ALYA MENDOZA POV
Nakagising ako dahil sa ingay ng dalawa.
"Hmm" Sabay palit ng pwesto ko sa paghiga.
Wrong move. May halimaw na nakaabang saakin. Dumilat ako at pinanlakihan ng mata si Ian.
Tumalikod ako at sakanya at bumaling sa babies kong naglalaro."Mommyy" Gumapang sila palapit saakin.
Ngumiti ako nang yumakap sila saakin. Niyakap ko naman sila at niyakap din ako ni Ian. Hindi lang yakap ang ginagawa niya may kasama pang himas himas.
"Ian!!" Saway ko sakanya.
Ngumisi siya at hinalikan ang batok ko. Tinigil niya rin ang paghimas niya.
"Kumain na tayo" Tumango ako at bumangon.
Nakatulog ako ulit. Waaah nakakahiya baka ano isipin nila.
Pinagmasdan ko si Ian na umikot para pumunta sa kabilang side ng kama. Binuksan niya ang kabinet at ang bag ko. May hinahanap siya at maya maya lang ay may tinapon siya saakin.Ngumuso ako.
"Come on gutom na mga anak natin" Kumabog ang puso ko sa sinabi niya.
Ngumiti ako at sinenyasan siya.
"Laruin mo muna ang kambal" Tumanngo siya kinilit ang kambal.
Tawa naman nang tawa ang kambal. Hinubad ko ang damit ko. Nakikita ko sa gilid ng mata ko ang pagtitig ni Ian saakin. Ano ba naman yan ang sabi ko sakanya ay laruin ang kambal mamaya makita nila ako na walang damit eh.
Ngumisi ako at sinuot ang bra ko. Pagkatapos ay sinuot ko na ulit ang damit ko. Tinali ko ang buhok ko at tumayo. Binaba ni Ian ang kambal bago siya lumapit saakin at hinapit ako sa baywang.
"Hinalikan ka ba ni baby boy noong papunta kayo rito?" Tanong niya.
Inisip ko naman ang sinabi niya at tumango.
"Ang sabi ko kasi sakanya na halikan ka para saakin. Namiss ko ang labi mo. Nakakaadik kang halikan" Aniya. Ngumiti siya at hinalikan ang labi ko. Dinilaan niya pa iyon.
Tutugon na sana ako nang may maliit na kamay ang humawak sa kamay ko. Dinungaw ko ang kambal. Nakasimangot sila.
"Aww ang babies ko" Sabi ko.
Binuhat ni Ian si A si An naman ay hinawakan ko ang kamay. Hinila ni Ian ang ulo ko at hinalikan ulit ang labi ko.
"Thank you sa pag-aalaga sakanila, ang lusog lusog nila baby" Ngumiti ako at hinawakan ang likod niya.
Lumabas kami ng kwarto, Nakangiti ang mga kaibigan namin ng narating namin ang cottage. Nandito ang lahat.
Napabaling naman kami sa babaeng dire-diretso ang lakad. Hinala naman siya ng lalaki at biglang hinalikan.Napangiti ako, So.
Tumikhim si Ian.
"Sorry bro, masyadong matampuhin ang kapatid mo" Natatawang sabi ni Oxygen kay Ian
Nagsalita ako.
"Kayo pala ni Anne? Grabe ah! Si Monica kay Matt Everlastjng at ikaw? Kay Anne? Wow" hindi ako makapaniwala.
Nagtawanan naman ang barkada.
"Hay nako. Kumain na nga tayo, kayong dalawa hali na kayo" Natatawang saway ni ate Jenny.
Sumunod kami sakanya. Pumasok kami sa restaurant ng resort at masayang kumain ng tanghalian. Si Ian ang nagpakain sa kambal. Si Kimberly naman ay todo sa pang aasar saakin samantalang si Oxy ay walang ginawa kung hindi magsusungit, buti natagalan siya ni Anne.
BINABASA MO ANG
Herrington 2: Precious Gift (COMPLETED)
RomancePaano kung nabiyayaan ka ng pinakamahalagang regalo na maaari mong matanggap sa panahong hindi mo pa kayang tanggapin, paano kung biniyayaan ka ng anak, ng kambal na anak pero kapalit noon ang pag-iwan sayo ng mahal mo? Maituturing mo pa rin ba ito...