PRECIOUS GIFT 5

7K 156 68
                                    

Dedicated to: Jewel-AnnCastroGreen

----------------------------------

Marahan ang kilos ko, iniiwasang hindi masaktan ang lalaking katabi.

"O-ouch" Ginagamot ko ang sugat na natamo niya dahil saakin.

"Sorry" Bulong ko at nag concentrate sa pag gamot ng sugat niya.

Nasa clinic kami ng school sila Kiya naman nasa kabilang kwarto habang ako heto ginagamot ang sugat niya kung hindi rin naman dahil saakin hindi siya mapahamak ng ganito.

"Okay lang. Akin na nga" Aniya at kinuha ang bulak na nasa kamay ko. Hinila ko ang kamay ko dahil wala na yata siyang balak na bitawan.

"Sorry, na carried away ako" Natatawa niyang sabi. Ngumiti ako ng pilit.

"Sorry ulit hindi na ako magtatagal may klase pa ako" Paalam ko sakanya.

Tumango naman siya at inayos ang buhok ko. Napaatras ako sa ginawa niya.

"Sorry ulit" Tumango ako at lumabas ng kwarto. Napatingin ako sa kakalabas lang na si Kiya na masama ang tingin saakin.

"Lahat nalang nilalandi mo" Sabi niya saakin at nagsimulang lumakad.

Nilalandi ko? Ako? Sino naman ang lalandiin ko?

"Kiya sandali" Sigaw ko at hinabol siya.

Hinawakan ko siya sa braso nang maabutan ko siya. Tumingin naman siya ng masama saakin na para bang kasalanan ko ang lahat.

"Ano?" Tanong niya.

Nilabanan ko ang titig niya. Ngumisi siya na para bang natatawa siya sa ginagawa ko.

"May atraso ba ako sayo?" Tanong ko.

Umiling siya na para bang hindi siya makapaniwala na tinatanong ko siya ng ganon.

"Halata ba, Alya?" Mala-anghel niyang tanong.

Hindi ko siya maintindihan kung bakit siya nagkakaganito. Inalis niya ang kamay kong nakahawak sa braso niya.

"Bitch" Bulong niya bago siya umalis. Bitch? Ako bitch?

Iniwan ako ni Kiya sa gitna ng malawak na field. Palaisipan ang kanyang sinabi. Paano ako naging bitch?

Pumasok ako sa klase at tahimik na umupo. Kaso may masamang nilalang ang humila sa upuan ko kaya diretso sahig ang kinalagyan ng pwetan ko.

Ang sakit!

"Hoy ano ba?!" Sigaw ni Kim sa humila ng upuan ko.

Pinagtawanan nila ako. Dinaluhan naman ako ni Kim at tinulungang makatayo. Kumapit ako sa braso niya kasi feeling ko walang lakas ang mga binti ko na para bang anytime pwede akong bumagsak ulit.

"May masakit ba sayo?" Tanong ni Kim tumango ako. Halata naman kung magsinungaling pa ako. Iginiya niya ako sa bakanteng upuan at pinaupo saka bumaling sa mga kaklase naming walang modo.

"Yang pagmumukha niyo lagot talaga kayo kay Ian"Sigaw niya sa mga ito at bumaling saakin.

"Salamat Kim, huwag mo ng ipaalam kay Ian please?" Sabi ko sakanya. Umiling siya saakin.

"No! ayoko. Humanda sila, mga gago" Gigil niyang sabi

"Please?" Bumuntong hininga siya ngumiti naman ako sa respond niya.

Herrington 2: Precious Gift (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon