Pinagmasdan ko ang sarili ko sa malaking salamin. Para akong nasa dance studio sa sobrang laki ng salamin. Nasa likod ko ang lumuluhang Mama at Daddy ko.
This is it.
The road to my forever.
I am marrying the love of my life.
Lumingon ako sa mga magulang ko na umiiyak. Ngumiti ako sakanila at tumingala para mapigilan ang luhang nagbabadyang tumulo.
"Ang ganda ganda mo anak" Nakangiting sabi ni Mama.
Yumakap ako sakanya, Yumakap naman si Dad saamin.
"I love you both" Bulong ko.
"Let's go, Ikaw nalang ang hinihintay" Sabi ni Mama.
Tumango ako at huminga nang malamim. Lumabas kami sa kwarto. 'Yung make-up artist ay nakahawak sa buntot ng gown ko. Pumasok kami ng elevator. Ang hirap dahil narin sa suot kong gown.
"Mauna na kayo kuya" Sabi ni Tita Kaye kay Dad.
Tumango si Papa. Kasama namin ang make-up artist na nakaalalay sa buntot ng gown ko.
Kinabahan ako nang tumunog ang elevator. Lumabas kami at naglakad sa hallway.
Nakikita ko na ngayon ang malaking glass door. May mga taong nasa labas at nagpanic nang makita nila ako."Nand'yan na ang bride. Guys get ready. Mag-iistart na tayo" May sumigaw na bakla.
Nawala sila Mama sa tabi ko. Hinila naman ako ng make up artist at niretouch.
Kinakabahan ako. Paano kapag may biglang tumutol? Paano kapag may mangyaring masama? Hindi ako makapag isip ng matino kundi ang mga kinakatakutan kong mangyari.
Nag simula ang kantang laging pinapatugtog sa kasalan. Naghintay ako ng ilang minuto. Matagal iyon at pinagpapawisan ako dahil sa paghihintay.
Mabuti nalang ay laging nakaalalay ang make-up artist ko. Nireretouch niya ako palagi. Parang hindi siya kuntento sa ganda ko. May sumenyas sa bakla kaya sinabihan niya ako na tumayo at maghanda na.Naglakad kami at nang nasa harapan na kami ng glass door ay bigla itong bumukas.
Napalunok ako sa dami ng taong nakatingin sa gawi ko. Nagsimulang magmartsa sina Mama at huminto sa hindi kalayuan saakin.Sinenyasan ako ng baklang sumigaw kanina. Nagsimulang tumugtog ang kantang paborito ko.
Sa pagpatak ng bawat oras ay ikaw
Ang iniisip-isip ko hindi ko mahinto pintig ng puso
Ikaw ang pinangarap-ngarap ko
Simula ng matanto na balang araw iibig ang puso..Lumakad ako nang dahan-dahan. Ramdam ko ang luha sa gilid ng mga mata ko. Wala na akong pakealam kung papanget man ako sa araw ng kasal ko.
Gusto ko lang ipakita sa buong mundo na masaya ako. Huminto ako sa pwesto nila Mama. Hawak ko ang bulaklak sa kanang kamay ko. Isinabit ko sa braso ni Dad ang kamay ko at hinawakan ko naman ang kamay ni Mama.Pareho kaming tatlo na umiiyak.
Ikaw ang pag ibig na binigay
Sa akin ng maykapal
Biyaya ka sa buhay ko
Ligaya't pag ibig ko'y
Ikaw..Diretso ang titig ko sa lalaking nakaitim na tuxedo. Wala akong nakikita kung hindi ang magandang ngiti niya. Ang mata niyang humuhukay sa pagkatao ko. Ang mga titig niyang nakakalusaw.
Ngumiti siya at bahagyang tumingala. Napangisi ako dahil sa ginawa niya. Binalik niya ang tingin niya saakin. Sa pagtitig niya ngayon feeling ko manghihina na ako. Sobrang lalim nin at nakakapanghina talaga ng tuhod.
He mouthed me the words I want to hear from him..l
I love you so much, Alya.
Ngumiti ako at nagpakawala ng hikbi. Huminto kami sa harapan niya. Nilingon ko ang humihikbi kong Mama.
BINABASA MO ANG
Herrington 2: Precious Gift (COMPLETED)
RomancePaano kung nabiyayaan ka ng pinakamahalagang regalo na maaari mong matanggap sa panahong hindi mo pa kayang tanggapin, paano kung biniyayaan ka ng anak, ng kambal na anak pero kapalit noon ang pag-iwan sayo ng mahal mo? Maituturing mo pa rin ba ito...