Kinapa-kapa ko ang kama. Napadilat ako nang wala akong maramdaman kung hindi mga unan.
Shit! Wala ang kambal!
Bumangon ako at nagmamadaling bumaba. Natataranta ako kasi hanggang ngayon ay hundi ko pa sila nakikita.
"Alya, anak bakit?" Tanong ni Mama. Kakalabas niya lang galing kusina.
Nanginig ang buong katawan ko.
Napahawak ako sa dibdib ko nang marinig ko ang boses ng mga anak ko. Shit akala ko totoong nangyari ang panaginip na iyon. Pinunasan ni Mama ang ilalim ng mata ko bago niya ako niyakap.
" Ma k-kukunin niya ang kambal" Nabasag ang boses ko nang sinabi ko sakanya ang napanaginipan ko.
Kinuha niya ang kambal saakin at 'yong kinakatakutan kong mangyari ay nangyari sa panaginip ko. Sumama ang kambal at iniwan akong mag- isa. Iyon ang ayaw kong mangyari. Natatakot ako.
" Shhh panaginip lang iyon anak" Umiyak ako sa bisig ni Mama.
Nakalimutan ko na ang huling iyak ko sa bisig niya at ngayon na naulit iyon ay mas lalo akong naiiyak. Miss na miss ko sila ni Dad.
" Nasa garden ang kambal at may bisita ka" Tinulungan niya akong punasan ang luha ko.
Tumango ako bago dumiretso sa back door. Nakita ko naman ang kambal na naglalaro kasama nila si Oxy at ang isang babae.
Hindi ko kilala ang babaeng iyon at hindi ko makita ang mukha niya dahil nakatalikod siya saakin."Mommy" Tawag ni baby A at lumapit saakin.
Tumakbo narin palapit saakin si An.
"Moynin mommy" Ngumiti ako sa dalawa .
Sabi ni Mama may bisita ako mukhang nagkakamali siya. Si Oxy yata ang may bisita.
"Pasok na kami ah? Baka ma-istorbo kayo nitong dalawa" Sabi ko kay Oxy.
Pumihit ako kasama ang kambal. Ihahakbang ko pa lang sana ang paa ko nang magsalita ang babae. Kilala ko ang boses na iyon.
"Ate.." Bumuhos ang lahat ng nakaraan saakin.
Para akong tinapunan ng milyon-milyong pako. Para akong binuhusan ng malamig at mainit na tubig. Naisip ko kung hindi dahil sakanya hindi ako mapapahamak. Kung hindi dahil sakanya hindi ko malalamang niloloko ako ni Ian. Kung hindi dahil sakanya walang Kiya ang humahabol kay Ian. Walang Kiya ang sisira sa relasyon namin.
Pero mali, mali ang isisi sa iba ang mga nangyari. Mali na isisi sa taong nabulag lang ng pag-ibig. Sa taong minsan ka ng kinamuhian dahil hindi ka niya gusto para sa kuya niya.
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngayon na nandito siya, Fuck! Nakilala niya na ang mga anak ko!Kailan niya pa alam? Kailan pa? Fuck life! Mga taong ayokong makasalamuha ng mga anak ko ay heto na ngayon at pilit na pumasok sa buhay namin.
" Please huwag niyo na kami guluhin pa. Nananahimik na ako, please. Hindi ko naman ginugulo ang kuya mo. Sana lumayo nalang kayo sa amin. Ayoko nang maalala ang nakaraan" Tsaka ako nagkaroon ng lakas para ihakbang ang mga paa ko.
I don't care kung anong sasabihin niya o iniisip niya. Gusto ko lang na mawala sila sa buhay namin.
4 years ago hinihintay ko siya, Sila. Pero ni isa sa kanila ay walang nagpakita saakin. Masakit. Sobrang sakit.
Dinala ko sa kwarto ang kambal at nag lock. Gusto ko kami lang tatlo. Nagpapasalamat ako na bata pa ang mga anak ko. Wala pa silang tanong at ayokong pagdating ng araw marami silang itatanong saakin. Maaari ngayon ay wala pa silang muwang pero alam ko. Alam ko na darating ang panahong iyon.

BINABASA MO ANG
Herrington 2: Precious Gift (COMPLETED)
RomancePaano kung nabiyayaan ka ng pinakamahalagang regalo na maaari mong matanggap sa panahong hindi mo pa kayang tanggapin, paano kung biniyayaan ka ng anak, ng kambal na anak pero kapalit noon ang pag-iwan sayo ng mahal mo? Maituturing mo pa rin ba ito...