PRECIOUS GIFT 40

4.1K 65 0
                                    

ALYA'S POV

"Im sorry babe" Boses ng lalaki..

" for what?"  tanong ng babae.

"For everything. I love you" Sabi ng lalaki at unti-unti naman siyang lumalayo sa babae.

Madakit ang nararamdaman ng babae ang makitang papalayo sakanya ang lalaki. Nakaluhod siya at umiiyak sa isang tabi.

Don't leave me Ian..

Huwag mo akong saktan ng ganito..

"DON'T GO IAN!" Habol ko ang hininga ko nang magising sa masamang panaginip.

Sapo ko ang basang noo ko at ang isa ko namang kamay ay nasa dibdib. Ang bilis bilis ng tibok nito hindi ko mahabol at masakit ang pagtibok

"Alya? Okay ka lang?" Sinulyapan ko ang babaeng nakatayo sa gilid ng kama ko.

Si ate Ley...

" Bakit ka nasa labas? Trip mo bang magpaulan? Nako ikaw talaga buti nandon ako nang makatulog ka. Pinagtulungan ka namin ng taxi driver ipasok sa bahay. Huwag mo na iyon gagawin ulit. Buti hindi ka inaapoy ng lagnat" Sermon niya saakin.

Nakatulog? Ang alam ko lang ay naging madilim ang paligid ko. Umuulan at naduduwal ako kanina..

"Anong oras na ate?" Tanong ko habang pinupusan ang pawis ko. Kahit na malakas ang aircon sa kwarto ko ay pinagpapawisan parin ako dahil sa masamang panaginip na iyon.

Nakakatakot. Natatakot ako kung totoo bang mangyayari iyon. Kung totoong iiwan niya ako.

" 10:15 pm na, kakain kana? Ipaghahanda kita" 10:15 pm? Ilang oras ako tulog?

"Ilang oras akong tulog ate?" Tanong ko.

Nag-isip muna si ate at bumibilang gamit ang mga daliri niya.

"4 hours Alya. Ano kakain kana? Ipaghahanda na kita?" 4 hours. Kakain? Hindi naman ako nagugutom.

Pero may gusto akong makita. Si Ian, gustong-gusto ko siyang makita ngayon.

"Huwg na ate. Salamat nalang" Tumango siya at lumabas na ng kwarto. Hinanap ko naman kung saan ko nailagay ang phone ko.

Tinapon ko? Oo tinapon ko iyon kanina nang makitang walang text si Ian. Mabilis akong bumangon at lumabas ng kwarto. Bumaba ako ng hagdanan at hinanap sa mga sofa ang phone ko. Sa ilalim ng sofa at sa mga sulok ng bahay.

What the. Saan ko iyon naibato? Tss.

Hindi ko na hinanap ako phone ko. Hihintayin kong bibisitahin ako ni Ian.

Siguro ay hindi na tumuloy si Anne rito. Siguro ay nagbago ang isip niya sana man lang ay sinabihan niya ako. Mahirap na bang mag type ng itetext saakin? At bakit ang mga HERRINGTON ay walang reply saakin?! Why?

Okay fine! Baka nagreply sila at dahil nawala ang phone ko hindi ko malalamang nagtext nga silang dalawa.

Hihintayin kong pumunta sila rito. Kahit na miss na miss ko na ang babey ko. I miss him so much at may dapat akong sabihin sakanya.. Yung nangyari saakin. 'Yung ginawa ni Jerome saakin kailangan niya iyon malaman.

Pumihit ako at dumiretso sa kusina binuksan ko ang ref. Hmm kinuha ko ang nag-iisang orange. Swerte naman kung ano yung gusto ko ay makakain ko kaagad. Sharap.


Bumangon ako at nagbaka sakaling nasa baba si Ian. Baka sakaling hinihintay niya ako. Baka sakaling namiss niya ako at dadalaw siya.

Pero walang anino ni Ian ang nagpakita saakin. Ilang araw na ba? Lima? o anim na araw ko na siyang nakikita.

Kung pupuntahan ko kaya siya? No Alya maghintay kana lang sa bahay! Naghintay ako buong araw, naiiyak ako tuwing iniisip ko na hindi ako dinadalaw ni Ian.

Walang Ian ang dumalaw saakin at hindi ko alam kung bakit kumukirot ang puso ko sa tuwing hindi ko siya nakikita. Tinutusok ng maraming karayom ang puso ko sa tuwing namimiss ko ang gwapo niyang mukha. Parang napakasakit niyang mamiss.

Sobra ba siyang busy at hindi niya man lang ako mapuntahan? Bakit? Ano bang ginagawa niya at ganon siya kabusy? Ni isang Hi Hello o kahit magpakita man lang siya saakin.

Nawala sa isip ko ang natatagong galit, inis at pagkamiss kay Ian nang biglang dumalaw ang mga kaibigan ko.

Seriously? Ni hindi nila tinatopic si Ian? Why? Bakit? Hind ba nila alam na miss na miss ko siya?

"Kimberly pwede pa text ako?" Nakanguso kong sabi. Nag-iisip siya na para bang bawal na ibigay ang phone niya.

Ngumuso rin siya at pinakita ang walang buhay niyang phone.

"Deadbat bessy" Tumango ako kahit na nagdadalawang isip akong maniwala sa sinabi niya.

Bumaling ako kay ate Jen na bilog na bilog ang tyan. 2 buwan nalang at manganganak na siya.

"Ate patext ak--" Namilog ang mata ko nang bigla siyang umiling.

Actually sabay sabay sila.

Hay..

"Namimiss ko na siya. Hind niya man lang naisip na dumalaw. Buti pa nga kayo naalala ako tsk" Tsaka ako nag martsa paakyat sa hagdanan.

I hate it. Naiinis ako kasi hindi nila ako pinagbigyan. Para akong batang hundi nabigyan ng candy. Naiiyak ako masakit din ang naninikip kong dibdib.

Iniyak ko ang lahat ng dinibdib ko. Ewan ko lang kung may ibubuhos pa ako, feeling ko namamaga na ang ilalim ng mga mata ko sa kakaiyak.

" Leave me alone" Walang emosyon na sabi ko sakanila.

Kinatok kasi nila ako at alam ko na ramdam nila ang panginginig ng boses ko.

Sa kakaiyak ko ay hindi ko na namalayang nakatulog ako nagising na lamang ako dahil sa haplos ni Mama. Bumangon ako at niyakap siya, hindi ko na naman napigilan ang iyak ko nanh niyakap ako pabalik ni Mama.

Ang init ng yakap ni Mama ko. Eto yung kailangan ko ngayon. Ang yakap ng aking ina.

Hinahaplos niya ang likod ko at hinayaan akong umiyak sa bisig niya.

"Ma *sobs* m-miss na miss k-ko na siya *sobs*" Humihikbing sabi ko.

"Shh tahan na" Wala na siyang ibang sinabi kung hindi tumahan ako.

Hindi niya ako tinanong kung bakit ako umiiyak. Hinayaan niya lang ako. Hinayaan niya ako ang magsabi pero dahil problema ko ito at ayoko ng mag-alala ang Mama ko ay pinili kong manahimik.

Nawalan ako ng ganang kumain at nagnahatid nalang ng gatas kay ate. Nakipagtitigan ako sa kisame nang bumukas ang pintuan ng kwarto ko. Akala ko si ate Ley pero si Dad pala iyon.. Dala niya rin ang gatas na pinahanda ko kay ate.

Bumangon ako at sinalubong si Dad. Kinuha ko sa kamay niya ang baso at inilapag iyon sa bedside table. Ngumiti lang si Dad at hinila ako para bigyan ng mainit na yakap. Heto na naman ang mga luha ko. Nagbabadya na namang kumuwala sa lungga nila. Pinigilan ko ang pagtulo nito at gumanti sa yakap ng aking ama.

" Nagda-diet ka ba anak?" Tumawa si Dad nang sinabi niya iyon kaya pati ako ay nadadala narin sa masayang boses ng ama.

"Dad, talaga oh"Kumalas ako sa yakap niya ganon din ang ginawa ni dad.

"Sige na magpapahinga na kami ng Mama mo, Good night anak" Hinalikan ni Dad ang ulo ko at lumabas na ng kwarto.

Inubos ko muna ang gatas bago ako nahiga ulit sa kama at nakipagtitigan sa kisame.

"Hay" Pumikit ako at ayan na naman ang mga pesteng luha ko. Nag-uunahan na naman sila sa pagbuhos.

Miss na miss ko na siya at ang sakit lang na hindi siya nagpapakita saakin. Mahal niya pa ba ako? Kung mahal niya ako bakit ganon siya? Bakit hindi man lang siya magpakita saakin hindi niya ba alam kung gaano ko siya kamiss? Sa sobrang miss ko sakanya parang tinutusok ng milyong karayom sa puso. Ang sakit.

" I m-miss y-you Ian"

Umiiyak na naman ako, kailan akp matigil sa kakaiyak!

Herrington 2: Precious Gift (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon