Mommy Alya and baby Akira Fame Mendoza Herrington.--------------------------------
Naglalaro ang kambal kasama si Dad. Nakakatuwa silang panoorin. Nag-uusap naman kami ni Mama habang pinapanood ang tatlong naglalaro.
"Umuwi na kayo anak, gusto kana namin makasama pati narin yung dalawang apo namin" Napasulyap ako kay Mama. Binalik ko ulit sa naglalaro ang paningin ko.
Sa totoo lang gusto ko ng umuwi pero natatakot ako. Sobra.
Natatakot akong makita siya. Natatakot ako masaktan ulit.
"Hindi mo ba naiisip anak paano kaya kung alam niyang may anak kayo? Sa tingin mo ba talaga ay niloko ka niya? I mean, napatunayan niya naman ang sarili niya saamin noong kayo pa at hindi rin ako maniniwala kung hindi mo iyon naramdaman noong magkasama pa kayo" Ilang beses ko na ba iyon naisip? Maraming beses na yata eh.
Paano kung nalaman niyang nabuntis ako? Mananatili ba siya sa tabi ko? Paano kung mahal niya talaga ako? Pero lahat ng iyon ay Paano na lamang.
Kasi kung mahal niya ako edi sana hanggang ngayon ay magkasama kami. Edi sana kilala siya ng mga anak namin pero hindi diba. Hindi siya nagpakita saamin.
"Hindi ko alam Ma. Naguguluhan ako. Ayokong makilala nila ang daddy nila" Napangiti ako ng hinalikan ng kambal ang Dad ko.
" Bakit ka naguguluhan? Karapatan niyang malaman anak at dapat magkasama kayo ngayon" Namilog ang mata ko ng sinulyapan ko si Mama.
Karapatan? Wala. Wala siyang karapatan.
"Ma niloko niya ako! Ginamit niya lang ako" Kumirot na naman ang puso ko. Pamilyar na pamilyar ang pagkirot nito.
Tss. Hindi parin pala nawawala. Nandito parin ang sugat at talagang naging peklat iyon!
"Sigurado ka bang niloko ka niya? Hindi mo ba naiisip na baka may dahilan?" Umiling-iling ako.
Hindi ako makapaniwala na kinakampihan ni Mama ang lalaking iyon!
"Ma hindi ko na kailangan ng dahilan niya! Huli ko na siya Ma, Huling-huli ko siya" Nahirapan ako lumunok parang may nakabara sa lalamunan ko. Nanunuyo din yon.
"Inalam mo ba kung bakit niya iyon nagawa?" Natahimik ako ng ilang sandali.
Hindi ko inalam kasi natatakot ako sa maaaring isagot niya.
Sasagot na sana ako nang may maliliit na kamay ang humawak saakin."Mommy shama tayo kela lolo" Inayos ko ang nagulong buhok ni Akira.
Baby hindi pwede.
"Gusto niyo bang tumira tayo kina lolo?" Tinanong ko silang pareho. Sabay sabay naman ang pagtango nila.
"Alright babies" Lahat gagawin ko para sa inyo. Lahat ibibigay ko huwag niyo lang hilingin ang isang bagay na imposibleng ibigay.
Nag-iimpake ako ng mga gamit. Hindi na ako magdadala ng marami baka magbago ang isip ko at makakauwi rin kami rito.
Bukas na agad ang uwi namin sasama rin sila Oxy at Monica dahil summer naman at wala na silang pasok.Kumatok ako sa kwarto nila Mama nakitulog kasi ang kambal at dahil hindi ako sanay matulog ng hindi sila katabi ay kailangan ko silang ilipat sa kwarto ko.
Si Dad ang nag bukas ng pinto.
" hindi ako makatulog Dad. Ililipat ko na ang kambal sa kwarto ko" Nakanguso kong sabi.
BINABASA MO ANG
Herrington 2: Precious Gift (COMPLETED)
RomancePaano kung nabiyayaan ka ng pinakamahalagang regalo na maaari mong matanggap sa panahong hindi mo pa kayang tanggapin, paano kung biniyayaan ka ng anak, ng kambal na anak pero kapalit noon ang pag-iwan sayo ng mahal mo? Maituturing mo pa rin ba ito...