PRECIOUS GIFT 44

4.4K 89 1
                                    

Bossy daddy Ian
---------------------------

THIRD PERSON'S POV

Hindi Inaasahan ng mag asawang Mendoza ang pagdalaw ng isang Herrington sa pamamahay nila.

Limang buwan na ang lumipas simula nang malaman ng mag asawang Mendoza ang nangyari sakanilang anak.

At ngayon.. Ang isa sa kinamumuhian nila ay nagpakita sa harapan nila. Kauuwi lang nila dahil binisita nila ang kanilang anak na si Alya.

Nanatiling matigas ang lalaki samantalang ang babae namang dumating ay nagsimula ng maging emosyonal.

"Please po kailangan ni kuya si ate Alya. Please po nakikiusap ako" Suminghap ang asawa ng lalaki samantalang ang lalaki ay nanatiling matigas nang lumuhod ang babaeng Herrington.

"Please po. P-Parang awa niyo na alam ko po na si ate lang ang kailangan ni kuya" Kahit  umiiyak na ang babae ay hindi parin nagpatinag ang lalaki.

Bagkus lalo itong nagalit.

"Hindi mo ba alam ang ginawa ng lalaking iyon sa anak ko? Pwede ba tigilan niyo na si Alya! Nananahimik na siya!"Sinigaw iyon ng lalaki kaya mas lalong naiyak ang nakaluhod na si Anne.

"W-Wala pong kasalanan si kuya! K-Kasalanan ko po, Kasalanana ko" Inaamin niya na iyon sa sarili niya na kasalanan niya ang lahat ng iyon.

" Hindi ako papayag na papasok ulit kayo sa buhay ng anak ko! Pwede ka ng umalis" Tsaka niya tinalikuran ang nakaluhod na si Anne.

Araw-araw niyang ginagawa ang pagmamakaawa sa Dad ni Alya araw- araw niya ring nakukuha ang paninisi nito.

Pitong buwan na at hanggang ngayon ay nagpapatuloy parin siya. Baka sakaling magbago ang pananaw ng ama nito.

"Please tito? Hanggang ngayon ay naka-coma parin si kuya. Si ate Alya nalang talaga ang pag-asa namin, wala pong kasalanan si kuya pwede ko po iyon patunayan" Desperada na si Anne na magising ang kuya niya at gawin ang dapat niyang gawin.

Kinuwento ni Anne ang lahat lahat ng nangyari sa mag asawa habang nakaupo silang tatlo sa sofa. Nakinig ng mabuti ang mag asawa at si Anne naman ay patuloy sa pagkukwento.

"Bakit hindi siya nagpapakita sa anak ko?" Tanong ng mama ni Alya.

"Iyon po ang gusto ni Kiya para hindi niya ikalat ang video" Paliwanag ni Anne.

"Anong video?" Tumaas ang boses ng Dad ni Alya.

"Sinabi ni po Kiya kay kuya na may video siya ni ate Alya at ipagkakalat niya iyon kapag hindi siya makipagtalik kay kiya kaya napilitan si kuya na gawin iyon. May inutusan po si Kiya para ipakidnap kaming dalawa ni ate at iyon po ang ginamit niya para pumayag si Kuya" Kwento ni Anne.

"Pero napag-alaman ko po na hindi totoo ang video..Na wala  talagang video. Ginamit niya lang po si kuya at talagang nirecord niya ang ginawa nila ni kuya sa gabing iyon after a week po ay sinent niya kay ate Alya ang video. Sinabi po iyon saakin ng kapatid ni kiya" Natahimik silang tatlo dahil sa kwento ni Anne.

"Na saan na ang babaeng iyon?" Tanong ng Dad ni Alya.

Gusto niyang managot ang babae.

"Namatay na po siya dahil sa sakit niya" Malungkot na kwento ni Anne.

Kahit na ganon ay naging kaibigan niya parin ang babae at hindi niya matanggap na namatay na ito ni hindi niya pa nabibigay ang best niya as friend ng babae kahit na may kasamaan ang babae ay tinuring niya paring kaibigan.

Herrington 2: Precious Gift (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon