Chapter seven: Someone Else

3.3K 85 3
                                    

A/n: This chapter is dedicated to my fam Grand Empire of Wattpadians.

Stay sabog.

xxo

Louisa's POV

Nagising na lang ako nang may naririnig akong kaluskos. Umaga na ba? Tae. Kulang yung tulog ko. Humikab pa ako tapos nagpunas ng laway.

"Louisa," Rinig kong tawag ni Pangil. Sinilip ko siya sa may kabaong niya pero wala namang nakahigang pangit doon. Lumingon ako sa magkabilang sides ko pero wala rin siya doon. Weird. I just heard him call my name earlier.

"Pangil? Don't tell me kaya mo rin maging invisible." Huwag naman sana. Baka mamaya nasa loob pala siya ng banyo habang naliligo ako. Katakot non.

"Tingin ka sa taas." Tinignan ko yung headboard ko at baka andon siya nakasabit. Eh? Wala rin naman siya doon. "Why so slow, human? Tingin ka sa tapat mo." Edi ikaw na bampira tss.

Tumingin ako sa may kisame at--WHAT THE HELL IS HE DOING?

Napasigaw ako ng 'di oras at inabot yung pinakamalapit na bagay na pwedeng ibato.

"Do not throw that alarm clock at me!" Sigaw niya pero huli na ang lahat. Late niyang nasabi e'. Naibato ko yung alarm clock at tumama ito sa may ulo niya...dahilan ng paghulog niya.

He landed on top of me. Sa tagalog, dinaganan ako. Putspa.

"FYI. Mabigat ka po." Reklamo ko at nagsamaan kami ng titig.

His tongue clicked, "sino ba kasing nagsabi sayong batuhin mo ako ng alarm clock?!"

"Sino ba kasing nagsabing sumabit ka jan sa kisame?! Paniki ka ha? Paniki ka?" Inis ko ring sagot. Sino bang hindi magugulat kung may taong nakasabit sa kisame?! Hindi naman literal na nakasabit. Parang nakatayo lang siyang nakabaliktad ganon. Ah basta! Ang weird!

"Kasalanan ko bang nagulat ka?" Aba at talagang nagpapabiktima itong lalaking ito ha!

"Kasalanan ko bang hindi ka rin umilag?"

"Aba ewan ko sayo."

"Ewan ko rin sayo. Style mo bulok."

At nagsimula ang Round 3 ng staring competition namin. Akala niya magpapatalo ako? Never. Ako? Magpapatalo? Over my dead--alive and gorgeous body! Tumagal ng ilang segundo ang pagtititigan namin hanggang sa una siyang pumikit nung ngumisi siya.

"Say, you look prettier up close." He winked.

Saka ko lang na-realize na sobrang lapit na pala ng mukha namin sa isa't isa. Agad ko namang tinulak palayo mukha niya hanggang sa mahulog siya. Rinig na rinig yung sunod sunod na pagmumura niya sa may sahig pero bahala siya. Wala akong pakialam. Tss.

"Food's ready downstairs." Sabi niya habang natayo. "Hurry up."

Syempre binagalan ko. Bwibwisitin ko lang din.


Minsan nakakawalang ganang kumain dito sa pamamahay ng lalaking ito. Ang disente lagi. Kahapon violin yung music, ngayon naman saxophone. Ang gagara pa ng kitchenware set, akala mo naman ninakaw niya mga ito sa mga museum. Araw araw bang ganito ang buhay ng lalaking ito? Takte. Nahiya yung kusina namin jusko.

Pati itong lalaking ito ang disente ring kumain. Mala-prinsipe ang getup para lang magagahan. May table napkin pang nakalatag sa may lap niya. Tapos kung iinom ng tsaa, nakataas pa yung kikit niya jusko. Yung mga servants niya ay nakapwesto lang malapit sa kinauupuan niya, ready to take orders from their boss.

The Last of His KindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon