Kinabukasan ay mas maaga akong nagising kina Mama. Si Ian naman ay mahimbing pang natutulog. Nagbihis ako at lumabas ng kwarto. Ginanahan akong maghanda ng almusal.Nagluto akong sinangag, sunny side up eggs and sausages with pancake.
Pumasok si Mama sa kusina at nanlaki ang mga Mata sa nakita. Hindi siya sanay na makitang maaga ako at nagluluto.
"Good morning Ma" Bati ko at humalik sa pisngi niya.
Nginitian lang ako ni Mama. Tuwang-tuwa ang kanyang ekspresyon!
"Naghanda po ako ng breakfast. Gising na po ba si Dad?" Tanong ko.
"Yes anak at naliligo pa siya" Sabi ni Mama. Pinaupo ko siya at tinimplahan ng kape.
Nakita ko namang pababa na ng hagdan si Dad kaya nagtimpla ulit ako ng kape para sakanya.
"Good morning po Dad" Sabay halik ko sakanya.
Alam kong naninibago sila.
"Gising na ba si Ian?" Tanong ni Dad
"Titingnan ko po" Sabi ko.
Nagpaalam ako sakanila. Maingat ang bawat hakbang ko sa hagdanan at nang nasa taas na ako ay nilakad ko ang pagitan ng kwarto ko sa. Pumasok ako kaagad at nakitang natutulog pa si Ian.
7 Am na at natutulog pa siya wala ba itong klase? Lumapit ako sa kama at tinapik-tapik ko siya para magising, hindi naman ako nabigo.
Minulat niya ang mata niya at bumangon.
"Good Morning" Bati niya. Tumango lang ako.
"Gamitin mo yung blue na toothbrush d'yan, huwag 'yung pula " Sigaw ko nang pumasok siya sa banyo.
Bumaba narin kami pagkatapos niya at hindi ko maintindihan kung bakit pakiramdam ko ay awkward! Parang ako lang yata ang nakaramdam ng ganito dahil sila'y nagkukwentuhan pa habang kumakain.
I hate this feeling! Hindi ako sanay na alam nila Mama na nasa iisang kwarto lang kami ni Ian! Parang bumabaliktad ang sikmura ko sa pagpayag nila! Ano ba ang problema ko? Hindi ba dapat matuwa pa ako dahil sa nangyayari? Na legal na legal na kami? Na pwede na siya sa kwarto ko kahit kailan niya gusto? Pero bakit ako ganito? Bakit pakiramdam ko hindi tama?
Pinauwi ko na si Ian pagkatapos naming mag-almusa at sinabing magtaxi nalang ako. Kailangan niya ring pumasok at ang hirap niyang pagsabihan! Ang gusto niya masunod siya at dahil mahal niya ako wala siyang magagawa kung hindi sumunod sa gusto ko.
Mabilis nagdaan ang mga araw at ngayon ay busy kami sa mga requirements. Requirements at Requirements ang ginawa namin ni Kim. Ang daming project at gastos dito gastos doon.
Okay lang wala namang problema, ang importante maipasa ang lahat ng subjects!
"Sino si Alya Mendoza?" May biglang nagsalita.
Tinuro ako ni Kim.
"Para sayo" Kinuha iyon ni Kim at binigay saakin.
A flowers. Okay, I know na monthsary namin.
Binasa ko ang note.
Sorry at hindi ko maibigay ng personal. Busy sa school baby buti nga nakabili pa ako ng flowers. I love you so much :* See you later.
"Oh me gesh" Tili ni Kim.
Hindi ko na alam kung anong progress nila ng Pinsan kong si Oxy, kung nagtetext pa ba sila. Hindi na rin niya kinukwento saakin. Naiintindihan ko, siguro gusto niya ng privacy!
![](https://img.wattpad.com/cover/66317265-288-k730481.jpg)
BINABASA MO ANG
Herrington 2: Precious Gift (COMPLETED)
RomancePaano kung nabiyayaan ka ng pinakamahalagang regalo na maaari mong matanggap sa panahong hindi mo pa kayang tanggapin, paano kung biniyayaan ka ng anak, ng kambal na anak pero kapalit noon ang pag-iwan sayo ng mahal mo? Maituturing mo pa rin ba ito...