PRECIOUS GIFT 31

3.3K 69 0
                                    


Bihis na bihis kami ni Mama pupunta kami sa bahay ng mga Herrington. May kainan sa bahay nila dahil graduate na si Ian sa kursong business administration.

Gusto nga niya nandoon ako sa graduation ceremony kaso sinabi ko na hindi ako pupunta. Sa sobrang excited ko ay ayaw ko muna siyang makita. Hindi ko maintindihan ang sarili ko, kinakabahan ako na parang ewan!

"Ma'am nand'yan na po ang sundo niyo" Sabi ni ate Ley.

Nakakahiya at pinasundo pa kami ni Tita Lian

"Ley ikaw na ang bahala ah?" Sabi ni Mama kay ate Ley

Sabay kaming tatlo lumabas ng bahay at naglakad patungong gate. Si ate ang nagbukas ng gate kaya diretso labas kami ni Mama.

Tinext ako ni Ian na nasa bahay na sila at gusto niya na akong makita. Ang sabi ko maghintay siya huwag masyadong excited!

Iba talaga ang pakiramdam ko ngayon parang gusto ko na siya makita pero ayaw ko. Bakit ganoon? Miss na miss ko na rin siya.

Pamilyar na daan ang tinahak namin. Pumasok sa magarbong subdivison ang kotseng sinasakyan namin ni Mama.

Bumukas ang malaking gate ng bahay nila Ian. May tatlong nakahilerang sasakyan kung saan nagpark ang driver at mabilis bumaba ganoon din ang ginawa namin ni Mama. Hindi na hinintay na pagbuksan kamj ng pinto.

Sinalubong kami ni Tita Lian at Anne wala si Ian? Saan siya akala ko ba gusto niya akong makita?

"Hello po" Bati ko sa Mommy ni Ian at hinalikan sa pisngi ganon din kay Anne.

Ganda ni Anne ay nakuha niya sa kanyang Mommy, ang mahaba at kumikinang nitong buhok ay kahalintulad ng sa kanyang Mommy. Namula ako nang naabutan ng kanyang Mommy ang panunuri ko. Ngitian lang ako nito at dinaluhan si Mama.

Hinila naman ako ni Anne kaya hindi ko na narinig ang pinag-usapan nila Mama. Pumasok kami sa malaki nilang bahay. Walang tao? Mga kasambahay lang ang nakikita ko.

Hinanap ng mata ko si Ian baka nasa kwarto niya? Eh si Matt kaya?

"Narito ba si Matt?" Tanong ko.

"Wala ate busy eh tayo tayo lang yung iba naming pamilya nasa state" Tumango ako sa sinabi niya

Sabay kaming napatingin sa dalawang taong na nasa hagdanan, pababa silang dalawa.

B-Bakit sila magkasama? Nanlalaki ang mata ko sa nakita. Shit galing ba sila sa kwarto ni Ian? Bakit siya nandito?

Nakared tube dress siya at hanggang hita lang 'yun. Kumakapit sa katawan niya ang pulang dress na suot. Kinulot niya ang straight niyang buhok at mapula ang labi.

Nanlalambot ako sa larawang nakikita. Natuyuan na rin ako ng laway. Ang hirap lumunok, ang sakit sakit nang nakita ko.

"Oh Kiya ang sabi ko wait mo ako doon" Sabi ni Anne kay Kiya.

Oo si Kiya nga!

Nilapitan niya si Kiya at ang babae iyon ay masama ang tingin sa akin. Dumiretso naman saakin si Ian at ginawaran ako ng mainit na yakap!

Naiinis ako dahil pareho silang nakapula! Yung polo na binili ko para sakanya ay suot niya ngayon at match sila ni Kiya.

Hindi ako gumanti ng yakap. Tinatagan ang loob ko.

Magkaibigan ba si Anne at Kiya? Siya ba ang tinutukoy nitong nirereto niya sa kuya niya? Ibig sabihin ba ang crush niya ay si chico? Shit! Naguguluhan ako. Napaka-imposible ng nangyayari. Imposible pero nasa harapan ko si Kiya, imposible pero nasa loob siya ng pamamahay nila Ian!

Herrington 2: Precious Gift (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon