Pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin ng banyo. Namumula ako at mainit ang bawat sulok ng mata ko. Naghilamos ako ulit para mawala ang mainit na pakiramdam sa mukha ko.Naghubad ako ng damit at underwear tsaka tumapat sa shower. Ang kaninang init na naramdaman ay napalitan ng malamig na tubig. Pagkatapos kong magshower ay pinokpok ko ng maraming beses ang ulo ko. Wala nga pala ako dala na tuwalya. Binuksan ko ang pinto at inilabas ang ulo ko shempre tinatago ko ang katawan ko.
"I-Ian?" Tawag ko sakanya.
Nagpakita naman siya saakin. Umiwas ako ng tingin sakanya.
"Paabot ng tuwalya"Sabi ko.
Nakita ko sa gilid ng mata ko napapalunok siya.
Mabilis niya namang inabot saakin ang tuwalya kaya kinuha ko na at nilock ang banyo.
Nilagay ko sa sink ang mga damit ko at lumabas ng banyo. Nakita kong nakaupo si Ian sa kama at nakayuko. Hindi ko nalang pinansin at kinuha yung bag ko. Naghanap ako ng komportableng masusuot.Ramdam kong titig na titig siya saakin ngayon. Bahala ka jan! Hanggang titig ka lang.
"Huwag mo nga ako titigan!" Saway ko sakanya.
Mabilis niyang iniwas ang titig niya saakin kaya nagsuot na kaagad ako ng panties and bra. Tsaka ko sinuot ang short at v-neck na white shirt ko.
"Bakit daw sila?" Tanong ko sakanya.
Pinapatuyo ko na ngayon ang buhok ko gamit ang tuwalya.
"Nag-imbita para kumain" Sabi niya at lumingon saakin.
Tumikhim ako at nagsalita.
"Sana sumunod kana lang"Sabi ko.
"Ano ang gusto mo iwan kita dito? Ano lalabas ka ng banyo na nakahubad kung wala ako? Tapos may makakita sayo na ganon ang itsura mo? Tangina naman Alya"Frustrated niyang sabi. Okay may point ka!
Hindi nalang ako nagsalita. Lumapit ako sa pintuan nang may kumatok ulit.
Si Jenny at si Mark ang kumatok.
"Nag-aaway ba kayo?" Tanong ni Jenny. Umiling ako
"Tara na, kakain na"Sabi nila. Tumango ako. Sinara ko ang pinto at inayos ang sarili.
"Lalabas ka ba o hindi?" Tanong ko sakanya. Tumayo siya at nauna nang lumabas ng kwarto. Napabuntong hininga ako at walang nagawa kung hindi ang sundan siya.
Paglabas ko ng kwarto nadatnan ko si Ian na nakapikit at nakasandal. Tiningnan ko siya ng puno ng pagtataka. Dumilat siya ng maramdaman niya ang presensya ko at hinawakan ang kamay bago nagsimulang maglalad. Nilapitan namin ang isang cottage at pumasok sa loob. Namilog ang mata ko nang maraming pagkaing nakahanda at may cake pa!
"Jenny na saan na ba?" Tanong ni Bea nang padarag akong binitawan ni Ian. Lumapit siya sa mga boys at nakipagkwentuhan.
Ramdam na ramdam ko naman ang paninitig ni Jimboy. Umiling ako ng nakangisi.
"Nand'yan na nga. Susunduin ko lang ah" Sabi ni Jenny at lumabas ng cottage.
"Mau birthday?"Tanong ko sa dalawa. Tumango sila at tinapunan ng birthday hat ang mga boys. Binigyan din nila ako kaya sinuot ko yun.
"Ayan na nakikita ko na sila. Boys hali na kayo" Tawag ni Anikka sa mga boys. Lumapit naman sila saamin. Nasa likod ko si Ian. Halos tumindig ang balahibo ko sa kakaibang naramdaman nang lumapat ang kamay niya sa bewang ko. Niyakap niya ako galing sa likod.
BINABASA MO ANG
Herrington 2: Precious Gift (COMPLETED)
RomancePaano kung nabiyayaan ka ng pinakamahalagang regalo na maaari mong matanggap sa panahong hindi mo pa kayang tanggapin, paano kung biniyayaan ka ng anak, ng kambal na anak pero kapalit noon ang pag-iwan sayo ng mahal mo? Maituturing mo pa rin ba ito...