-----------------------------
ANG INGAY AT NAIINIS AKO SA INGAY NA YON!
Nakauwi na kami. Grabe hindi ko na-enjoy ang pool. Pinanood ko lang sila habang kumakain ng chips. Umuwi narin sina Oxy, kaya nagtataka talaga ako kung bakit ang ingay-ingay? Parang may nagko-concert sa sobrang ingay! Kabwisit!
Tanghaling tapat may nag iingay? Kung patulugin kaya ako? Ngumuso ako at bumangon. Lumabas ng kwarto tsaka bumaba ng hagdan.
Oh? Nawala ang ingay? Lumabas ako at dumiretso sa garden. Nandoon ang kambal kasama si Tyler naglalaro sila ng bahay-bahayan.
Umupo ako roon para naman mabantayan ang tatlo. Paano ba naman sila lang tatlo ang nasa garden mamaya lalabas to tapos mawawala.
Diba? Hindi naman kasi natin alam ang nakatadhana. Kaya mas mabuti pang nakahanda ka.
Ilang araw na? Three days? Walang Ian ang nagpapakita saakin. Nakakabwisit! Buti pa ang kambal kwento nang kwento about sa daddy nila. Hindi ko siya naabutan! Lagi akong late! Grabe minsan narinig ko na ang boses niya kaya nagmadali ako sa pagbaba ng hagdan pero ang bwisit nagmadaling umalis.Tumunganga ako. Parang nauulit na naman ang nakaraan.
"Mommy may gusto akong laruan sa mall, bili natin please?" Seriously? Tinatamad ako.
Ngumuso ako kay baby An.
"Ang daddy mo?" Tanong ko.
"Kanina nandito siya pero biglang nawala, why?" Umiling ako.
"Gusto mong sumama Tyler?" Tanong ko.
"Opo opo opo tita" Ngumiti ako at inaya silang pumasok sa bahay.
"Sige wait mo kami rito ah? Bibihis lang kami" Tumango siya at umupo sa sofa.
Ang cute na bata. Parang binata na talaga siya kung umasta. Minsan nga naabutan ko siya kinililig. Grabe saan kaya nagmana 'yung batang iyon? Masyado pang bata para kiligin sabagay may ganon talaga.
Pareho ang damit nila. Pareho rin silang naka jeans. Nagjeans din ako para pareho kaming tatlo.Pagkatapos kong mag-ayos ay bumaba na kami. Napatayo naman si Tyler nang makita na kami.
"Tita bakit pareho kayong tatlo? I'm jealous Tita" Ngumuso pa siya.
Nilapitan ko siya at bahagyang inayos ang buhok niya.
"Don't be Tyler. Gwapo ka naman eh" Ngumiti siya.
"Gwapo talaga. Ibig sabihin ba Tita pwede ko ng magustuhan si Akira?" Nanlaki ang mata ko.
Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sakanya. What the ef! Anong sasabihin ko? Nangangapa ako ng sasabihin nang magsalita ang baby boy angel ko.
"How many times do I have to tell you man? Don't you dare like my twin, I'm gonna break your face" Napanganga ako.
Gusto ko nalang sumigaw! Bakit ganito ang mga bata?
"Boys. Enough" Yan lang ang nasabi ko.
Kumapit na sa kamay ko ang kambal. Si Tyler naman ay nauna na saamin. Ang tanong? Magtataxi kami? Okay wala ng choice. Huminto ako nang may mapansin akong kakaiba. Wala akong nakikitang Mama? Kaninang umaga ay nandito siya? Si Dad din wala. Gosh anong meron?
"Kids? Nakita niyo ba si Lolo't Lola?" Tanong ko.
Umiling ang dalawa.
Sumigaw ako.
"Ate Ley? Saan nagpunta sina Mama?" Walang sumagot saakin.
Maya-maya lang ay may nagsalita.
BINABASA MO ANG
Herrington 2: Precious Gift (COMPLETED)
RomancePaano kung nabiyayaan ka ng pinakamahalagang regalo na maaari mong matanggap sa panahong hindi mo pa kayang tanggapin, paano kung biniyayaan ka ng anak, ng kambal na anak pero kapalit noon ang pag-iwan sayo ng mahal mo? Maituturing mo pa rin ba ito...