PRECIOUS GIFT 17

2.3K 42 3
                                    

Reminder: SPG. Read with your own risk.

Dedicated to you EmotionlessPunk

------------------

"Sumama ka sa bahay bukas baby pagkatapos ng wedding. Uuwi tayo sa bahay para kumuha ng gamit ko" Sabi niya habang tinutulungan ako sa paghuhugas ng pinggan.

Pagkatapos namin ay in-off ko na ang ilaw sa kusina.

"Gusto mong manood ng tv?" Tanong ko sakanya. Umiling siya kaya pinasunod ko na lang siya saakin.

Tinuro ko ang guest room sakanya.

"Punta na ako sa kwarto ko ah" Sabi ko sakanya. Tumango siya kaya sinara ko na ang pinto at pumasok sa kwarto ko.

Nahiga agad ako sa kama! Bakit ganon siya makasalita? Mas lalong kumakabog ang puso ko.

Nakatitig ako sa cellphone ngayon. Hinihintay ko ang text niya.

Pero wala. Kaya pumasok nalang ako sa banyo at naligo. Feeling ko ang baho ko tapos inamoy pa ako ni Ian kanina! Amoy adobo't prito ako!

Pagkalabas ko sa banyo ay narinig kong tumunog ang cellphone ko. Lumapit ako sa kama at dinampot ang phone tsaka ko sinagot ang tumawag.

Ni-loudspeaker ko iyon.

"Nakalock na ba ang mga pinto anak?" Tanong ni mama.

"Opo Ma" Sagot ko habang kumukuha ng damit.

"Okay. Hmm si Ian na saan?" Tanong ni mama.

Hay nako Ma! Wala siya sa kwarto ko.

"Nasa guest room po" Sagot ko. Pagkatapos kong sabihin ay pinatayan niya na ako. Si Mama talaga.

Nakashort lang ako at sando. Lagi akong ganito kapag matutulog na. Hindj ako sanay na naka pajama gusto ko laging nalalamigan ang binti ko. Maiksi lang ang short na suot ko. Short na short.

Nahiga ako sa kama at kinuha ang phone. Nakita kong may message kaya binasa ko yun.

Ian:
Tulog kana?

Ian:
Good night wife.

Ngumiti ako at nireplyan siya.

Me:
Good night too hubby.

Napangiti ako at pinikit ang mata. Ginawa ko na ang lahat para makatulog lang. Nag pagulong gulong na ako sa kama. Nagpatugtog na ako ng mga korean songs pero hindi parin ako makatulog. Nag-game na ako sa cellphone ko pero hindi parin ako makatulog! Bakit? Bakit ah?

Bumangon ako at sinuot ang slipper. Lumabas ako ng kwarto at bumaba. Dumiretso ako sa kusina at halos mahimatay ako sa nakita ko!

"Shit" Bulong ko. Ikaw ba naman makakita ng topless na handsome boy na umiinom ng tubig tapos gumagalaw pa ang adams apple niya hindi ka mahimatay?

Pinasadanan niya ng tingin ang buong katawan ko. Halos manigas ako sa kinatatayuan ko sa ginawa niyang paninitig saakin.

"Gising ka pa pala?" Tanong ko sakanya at nagsalin ng tubig sa baso.

Uminom ako at nagpapasalamat nang nagawa ko iyon nang hindi nadidistract sa gwapo niyang mukha. Nakatitig parin siya saakin.

Lumapit siya saakin at kinuha ang baso sa kamay ko saka nilagay sa sink. Napaatras ako at napahawak sa sink sa ginawa niya.

"Wala kang bra. Puti pa naman ang sando mo, ganito ka ba lagi?" Mahina niyang sabi pero rinig na rinig ng dalawang tainga ko.

Napalunok ako sa sinabi niya.

Herrington 2: Precious Gift (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon