Hindi ko pinansin ang mga text ni Jerome saakin. Bumalik si Ian na may dalang pagkain at sa gabing iyon ay sa guest room ko na siya pinatulog. Hindi rin kami nagtabi hanggang sa sumunod na mga gabi.
Tulad nalang ngayon. Kinukulit niya ako!
"Baby bakit ba ayaw mo na ako sa kwarto mo?" Tanong niya. Umiling ako at pumasok sa kwarto ko. Kumatok naman siya kaya sinigawan ko na.
"Matutulog na ako Ian! Huwag kang maingay" Sigaw ko sakanya.
Bukas uuwi na sila Mama. Ilang araw nalang monthsary na namin. Kaya nag-iisip ako kung anong gagawin.
Maaga akong nagising at pagkatapos kong magtoothbrush at maghilamos ay bumaba na ako.
Dumiretso ako ng kusina at may nakahanda ng breakfast. Akala ko si Ian ang nagluluto pero nakita kong babae iyon.
Nilapitan ko at niyakap ang Mama ko.
"Namiss kita Mama, ang aga niyo naman po? Akala ko mamayang hapon pa ang uwi niyo" Sabi ko.
Ngumisi si Mama at tinanggal ang braso kong nakayakap sakanya.
"Namiss na kasi kita kaya umuwi na kami kaagad ng Dad mo. Nag-aalala rin kami sayo" Sabi ni Mama.
"Nga pala maagang umuwi si Ian" Biglang sabi ni mama.
Ganon. Hindi man lang ako hinintay.
"Anong oras po kayo nakauwi?" Tanong ko
"Kaninang alas kwatro anak" Sagot naman ni Mama.
Nagising ako nang alas dos. Pero nakatulog din kaagad.
"Si Ian Ma? Anong oras po umuwi?" Tanong ko.
" Mga alis singko ata nak, hindi ba nagtext sayo? binilin niya rin saakin na hindi ka niya masusundo bukas" Tumango ako sa sinabi ni Mama.
Bakit? Nagalit ba siya saakin?
Buong araw akong nakatunganga sa kwarto. Nakatitig lang ako sa cellphone ko baka sakaling tatawag siya pero ni isang text wala. Anong nangyayari don?
"Hi Alya" Masiglang bati saakin ni Kim. Nginitian ko lang siya at sabay kaming lumakad papuntang room.
Boring ang araw ko at nababahala parin ako kasi hanggang ngayon wala parin siyang text saakin.
"Kim may nangyari bang masama kay Ian?" Tanong ko sakanya.
"hindi ko alam Alya, hindi ako nakabisita sakanila. Bakit? May nangyari ba?" Tanong niya. Umiling ako at nagsalita ulit.
"May number ka ba ni Anne?" Tumango siya sa tanong ko at binigay ang numero ni Anne.
"Salamat Kim" Sabi ko. Tinanguan niya lang ako at kumapit sa braso ko.
"Alam mo I feel something fishy na eh. Ang tahimik mo tapos heto namang si Kiya ay hindi kana ginugulo. Curious lang ako Alya parang nakakatakot ang pananahimik ni Kiya" Sabi ni Kim. Wala namang nakakatakot don. Siguro ay narealize niyang mali siya at dahil ayaw niyang mapahiya ay mas mabuti pang manahimik nalang siya.
Nagtataka ako kung bakit masyadong madikit si Kim saakin. Feeling ko may alam siya na hindi ko alam.
Tulad nalang ngayon at talagang curious na ako.
"Nakakapanibago ka Kim. Dati rati ay bigla kang nawawala tapos ngayon para kang ewan na mahigpit ang kapit saakin. Para kang nilagyan ng glue" Sabi ko sakanya at kumagat sa kinakain kong siopao.
BINABASA MO ANG
Herrington 2: Precious Gift (COMPLETED)
Roman d'amourPaano kung nabiyayaan ka ng pinakamahalagang regalo na maaari mong matanggap sa panahong hindi mo pa kayang tanggapin, paano kung biniyayaan ka ng anak, ng kambal na anak pero kapalit noon ang pag-iwan sayo ng mahal mo? Maituturing mo pa rin ba ito...