Chapter thirty three: Someday

2.2K 61 9
                                    

Louisa's PoV

"Goddamn it, Lucy! Let me in now!" Inis na sabi ni Pangil habang kumakatok sa pintuan.

"No! A-yo-ko! Ayoko!" Pagmamatigas ko. Hindi pa rin ako makapaniwala. Ako? Magiging isang Queen? President nga sa klase namin hindi ako interisadong tumakbo. Reyna pa kaya ng buong kaharian ng mga bampira?

Nakakalimutan na ata nilang tao lang ako. Anong laban ko sa mga bampirang iyon? Alangan naman yung tagapaglingkod nila ay yung pagkain nila? Takte!

Ang pinasukan ko sa kasal na ito ay magiging asawa lang ng isang bampira. Wala sa usapan naming gagawin akong reyna ng kaharian nila. Tangina! Kung alam ko lang sana na ganito mangyayari edi sana noon ko pang tinakbuhan si Pangil.

"Perhaps I should explain further..." kahit ilang paliwanag pa 'yan, hindi ko pa rin tatanggapin. "I am the rightful ruler of our realm but Devigne stole the throne from our family. I need you to help me reclaim my father's throne and bring back the Maquintosh royal bloodline into the kingdom."

Napapikit ako ng mariin.

"Saang parte ng sinabi kong 'ayoko' ang hindi niyo maintindihan?" Inis na sambit ko. "Wala akong balak maging reyna kaya tantanan niyo ako at huwag niyo akong pilitin." Baka pumayag ako, charot. Nakaka-stress lang talaga.

"Ang arte naman. Being a Queen is such a great honor. If I were her, I wouldn't hesitate to say yes." Rinig kong sabi ni Sherra. Pigilan niyo ako at iuumpog ko 'yan sa pader. Palibhasa kasi, hindi lang trono ang habol kundi pati asawa ko tss.

"Lucy, open the door please. I'm begging you. Let's talk about this." Pagmamakaawa ni Pangil. Tae, ano bang iniisip nila't pinipilit akong buksan ko itong pintuan? Umihi lang naman ako, tapos bigla bigla ba namang sasabihing Open the door, we need to hear your decision. Like dzuh? Umiihi yung tao tapos bubuksanan ko sila ng pinto? Bwenas.

"Give me space please..." Pagmamakaawa ko rin. Nahihiya tuloy akong i-flush yung inidoro. Narinig ko na silang nagsialisan na. 'Buti naman. Pwede na akong mag-flush.

Pinakinggan ko muna kung bumaba na ba silang lahat bago pumunta sa may veranda para magpahangin. Kanina pa lumubog ang araw kaya naman nagsilabasan na ang mga bitwin sa langit. Medyo maginaw ang hangin ngayon, niyakap ko ang sarili para ma-conserve yung body heat ko.

Napabuntong hininga ako. Bwisit din yang Devigne na 'yan. Siya ang pasimuno sa lahat e'. Base sa mga kwento nila sa akin tungkol sa kanya, siya raw yung tipong gagawin ang lahat para makuha ang gusto niya. Ayon din kay Ianna, may nakakamatay raw na kapangyarihan si Devigne, dahilan kung bakit hirap na hirap si Alex na bawiin ang trono. Pumalpak siya ng isang beses at hindi iyon pinalampas ni Devigne.

Pinatalsik siya mula sa kaharian na dapat nililingkuran ni Alex. At dahil desperado naman siyang makuha muli ang tronong iyon, nilapitan niya si Victoria.

At dahil kay Victoria nahanap ako ni Alex.

Sa totoo lang, ayos naman kung magiging reyna ako. May dinadala na nga akong heir ni Pangil e'. Ngunit hindi pa ako handang magasikaso ng isang kaharian lalo na't puro bampira ang mga naroroon. Kung sa England sana edi payag na payag ako. Kapitbahay ko si Queen Elizabeth ganon. Pero hindi e'.

Dati rati hindi ako naniniwala sa mga bampira. Tapos ngayon inaasahan akong papalit kay Devigne bilang reyna nang pakasalan ko itong prinsipe ng mga bampira. Bumuga ulit ako ng hangin at napatingala sa mga bitwin.

Dad, please guide me. Hindi ko alam kung anong gagawin ko.

Napahawak ako sa puson ko kung saan ramdam ko yung unting baby bump. Hindi ko pa naipapanganak anak ko, ang dami na agad problemang sumasalubong sa amin. Marami na ring panganib na nagaabang sa akin. Sa amin.

The Last of His KindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon