Chapter eight: Ms. Highblood

2.8K 82 6
                                    

A/n: iKon's Bobby is getting married! Yay! And he's having a son, too. So happy for him!

Louisa's POV

I focused on my ragged breathing. The pressure is finally reaching up to me, but I chose to ignore it. My entire body's already too sore from moving too much. My hand's too sweaty, so I tightened my grip on the handle.

Tila ba parang lumabo ang paligid ko at tanging sa kalaban ko lang malinaw ang paningin ko. I positioned myself on the court as I await for the shuttlecock to be served. Jadis daw pangalan ng kalaban ko, tinaguriang tigre ng Saint Rose Academy sa sport na ito.

While my own school calls me Miss Highblood.

Sinerve na ni Jadis ang shuttlecock. Mahina lang ang pagserve niya at malapit lang sa net ito bumagsak. A sneaky technique. Mabilisan ko itong hinabol at ginaya ang technique. Mahina ko lang na binalik yung shuttlecock saka umatras para abangan ang pag-rocket nito. Mas malaking opportunity para sa smash.

Natamaan agad ito ni Jadis at tinamaan palayo ang shuttlecock. Tumingala ako saka ngumisi. It's flying nice and high. I put more pressure on my left foot then geared myself to jump high. Pagkatalon ko, malakas kong tinama ang shuttlecock.

It powerfully landed on my opponent's open spot. The shuttlecock's too fast, hindi agad nahabol ni Jadis iyon.

"Point for Elmore High!" Sigaw ng referee dahilan nang pagtilian ng mga ka-school ko sa may bleachers. "20 points for Elmore High. 18 for Saint Rose."

Napangiti naman ako ng malawak at hinabol ang hininga. Nice. Isa na lang at panalo na ako sa final match.

"Ms. Highblood! Ms. Highblood! Ms. Highblood!" 'Pag-cheer ng mga ka-school ko.

Ang cute lang. Gusto lang nila ako kapag may badminton tournaments ako. Well, who can blame them? Sabi ng coach ko ako ang pinakamagaling/pinakamabangis na badminton player ng school namin. Tinagurian akong Ms. Highblood sa sobrang lakas ng smashes ko.

Annual sports tournament namin ngayon. Kung hindi pa siguro ako ni-remind ng coach ko kahapon, hindi ko siguro maaalalang may competition ako. Wala pa akong practice ngayon actually. Wala kasi akong oras para mag-practice, palagi lang ako sa bahay ni Pangil. Ginawa na niya atang full-time job ang pangaasar sa akin tss.

Maski sa ibang schools tinatawag nila akong Ms. Highblood. 'Yung iba naman ay balita kong ayaw nila akong makalaban dahil pangit raw ako ka-bonding. Hindi daw ako mapagbigyan. Noong una kong laro, 21-0 ang laban. Asar na asar sa akin 'yung coach ng kalaban ko noong araw na iyon.

"YOWN OH! BABE NAMIN 'YAN!" Rinig kong sigaw ni Chubby pero hindi ko siya mahanap sa may bleachers.

"UWI NA KAYO MGA ULOL! WALA PANG PRAKTIS SA LAGAY NA 'YAN SI MS. HIGHBLOOD!" If ever makita ko mamaya si Ranz, sasabunutan ko 'yon.

"PINAGBIBIGYAN NIYA LANG KAYO HAHAHA."

Mukhang nakikisabay na sa pagyayabang 'yung iba kong ka-school. Tipid lang akong ngumiti sa kanila bago kinuha yung shuttlecock. Turn ko na para mag-serve.

Habang tinatapat ko ang shuttlecock sa string bed ng racket ko, may nararamdaman akong nakatingin sa akin sa 'di kalayuan. I mean, alam ko namang halos lahat ng tao dito pinapanood ako ngayon pero kakaiba 'yung kanya eh. Sumilip ako saglit sa may bleachers at napansing may lalaking puti ang buhok doon.

Pinapanood ako ni Pangil?

"Louisa, ano ba?! Serve mo na!" Sigaw ng coach ko. Sabi ko nga at kailangan kong mag-concentrate.

Hindi ko na lang pinansin si Pangil at sinerve yung shuttlecock.

Medyo palpak ang pag-serve ko at nai-smash agad ito ni Jadis. Mabilisan ko itong tinamaan pero nasalo lang ito ng net. Yikes.

The Last of His KindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon