Spg.
------------------------------
"1, 2, 3, smile" Sabi ni Jenny.
Ngumiti naman kami sa kamerang hawak niya.
Ang ganda ng dagat. Ang puti ng buhangin hindi nga ako nagsisi na sumama sakanila.
"Ay kuya pasuyo namin" Sabi ni Jenny sa dumaang binatilyo.
Hinila nila ako sa malaking bato at doon kami pumuwesto para sa magandang view. Kulay itim yung bato at pakatapos ng ilang pose at ilang shot ay tiningnan naman ang kalabasan nun.
Ang ganda. Yung isang larawan yung bato at kaming apat lang ang nakuha. Samantalang yung isa naman ay kuha na ang kagandahan ng dagat. Yung iba naman mga shots namin na nagkukulitan.
"Ay bongga ang galing mo kuya ah. Salamat" Puna ni Jenny sa binatilyo. Umalis namin yung binata
"Ang gaganda ng kuha niya" Talagang maganda. I like it. Parang professional photographer ang kumuha non.
"Agree teh" Sabi namin ni Anikka
"Ipapadebelop ko ito at bibigyan ko kayo ng copy girls" Sabi namin ni Jenny.
"Kyaaaaah" Malakas na hiyaw ni Bea. Sabay sabay namin siyang tiningnan at ang babae nakatingin sa malayo. Sinundan namin kung saan siya nakatingin.
Yung binata naghuhubad ng shirt. Wow pandesal sa hapon! Tapos biglang naglakad papunta sa maalong dagat.
Okay.
"Kyaaah girls ang hot" Hiyaw ni Bea at pinaypayan pa ang sarili gamit ang kanyang mga kamay.
"Samahan mo kaya 'yon" Sabi ni Jenny sakanya.
Namula siya sa sinabi ni Jenny kaya napahagalpak kami ng tawa. Hihirit pa sana si Jenny ng biglang sumigaw si Jerome.
Nilapitan niya kami.
"Kanina ko pa kayo hinahanap" Hingal niyang sabi.
"Bakit naman?" Tanong ni Anikka
"Wala lang. Bored don eh nag iinuman lang sila. Alam niyo naman walang bisyo tong gwapong to" Sabi niya. Wow ang hangin.
"Girls pupuntahan ko lang sila ah" Sabi ko. Kung pwede lang ayokong makasalamuha itong si Jerome.
"Sama ako" Sabi ni Jenny. Kumapit siya sa braso ko at binigay kay jerome ang camera.
Lumapit kami sa cottage at totoo ngang nag-iinuman sila.
"Alya anong shake ang gusto mo?" Tanong ni Lance.
"Corn shake nalang akin" Sabi ko. Bumaling siya kay Jenny.
"Green mango shake yung akin" Sabi niya. Umalis naman si Lance. Kaya naiwan kaming apat sa loob ng cottage.
Wala si Jimboy? Nasan siya?
"Na saan si Jimboy?" Tanong ni Jenny.
"Natutulog. Inaantok daw siya" Tumango si Jenny sa sinabi ni Mark at lumapit kay Mark.
Pumulupot ang braso ni Mark sa baywang ni Jenny at pinaupo ito sa hita niya. Okay! Napayuko ako kasi naman may naalala ako.
Sinenyasan ako ni Jenny na lumapit sa nakangising Ian. Kinagat ko ang labi ko at lumapit kay Ian. Umupo ako sa tabi niya. Kaharap ko yung likod niya kaya niyakap ko na siya. Ramdam ko ang paninigas niya sa ginawa ko.
BINABASA MO ANG
Herrington 2: Precious Gift (COMPLETED)
RomancePaano kung nabiyayaan ka ng pinakamahalagang regalo na maaari mong matanggap sa panahong hindi mo pa kayang tanggapin, paano kung biniyayaan ka ng anak, ng kambal na anak pero kapalit noon ang pag-iwan sayo ng mahal mo? Maituturing mo pa rin ba ito...