PRECIOUS GIFT 47

4.6K 81 0
                                    

Kambal ♥
---------------------------

Nalaglag ang panga ko nang makita ko sa labas ng bahay ang mga kaibigan ko! Malaki ang ngiti nila samantalang ako ay sobra ang kabang nararamdaman.

Si ate Jenny kasama si Mark at malaki na naman ang tyan niya! Karga ni Mark ang isang batang lalaki na kamukha niya. Sa kabilang side naman ay sina Anikka, Bea, Jimboy, Lance at Shempre si Kim na malaki narin ang tiyan! OMG may katabi siyang lalaki na nakahawak sa baywang niya.

Ang daming nagbago sa loob ng apat na taong nahiwalay ako sakanila! Naunang bumama sila Mama pati narin sina Monica. Bumaba si Jayden kaya bumaba narin ako. Tinulungan ko sa pagbaba ang mga anak ko tumulong narin si Jayden saakin kinarga niya ang baby girl ko na nahuhulog na naman ang mata!

Halos tulog na siya buong byahe at nagising lang sandali ay matutulog ulit? Ibang klase talaga itong babae ko.
Natahimik ang mga kaibigan ko kahit naman ako ay tahimik rin.
Ngayon ko nalang ulit sila nakita. Sobrang laki na talaga ng pinagbago nila.

"Waaaaaah besssy how dare you!" Sigaw ni Kim at bigla na lang ako niyakap.

Umiiyak siya kaya hindi ko na rin napigilan ang sarili ko.
Lumayo ako. Kasama ng paglayo ko ang pagbaon ng nakaraan na pilit akong binabalikan.
Namiss ko sila. Lalong-lalo na siya.

Yumakap ako sakanya at pareho na kami humagulgol ng iyak.

" Aww" Hiyaw niya. Kumalas ako ng yakap sakanya at tiningnan siya nang puno ng pagtataka.

Humawak siya sa tyan niya at ngumisi.

" Sumipa ang baby ko" Nakanganga ako sa sinabi niya. Hindi ako makapaniwala! Ang dating babaeng bigo ay bumubuo na ng pamilya.

Hinila niya ang lalaking nasa likuran niya.

" Si Kyle nga pala, asawa ko" Naglahad ng kamay ang asawa niya kaya tinanggap ko.

" Namiss kita Alya" Bumaling ako sa nagsalita.

Si ate Jenny..

"Namiss din kita ate, ang laki na ulit ng tyan mo" Niyakap niya ako kaya gumanti rin ako ng yakap.

Kumalas ako at hinaplos ang tiyan niya. Nakatingin siya sa batang hawak ko at sa lalaking nasa likuran ko. Ngumiti ako at pinakilala ang kambal.

" Ah guys si Jayden nga pala" Tumango si Jayden sakanilang lahat.

" Si Oxy at si Monica nga pala mga pinsan ko"  Nginitian nila ang pinsan ko.

Biglang binaba ni Jayden si Akira at ang baby A ko naman ay nanakbo palapit saakin. Nakahawak siya sa kabilang kamay ko.

" Ah si Akira at Andrei nga pala, mga anak ko" Pinalibutan kami ng mga kaibigan ko.

" Ang cute naman" Sabi ni Anikka at pumantay pa sa height ng babies ko. Kumaway siya sa dalawa.

" Hello im your Tita Anikka" Ngumiti ang dalawa at hinalikan nila sa pisngi ang tita Anikka nila.

" Ang sweet naman" Nainggit ang iba kaya nagpahalik din sila sa babies ko.

" Pumasok na nga tayo" Biglang singit ni Dad sa kaguluhan namin.

Dinalhan kami ni ate Ley ng juice at cookies. Pinanood ko ang kambal na naglalaro kasama ang anak ni ate Jenny. Kinalabit ako ni Kim kaya nilingon ko siya. Ngumuso siya saakin.

Nginitian ko siya at hinawakan ang tiyan niya. Alam ko kung ano ang nasa isip nila. Hindi ko alam kung paano sila sagutin.

" Kamusta naman kayo? Grabe ah ang laki ng pinagbago niyo" Uminom ako ng juice.

Herrington 2: Precious Gift (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon