Couple Ian and Alya
---------------------------------
Natigil ako sa pagbalik nang nangyari sa hapong iyon. Siguro kahit ako magagalit din ako kapag nakita kong may kahalikan si Ian.
Ang mali lang sa nangyari hindi niya agad ako kinausap. Hindi niya nilinaw ang nangyari. Talagang pinangunahan na siya ng selos niya.
"Dismiss" Ang tanging naintindihan ko.
Napagtanto ko na kung bakit ganoon na lamang ang galit niya. Wala ba talaga siyang tiwala saakin?!
Nagselos siya dahil nakita niya ang paghalik saakin ni Jerome. Sana lang ay nakita niya rin kung paano ko sinampal si Jerome. Nang dahil sa selos ay nagkaganito kami. Kasalanan ko kasi hindi ko sinabi sakanya ang nangyari at malamang iisipin niyang may namamagitan saamin ni Jerome dahil simula ng gabing iyon ay dumistantya ako sakanya.
Mali siya ng iniisip! My gosh ang tanga ko para hindi maisip na mangyayari ang lahat ng ito.
Sapo ko ang noo ko nang kinalabit ng katabi.
"Wala si Ma'am kaya pwede ng umuwi. Gala tayo?" Tanong niya. Tumango naman ako at niligpit ang mga gamit ko.
Nahagip ng mata ko ang masamang tingin ni Kiya inirapan ko siya dahil unti-unti na naman siyang bumabalik sa dati.
Kumapit sa braso ko si Kim at sabay kaming lumabas ng classroom. Pababa na kami ng hagdan nang huminto siya sa paglalakad. Bumaling ako sakanya at nakitang kumakamot siya sa ulo.
"Bakit?" Tanong ko.
"Balik tayo sa room? May nakalimutan ako eh" Sabi niya sabay kagat ng kuko.
"Tigilan mo nga yan" Saway ko sakanya.
"Magkita nalang tayo sa baba mag c-cr din ako" Tumango siya.
Nasa ground floor ang CR kaya bumaba na ako at naglakad papuntang CR. Pumasok ako sa banyo at humanap ng cubicle na walang tao.
Pumasok ako sa isang cubicle at naglock. Nakinig ako sa mga tsimis ng ibang girls.
"Girl bilisan mo hindi natin maabutan ang mga boy band na iyon. Sila kaya ang unang magpasikat" hindi ko na narinig ang mga boses nila siguro ay tapos na sila.
Pagkatapos ko ay lumabas na ako ng cubicle nang biglang dumilim. Shit may nag-off ng switch sigurado ako don kasi narinig ko ang tunog non. Madilim talaga ang loob ng CR kaya always naka-on ang ilaw at ngayong naka-off ay wala akong makita.
Humawak ako sa cubicle at lumakad ng diretso. Kinapa ko ang doorknob. Ayaw mabukas!
Nahulog ang bag ko nang pilitin kong buksan ang pinto.
Fuck!
"May tao ba d'yan? Help naman oh" Sigaw ko mula sa loob. Natakot lang ako sa sariling boses kasi nag-eecho iyon sa loob ng cr.
May program ba? Bakit wala atang nag-ccr ngayon? Kahit boys man lang? Sana naman puntahan ako ni Kim dito!
"Tulong may tao po rito" Sabay kalampag ko sa pintuan!
Napagod na ako sa kakasigaw. Wala bang makakarinig saakin? Napaupo ako sa sobrang pagod. Ang init init sa loob ng cr. Kailangan ko ng hangin shit.
"May t-tao po rito" Napapos na ang boses ko. Nangingilid na ang luha ko. Shit anong oras na?
Ian help me. Please hanapin mo ako Ian.
Pinahid ko ang luha ko nang may narinig akong boses sa labas! Tumayo ako kaagad at lumikha ng ingay.
BINABASA MO ANG
Herrington 2: Precious Gift (COMPLETED)
RomancePaano kung nabiyayaan ka ng pinakamahalagang regalo na maaari mong matanggap sa panahong hindi mo pa kayang tanggapin, paano kung biniyayaan ka ng anak, ng kambal na anak pero kapalit noon ang pag-iwan sayo ng mahal mo? Maituturing mo pa rin ba ito...