IAN HERRINGTON POV
Hawak ko ang kamay niya habang natutulog siya. Siguro ay antok na antok ito. Kanina pa kami nakarating sa bahay nila hindi ko na siya ginising at marahan na inadjust ang upuan niya para maayos ang higa niya.
Buti nalang nagdala ako ng jacket kaya ginawa kong kumot niya. Gago talaga ang Jerome na iyon kapag ako hindi na nakapagtimpi ay papatayin ko na siya. Ang gago niya para pagsalitaan ng ganon si Alya.
Kahit ako ni minsan hindi ko pa siya tinawag sa ganong paraan. Ang tarantado ko at hinayaan kong mabastos siya ng walang kwentang lalaki. Gumalaw siya at humigpit ang hawak sa kamay ko, napangiti ako dahil doon at inalis ang buhok niyang nasa mata. Nilagay ko iyon sa likod ng tainga niya at hinaplos ang pisngi niya.
Mahal na mahal ko siya at lahat ay gagawin ko para sakanya.
Alas dos na ng madaling araw. Tulog na tulog parin siya kaya pinikit ko na rin ang mata ko.
ALYA MENDOZA POV
Nagising ako dahil sa pagkatok sa bintana ng kotse ni Ian. Bunaling ako roon at nakita si ate Ley na nakakunot ang noo malamang hindi niya kami nakikita dahil tinted itong sasakyan.
Nagising na rin si Ian at diretso ang mata sa labas. Binaba niya ang salamin.
"Bakit hindi kayo nagdoorbell? Hinihintay ko kayo" Sabi ni ate. Tiningnan ko ang oras at 5 AM pa lang iyon ng umaga.
Bakit nga pala kami nandito sa kotse niya? At bakit kami natutulog dito?
"Ayoko nang gisingin si Alya kaya hinayaan ko nalang na makatulog kami rito" Marahan niyang sabi.
"Pumasok na kayo maghahanda ako ng almusal" Tumango ako sa sinabi ni ate. Sinulyapan ko naman ang lalaking kasama ko.
"Sana ginising mo nalang ako para hindi ka mahirapan matulog dito" Nakanguso kang sabi. Ngiti niya lang ang sumagot saakin at marahan na hinaplos ang pisngi ko.
"Ang sarap kaya ng tulog ko" Aniya. Bumaba siya at mabilis na umikot para pagbuksan ako. Humawak ako sa braso niya at marahang bumaba.
Hmp.
Pinauwi ko na si Ian pagkatapos naming mag-almusal. Actually nagmilk lang ako sila naman ay kumain ng heavy foods.
Kakalabas ko lang ng banyo nang tumunog ang cellphone ko. Oo nga pala naiwan ko ito. Dinampot ko at sinagot kaagad ang tumawag.
"Yes hello, Kim?" Sagot ko sa kabilang linya.
Umungol siya na parang ewan.
"Bessy let's go shopping" Sigaw niya. Aww
Yes sure.
"Okay" Sabi ko.
"Oh siya. Go na ako r'yan. Muaaah" Mukhang ang saya- saya niya.
I wonder why?
Pumili ako ng ripped and faded pants at white t-shirt with heart shape sa middle. Sinuot ko rin ang black vans na shoe at tinali ang buhok ko. Pababa pa lang ako ng hagdan nasulyapan ko na ang kakaibang titig ni ate.
Uupo na sana ako sa sofa nang biglang may nagdoorbell.
"Ako na ate. Kaibigan ko yan tsaka aalis kami ah"Sabi ko. Sumunod siya saakin siguro ay para isara ang gate pag-alis namin.
Bumungad ang naka short-short na si Kim at crop top naka pumps rin siya. Okay anong meron sakanya? Pula rin ang labi niya.
Wow nag evolve.
BINABASA MO ANG
Herrington 2: Precious Gift (COMPLETED)
RomancePaano kung nabiyayaan ka ng pinakamahalagang regalo na maaari mong matanggap sa panahong hindi mo pa kayang tanggapin, paano kung biniyayaan ka ng anak, ng kambal na anak pero kapalit noon ang pag-iwan sayo ng mahal mo? Maituturing mo pa rin ba ito...