Chapter five: Really?

4.5K 125 28
                                    

Louisa's PoV

Ang barkada andiyan kung nalulumbay ka. Kaya nga minsan may pagkatopaks ang isa sa kanila para lang mapasaya ka. Minsan, nahahawa ka na rin sa kalokohan nila dahil alam mong masaya ka. Akala mo pinagtutulungan ka nila sa asaran, pero ang totoo pinapangiti ka nila. Pero iba ngayon eh. Pagtutulungan talaga ako nung dalawa.

Wala raw iwanan sa barkada pwera na lang kung may kasamang aso, ika nila. Counted pa ba kung mismong sila ang tinatakbuhan ko?

Alam kong may sira sa mga isip mga iyon at alam ko kung ano ang gagawin nila sa akin kapag nahabol nila ako. Nagsimula ang mga paganito namin noong Valentines day, two years ago. Naisipan ko silang ireto sa isa't isa kaya nagipon ako ng pera pambili ng panang laruan. Nagmistula akong kupido kuno at tinamaan sila ng mga love arrows.

Hindi nila nagustuhan iyon siyempre.

Gumanti sila noong araw na iyon at kinulong ako sa isang bakanteng classroom kasama si Derek. Grabe yung bwisit ko noon. Napaopisina pa ako 'di oras dahil sinapak ko yung prinsipe ng school. Siyempre nagbati bati kaming tatlo matapos ang araw na iyon. Simula noon, ayaw ko na silang bwisitin pa dahil alam kong iba silang man-trip.

Nagtago ako sa may likod ng pader nang hinahabol ang hininga. Masama sa akin ang tumakbo dahil sa asthma ko. Nahagip ko yung mga pigura nila sa 'di kalayuan kaya napayuko ako. Shocks. Ayoko talagang ma-trap ulit kasama si Derek. Nakayuko akong naglakad palayo sa direksyon nila ngunit ang tanga ko lang sa part na hindi ko tinitignan daaanan ko. May nabunggo pa ako tss.

"Going somewhere, kitten?" Out of all people, bakit si Derek pa itong nabunggo ko?!

"Umalis ka diyan." Bulong na utos ko pero ayaw magpatinag. Potek na iyan. Halos mahilo pa ako sa tapang ng perfume niya. Yung totoo? Pabango ba ang pangligo nito?

"Ah I see. Tinataguan mo mga kaibigan mo?" Bahagya akong tumingala sa kaniya at umiwas ng tingin bilang sagot. "Magtago ka lang sa likod ko."

Kahit na labag sa loob kong tinutulungan niya ako, wala na rin akong magawa. Mukhang hindi naman ata ako napapansin ng mga estudyante dito sa cafeteria.

"Hi, Derek." Rinig kong malanding sabi ni Katrina. Tangina nga naman oh. Kahit naman nakatago ako kung agaw pansin naman itong prinsipe nila. Nanlaki mga mata ko nang magtama ang tingin namin ni Katrina. "Montecort?"

Napapikit na lang ako ng mariin. I hope this doesn't get worse than this. Akmang hahablutin sana niya ako pero pinigilan ni Derek yung kamay niya.

"One date, just spare her today." Nagulat naman ako sa sinabi niya. Talagang gagawin niya ang lahat para sa akin? Damn, okay. "Please, Katrina."

Hindi ko na alam yung mga sumunod na nangyari kasi nakatalikod na ako. Bahala silang maghalikan diyan. Tae, rinig na rinig mga halikan eh. Kadiri.

"Kitten," ang bilis naman, "malapit na sila pumunta dito. Hide under the tables quick." Agad naman akong sumunod at gumapang sa ilalim ng mesa. Tanga ka talaga, Louisa. Bakit ako sumunod?! BA'T AKO NASA ILALIM NG MESA?!

Wala na, finished na.

No choice ako at tuluyan na ngang gumapang sa ilalim ng mesa. Sinubukan kong iwasan mga kalat dito jusko. Ang dumi pa naman ng sahig. Thank you, Derek ha? Puchangina. May mga paa sa magkabilaang side ko kaya naman todo ang iwas ko sa mga ito. Umiilag lang ako tuwing nagalaw ang mga paa nila lalo yung mga may mannerisms. Tamang ilag at iwas lang hanggang sa makarating sa pinakadulo. Nakatakong siya. None other than the Queen bee herself.

In fairness ha, maganda yung cutix niya sa paa. Halatang suki siya sa mga nail salons at foot spa. Ayos na sana kaso mabaho naman yung paa nung katabi niya.

The Last of His KindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon