Umalis si Monica at Oxygen hindi ko alam kung saan sila pupunta. Wala rin si Mama at Dad. Si ate Ley naman ay umalis para magpadala ng pera sa magulang niya.Naiwan akong mag-isa sa bahay. Namimiss ko na ang kambal. Pasadong alas tres na ng hapon at naiinip na ako kakahintay sa mga anak ko. Gusto kong tawagan si Bea o hindi kaya si Anikka. Ang problema ko lang ay wala akong numero nilang dalawa. Hindi ko rin natanong kung anong oras nilang iuuwi ang kambal ko.
Nakatayo ako sa front door nagbabaka sakaling uuwi na sila pero wala. Nabulok ako kakahintay sakanila.
Papasok na sana ako sa loob ng bahay nang may marinig ako tunog na nanggagaling sa sasakyan. Kaagad kong tinungo ang gate at lumabas sa maliit nitong pintuan. Hindi ko kilala ang kotseng nakaparada sa harap ko. Kulay itim iyon. Papasok na sana ako nang biglang may bumaba.
Kumabog ang dibdib ko. Shit
Nagmadali ako sa pagpasok at hindi ko na nga nalock ang gate. Diretso lang ako sa front door saka ko iyon sinara at sumandal sa pintuan.
Fuck! Sobrang bilis nang pintig ng puso ko! Hindi ako mapakali. Naiiyak ako at nararamdaman ulit ng puso ko ang sakit ng ginawa niya. Nandito parin 'yung sakit, nanunuot at ayaw ng mawala. Napapitlag ako nang may kumatok. Marahan at parang pinapakiramdaman niya ang taong nasa likod ng pintong kaharap niya.
Umalis kana lang please.
Nilock ko ang pinto at nanatiling nakatayo at nakasandal doon.
"Alya" Tawag niya saakin.
Kahit na may pumagitna saaming dalawa ay ramdam ko parin ang init na nanggagaling sa sakanya! Hindi ko maintindihan ang sarili ko.
Namiss ko ang pagtawag niya saakin. Iyong paraan ng pagtawag niya sa pangalan ko ay sobra kong namiss."Go a-away" Nabasag ang boses ko. Napalunok ako at pumikit.
Hinayaan ko ang mga luha ko na lumandas sa pisngi ko. Kailan ba ang huling iyak ko nang dahil sakanya? Hindi ko na matandaan.
" Alya" Tawag niya ulit.
Suminghap ako dahil sa sobrang husky ng boses niya. No.
" Palayain mo na ako Ian, huwag mo na ako guluhin pa. Nagsissimula pa lang ako ginugulo mo na agad. Tama na please? Tama na 'yung sakit ng nakaran. Let's forget everything" Hindi ko alam kung paano ko iyon nasabi nang diretso.
Nanlamig ang paligid ko. Nawala ang kaninang init na nararamdaman ko at sa pangalawang pagkakataon naramdaman ko na naman ulit ang pakiramdam noong gabing iyon. Ang sakit sa dibdib, 'yong tipong unti-unti itong napupunit, iyong kaninang naramdaman ko sa t'yan ko ay unti-unti ring namamatay.
Naiinis ako sakanya kung bakit niya hinayaang iwan ako. Lagi nalang ba siya mang-iiwan? Lagi niya nalang ba ako iiwan? Bakit hindi siya marunong maghintay? Bakit hindi niya ako kayang paamuhin? Bakit bumibitaw siya kaagad? Bakit hindi niya ako sinuyo? Bakit ang dali para sakanya ang talikuran ako? BAKIT?!
FUCK YOU IAN!
'Magsasawa ka rin sa mga bagay na lagi mong ginagawa' pero bakit ako? Kahit ilang ulit ko siyang iyakan ay hindi nagsasawa ang mga mata ko? Hindi nagsasawa ang puso kong maramdaman ang sakit? Bakit kapag sumasakit ito ang pakiramdam ko ay buhay ako? Bakit kahit sobrang sakit na ay nasisiyahan ang isang bahagi ng puso ko.
Lumitaw sa isipan ko ang itsura niya. May nagbago sakanya.
Mas lalo siyang naging gwapo. Fuck! Pumikit ako nang mariin at inisip na lamang ang mga anak ko. Sana umuwi na sila.
Namimiss ko na sila at gusto ko ng yakap nila ngayon. Gusto kong maramdaman ang yakap ng taong hindi ako iiwan. Iyong yakap ng taong tunay ang nararamdaman.
![](https://img.wattpad.com/cover/66317265-288-k730481.jpg)
BINABASA MO ANG
Herrington 2: Precious Gift (COMPLETED)
RomancePaano kung nabiyayaan ka ng pinakamahalagang regalo na maaari mong matanggap sa panahong hindi mo pa kayang tanggapin, paano kung biniyayaan ka ng anak, ng kambal na anak pero kapalit noon ang pag-iwan sayo ng mahal mo? Maituturing mo pa rin ba ito...