Kung hindi siya naging selfish hindi kami magdurusa ni Ian. Hindi kami maghihiwalay ng ganon katagal. Hindi siya maco-comma at hindi ako mag-isa sa mga araw na nahihirapan ako.
Kinamumuhian ko siya nang sobra. Kung hindi dahil sakanya masaya kami. Natahimik ang buong barkada..Ang kaninang mga tunog ay nawala nalang bigla. Matinding katahimikan ang naghari, tanging mga halakhak lamang ng mga bata ang naririnig namin.
Nakayuko siya at iniiwasan ang mata ko. Gusto ko siyang sugurin at ibuhos lahat lahat ng sakit.
Sana namatay nalang din siya kagaya ni Kiya. I hate them both! Masyado silang baliw.Pinulupot ni Ian ang braso sa baywang ko. Bumaling ako sakanya. Nag-uusap na naman ang mga mata namin..
Nasasaktan ako tuwing iniisip na ang hirap ng pinagdaanan niya. Wala siyang buhay habang nakahiga sa hospital bed.
At ngayon na magaling na siya. Gusto kong ipakita sa mga taong pilit kaming pinaghihiwalay. Na kahit anong unos pa 'yan ay kakayanin namin.I love you Ian..
Sinabi ko iyon sa pamamagitan ng mga mata ko. Gumanti siya at hinagkan ako.
"Let's party yuhoooo" Kakaibang party!
Nagsimula muli ang kasiyahan. Tawanan dito at tawanan doon.
Maya maya lang ay umiyak ang baby girl ko. Binuhat siya ng daddy niya habang patuloy siya sa pag-iyak.Umiiyak din si Tyler pero si Andrei ay masungit ang mukha.
Mas matanda si Tyler sa kambal. Months lang naman. Magfo-four na ata yang si Tyler pero ang kambal ay matagal pa. Kakathree lang nila last month."Bakit umiiyak ang baby namin?" Tanong ni Ian kay Akira.
"*sobs* Daddyyy tayyer tissh meh" Hindi naman masyadong naintindihan ang sinabi ni Akira.
Bumaling kami sa umiiyak din na si Tyler. Tinanong siya ni Ate.
"Oh bakit naman umiiyak ang kuya?" Tanong ni ate sa kay Tyler.
Yumakap siya sa mommy niya at nagsumbong..
"Mama I kissed her" Nabaliw kami sa sagot ni Tyler.
Nagsalita ang baby boy ko.
" He kissed Akira sa lips Mommy, Daddy. He is bad. I hate him. He kissed my twin" Mas lalo kaming nabaliw sa sinabi ni Andrei.
Nsgsalita ulit si Tyler.
" He punched me Papa, I hate him too. I just kissed her twin because she's cute. What's the matter of kissing a cute girl?" Napasinghap kami sa sinabi ni Tyler.
Nagkatitigan kaming lahat. Sabay-sabay naman kaming tumawa.
Nakakabaliw ang mga bata! Grabe.
"Hush baby girl.. It's okay" Sabi ni Ian kay Akira.
Nagsusungit parin si Andrei kaya pumantay ako sa tangkad niya.
"Baby mali yung ginawa mo. Don't punch kuya Tyler again ah? Make love not war okay?" Nakakunot parin ang noo ni Andrei.
"Oh my gosh! May pinagmanahan si Andrei. Oxy is always like that! Bad temper" Natatawang sabi ni Anne.
Lumipat naman ang mga mata namin kay Oxy. Kumunot na ang noo niya at inirapan kaming lahat.
"Mana lang yan sa kagwapuhan ko" Masungit na sabi ni Oxy.
Wala na. Sumabog na kami sa tawa.
Kung kami ay tawa nang tawa. May isang tao naman na hindi natutuwa. Tahimik lang siya at paminsan-minsan lang nakikisali sa kasiyahan naming lahat. Maganda na 'yon. Alam niya kung saan siya lulugar. Hindi ko alam kung kaya ko siyang patawarin sa ginawa niya saamin.
BINABASA MO ANG
Herrington 2: Precious Gift (COMPLETED)
RomancePaano kung nabiyayaan ka ng pinakamahalagang regalo na maaari mong matanggap sa panahong hindi mo pa kayang tanggapin, paano kung biniyayaan ka ng anak, ng kambal na anak pero kapalit noon ang pag-iwan sayo ng mahal mo? Maituturing mo pa rin ba ito...