Chapter fifteen: Signs of Madness

2.8K 84 10
                                    

A/n: So I tried to reread my 2016 stories at work and goddamn I've never cringed so hard in my life. Good thing I decided to rewrite Alex's pamatay lines this time jusq.

Louisa's PoV

Signs na sobrang galit si Pangil.

Sign 1.
Halos maging puti na ang mga knuckles sa kamao niya sa sobrang higpit ng grip niya. As you can imagine, he's already pale. He's literally a walking corpse. Pero 'pag sobrang galit, daig pa ng knuckles niya yung mga ngipin sa mga toothpaste commercials.

Sign 2.
Gold na naman yung mga mata niya. Sa kaniya lang talaga maia-apply yung phrase na 'Gold ka ba?'. Sana all na lang. Nakakagigil namang tignan. Nangangati na kamay kong sanglain iyon.

Sign 3.
Mahigpit ang hawak sa braso ko. Feeling ko mawawalan na ako ng braso dahil sa kaniya.

"Who the fuck are you?" Malamig na tanong ni Pangil kay Drake saka hinarangan siyang lumapit sa akin. Matalim ang mga titig niya kay Drake. If looks could kill, siguro may aattendan akong funeral bukas.

Pero teka, masyadong pabibo naman itong si goldie. Galit na galit e'. Pinisil ko ang kamay ni Pangil para kumalma siya. Nakakahiya naman at baka magtaka si Drake kung bakit ginto mata ng isang ito. Baka mamaya akusahan siyang may Hepatitis e'.

"The real question is who the hell are you to take Louisa away from me? Trespassing into my property. Destroying my door." Galit naman na sabi ni Drake. "Now if you'll excuse me, I would like to have my girlfriend's arm back."

Ramdam kong lalong na-trigger yung galit ni Pangil. Nilingon niya ako--teka, makatingin naman ito parang nangabit ako e'.

"Ahh ex-boyfriend ko siya, Pa--" shet muntik na "Alex." Klinaro ko lalamunan ko. "Matagal na kaming hiwalay." I gave him a meaningful look. Sana tumigil na siya. Ako ang nahihiya ih.

"'Yon naman pala e'." Binalik niya ang kaniyang masamang titig kay Drake saka marahang tumawa. "The audacity you possess is mildly interesting. Attempting to take her away from me? Tsk tsk. That's when you've crossed the fucking red line, buddy."

"I don't see any red lines here, buddy." He mocked. Nakakatindig balahibo yung boses ni Drake. Nanghahamon na talaga siya ng away. Okay naman sana kaso hindi naman tao itong kinakalaban niya.

Akmang bubuhatan na sana siya ng kamay ngunit bigla niyang tinulak ang mukha nito palayo. Nanlaki mata ako nung bumagsak si Pangil sa sahig. What the...

ANG HINA NAMAN PALA NG BAMPIRANG ITO!

Hinawakan ni Drake ang magkabilang pisngi ko at nanlambot ang mga mata. Samantalang ako naman ay napapasilip baba para tignan kung buhay pa ba yung bampirang iyon. Napakaangas niya na kanina pero ang bilis ding bumagsak amp. Kahihiyan.

"I know you still love me, Louisa." Sabi ni Drake at matamis na ngumiti. Biglang nagiba yung hangin. Tila ba parang pinapalibutan kami ngayon ng dark aura. Napakadaming ilaw na nakasindi dito sa condominium pero bigla na lang parang dumilim dito. Very unnatural.

Sign 4.
Parang horror movie yung eksena.

"Fool." Rinig kong bulong ni Pangil na hanggang ngayon nakadapa pa rin sa tiles. "Don't embarass yourself like that. It amuses me more."

"Speak for yourself. Napakahina mo." Sagot naman ni Drake. "Isang tulak lang, bagsak ka na agad." He has a point. Pero nakakapagtaka naman. Dati nung binubunggo ko yung balikat ni Pangil, halos parang bato lang yung binunggo ko. Sumakit pa ng balikat ko matapos non.

The Last of His KindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon