PRECIOUS GIFT 18

4.3K 80 2
                                    

May nalate sa kaka-ano kagabi. Tsk tsk.

-------------------------------------

Mahigpit ang yakap niya saakin kaya napadilat ako ng dahan dahan.

Anong oras na ba?

Tiningnan ko ang wall clock at nanlaki ang mata ko! Alas nuwebe ang wedding ceremony nila Jenny!

Ginising ko si Ian. Dinilat niya naman ang mata niya at nagtanong.

"Bakit?" Tanong niya.

"Malelate na tayo sa kasal nila Jenny" Sabi ko at tumayo. Wala akong damit kaya hinila ko ang kumot ko saka tinakpan ang hubad kong katawan. May panties ako pero walang damit. Langya.

"Kailangan pa bang takpan? Nakita ko na 'yan" Nakataas ang kilay niya ng sinabi niya yun.

Ewan ko sayo Ian!

Pumasok ako sa loob ng banyo at lumabas ulit ako nang may naalala.

"Ian uwi kana sa inyo wala kang damit hindi ba? Sige na, kita nalang tayo sa simbahan" Sigaw ko sakanya at pumasok ulit sa banyo.

Pagkatapos kong naligo ay lumabas ako. Naningkit ang mata ko ng nakita ko si Ian na nakaupo sa kama ko. Suot niya ang damit niya kahapon.

Grey longsleeve and black jeans. Okay siya na ang gwapo!

"Gagamitin ko ba ang toothbrush mo?" Tanong niya.

"Huwag!. Gamitin mo yung extra" Sabi ko. Nagsuot ako ng bra at panty nang magsalita na naman siya.

"Ginamit ko na yung sayo kagabi, kaya gagamitin ko nalang ulit" Tapos pumasok na siya sa banyo!

Tsk. Tsk. Adik na siya ah!

Paglabas niya ay natigilan siya nang makita ako. Kita ko siya rito sa salamin na nakatitig saakin. Alam kong sexy ako. Hindi ko maiwasang hindi mamula sa mga titig niyang nakakalusaw.

"Ang iksi naman niyan" Nakanguso niyang sabi. Hinarap ko siya.

"Bakit? Ngayon ka lang nakakita ng babaeng nakadress? Tsaka anong maiksi rito?" Sabi ko sakanya. Ano ba naman yan! Above the knee lang naman to. Bakit panget ba? Panget bang tingnan saakin?

"Ayaw ko niyan. Tsk dapat talaga binili na kita ng dress kahapon!" Sinabi niya yun at lumabas ng kwarto ko. Okay anong problema niya sa suot ko?

Bahala ka jan Ian! If I know mamaya malaglag panga mo pag makakita ka ng mas maiksi pa saakin. Nako pagnangyari 'yun makikipagsplit na ako sayo!

Lumabas narin ako ng kwarto pagkatapos kong mag apply ng light make up! Nakawedge ako at ang dress ko ay hapit na hapit sa baywang ko, above the knee ang haba ng skirt nito. Maayos naman.

Pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin dito sa baba bagay naman saakin ah.

Dumiretso ako sa pintuan nang nauna nang lumabas si Ian. Mahigpit ang hawak ko sa pouch na dala ko kasi naman si Ian iba kung makatitig!

Ano bang problema sa suot ka ngayon? Normal lang naman to para sa araw na ito ah!

Hindi niya ako hinintay makalapit sakanya. Nauna na siyang sumakay sa kotse niya.

Tahimik lang kami habang nasa byahe. Late na talaga kami. Siguro nagsisimula na ang kasal. Humugot ako ng malalim na hininga bago siya nilingon.
Seryoso siya sa pagdadrive kaya ngumuso nalang ako at pinaglaruan ang mga daliri ko.

Pumasok kami sa isang subdivison, pang mayaman ang mga bahay rito. Masyadong malalaki at may sariling gate. Kulay puti at cream ang bahay. Ang ganda ng pagkahalo sa kulay.

Herrington 2: Precious Gift (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon