Ianna si Phoenix.

Kanina pa sila nagtuturuan actually. Pinaglalaban ni Ianna na tapos na raw siya sa pagtuturo kaya iba naman. Tapos pinaglalaban naman nung tatlo na maski sila raw walang manners sa hapagkainan kaya ba't naman daw nila ako tuturuan. Si Pangil nasa gitna lang nakikinig sa kanila.

"Ianna, ikaw na lang. Babae ka naman e'." Sabi ni Cross. Napasampal sa noo ni Ianna.

"Anong kinalaman ng pagiging babae ko dito? Sadyang dugyot ka lang-" pinutol ni Sherra yung sinasabi ni Ianna.

The Last of His KindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon