"Anong ginagawa mo?" Tanong niya. Nagvi-video call kami ngayon.
"Nag-iimpake. Hindi ba bukas na yung outing ninyo ng mga kaibigan mo?" Sagot ko.
Tumango naman siya at pinagmasdan ako sa pag iimpake.
"Babyyyy." Napabaling ako sakanya dahil sa paraan ng pag tawag niya saakin.
Napangiti ako nang nakitang nakanguso siya.
"Gusto ko kiss" Aniya.
Kinuha ko ang cellphone ko at hinalikan ang screen.
"Sarap naman" Natawa ako sa sinabi niya. Hinalikan niya rin ako pabalik sa pamamagitan ng screen.
"Ilang araw ba outing niyo baby?" Tanong ko sakanya.
"Tatlong araw baby, pero dalawang araw lang tayo doon kasi may pasok ka sa lunes" Sabi niya.
Tumango lang ako at nag-impake ulit. Saturday kasi bukas at saktong wala akong pasok kaya mananatili kami sa resort ng dalawang araw.
Pumasok si mama sa kwarto at umupo sa kama ko.
"Hi, Tita" Bati ni Ian kay mama.
"Hello Ian, mukhang excited tong si Alya sumama sayo ah" Sabi ni mama.
"Ma naman" Suway ko.
Kilala na nila si Ian kasi simula noong nililigawan niya ako ay palagi na siya sa bahay kaya approve na approve kila papa ang relasyon naming dalawa. Nagpapasalamat naman ako dahil doon ay hindi na kailangan magtago. Meron kasing iba na tinatago nila ang relasyon nila kasi pinagbabawalan sila.
"Alya pagkatapos mo jan bumaba kana at kakain na" Sabi ni Mama.
Tumango ako kaya lumabas na si mama. Nagba-bye naman ang magaling kong Fiance na mother- in-law niya.
"Baby kain ka muna maya na yan" Sabi ni Ian.
Tumango ako at tinabi ang mga gamit ko tsaka humarap ng maayos sa Kamera.
"Ikaw, Kumain kana?" Dumapa ako para matitigan siya ng maayos.
Umiling siya sa tanong ko at ngumuso.
"Bakit?" Tanong ko sakanya.
Napapansin kong titig na titig siya saakin kaya inirapan ko siya. Tumawa lang siya sa ginawa ko.
"Baby huwag masyadong dumapa, mapa-flat nyan dibdib mo" Bigla niyang sabi saakin.
Napaupo ako bigla sa sinabi niya at naramdaman ko ang pag iinit ng leeg ko papuntang pisngi.
God! Pervert Ian!
"Baby!" Suway ko sakanya. Tinawanan niya lang ako.
"I'm loving the view. Balik ka sa pwesto mo baby"Sabi niya ulit.
"Ian!" Suway ko sakanya at dumapa ulit.
"Pervert!" Hiyaw ko at inirapan siya.
"So kung flat ako hindi mo na ako magugustuhan?" Tanong ko sakanya.
"May sinabi ba ako na ganoon? Shempre mamahalin kita kahit ano ka pa. Pero baby dapat jan pa lang mabusog na ako" Malandi niyang sabi.
Namula na ako ng husto sa mga lumalabas sa bibig ng fiance ko.
"Isa Ian!"
"Hahaha biro lang baby"Aniya. Inirapan ko siya
"Heh" Sabi ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/66317265-288-k730481.jpg)
BINABASA MO ANG
Herrington 2: Precious Gift (COMPLETED)
RomancePaano kung nabiyayaan ka ng pinakamahalagang regalo na maaari mong matanggap sa panahong hindi mo pa kayang tanggapin, paano kung biniyayaan ka ng anak, ng kambal na anak pero kapalit noon ang pag-iwan sayo ng mahal mo? Maituturing mo pa rin ba ito...