Chapter thirty eight: Serenade Gone Wrong

2.5K 60 4
                                    

A/n: This chapter is dedicated to Kim Galilee Salcedo. Thank you for being so sweet sa akin hehe. Love you! xxo.

Louisa's PoV

Kanina pa nanginginig ang mga tuhod ko sa sobrang kaba.

Kanina pa ngang tagatak ang pawis ko, daig ko pa ang mga basketball player kung pagpawisan.

"NAKAKAKILIG NAMAN 'YAN, 'NAK!" Tili ni Mama habang hinahampas ng paulit-ulit si kuya Luis. "'Di ko aakalaing ganyan pala ka-sweet si Alexander sa'yo! Nung una ko ba naman kasi siyang nakita parang napaka-seryoso niya masyado." Kumento niya na may abot tenga ang ngiti.

Kinekwento ko sa nanay at kapatid ko ngayon yung mga nangyari sa amin ni Pangil matapos kaming ikasal. Ngayon ko lang sila ulit naka-chikahan....at mukhang ito na ang panghuling chika namin if may hindi magandang mangyayari doon sa pupuntahan namin.

Biglaang hinila ako ni kuya para ipaharap sa kanya. Naningkit ang mga mata niya't nakataas ang kaliwang kilay.

"Umamin ka nga sa akin..." napakurap ako kay kuya nung biglang bumaba ang boses niya, "Ginayuma mo siya ano?"

What the? "Baka siya nga ang nanggayuma sa akin aba." Tinulak ko siya palayo.

"Pero 'nak, pansin ko lang. Parang iba ata ang aura mo ngayon." Naalerto ako nang lapitan din ako ni Mama saka in-examine ang mukha ko. "Nag-glow balat mo ngayon." Hinawi niya ang buhok ko para makita ang leeg ko. "Malakas ang pintig ng pulso mo." Napalunok ako lalo nang bumaba ang tingin niya sa puson ko. "Sabi na e'."

Shemay. This can't be happening! She might tell my secret to Pangil!

"M-ma...?" Pansin kong bumagsak ang ngiti ni Mama. "'Ma, please don't-"

"Hindi ko man lang makikilala apo ko..." Rinig kong mahinang tinig ni Mama. Bumigat ang dibdib ko sa sinabi niya. Now that I think about it, she's right. This might be the last time we'll see each other again. She will never know what her grandchild will look like.

The more I reflect upon it, the more determined I am to help Alex to take back the throne. The sooner we can do it, the sooner I return to my family.

Yinakap ako ni kuya, "Hihintayin ka naming bumalik, bubwit. Araw-araw ka naming pagdadasalan ni Mama para maging ligtas ka at ng baby mo." Hinagod ni kuya ang likod dahilan ng pagpatak ng mga namumuong luha.

"Uuwi rin ako. I promise you." Humiwalay ako kay kuya para yakapin si Mama. "You will still see me. I will come back alive."

At this point it sounded like an empty promise, but I'll take whatever chances I can get to reunite with my family. I will live to fight for my child. I will live for us.

"Osiya..." pinunasan ni Mama yung luhang tumulo mula sa mata ko't matamis akong nginitian, "May epple pa sa kusina. Tara na."

Kanina pa ako nakatulala lang sa may kisame ng kwarto ko. Isang kamay nakapatong sa may umbok ng puson ko at yung isa naman ay nakapatong sa noo ko. Bumubuntong hininga lang ako ng paulit-ulit habang nakahiga. Ang daming thoughts na pumapasok sa isipan ko ngayon. Halo-halo ang mga nararamdaman ko, at lumala nung kasama kong kumain mama at kuya ko.

Napakadaming pwedeng mangyari during my stay sa Vampire Kingdom. For all I know baka hindi si Devigne ang makakapatay sa akin kundi mga ibang bampira doon na uhaw sa dugo ng tao. O baka naman maiipit ako sa laban ni Devigne at ni Pangil. Makapangyarihan ba naman yung dalawa tapos samantalang ako gusto na lang maging magandang hotdog.

Pero nakakapagtaka lang kung anong plano ni Pangil kapag nakuha na niya yung trono. Gagawin niya ba akong reyna niya kahit na tao ako? Pwede kaya 'yon? Sabagay, siya naman ang magiging hari kaya pwede naman siguro niyang palitan yung rules doon.

The Last of His KindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon