PRECIOUS GIFT 37

3.1K 71 0
                                    


ME:
Baby busy ka? Pasundo kami ni Kim.

Mahigit 20 minutes bago siya nakareply buti nalang ay inikot pa namin ni Kim ang buong mall.

Ian:
Sure baby. Saan kayo?

Tinext ko sakanya kung na saan kami at magtext nalang kapag nasa labas na siya.

"Uwi na nga tayo" Sabi ni Kim. Ang dami niyang dala tinulungan ko pa nga.

"Nagpasundo ako kay Ian" Sabi ko sabay sip sa shake and shape.

" Edi go na ako?" Mabilis akong umiling.

"Gaga hatid kana namin" Ngumisi siya at niyakap ako.

Ang baliw.

"Iiih love mo talaga ako" Niyakap ko na rin para matigil na.

Nakatanggap ako ng text galing kay Ian kaya inaya ko nang lumabas etong baliw kong kaibigan.  Lumapit si Ian saamin at humalik sa labi ko tsaka nag "hi"sa pinsan niya. Walang halik sa labi si Kim. Tse.

"Ang tamis tamis" Kinuha ni Ian ang mga dala ko. Napako ang mata ko sa kotse ni Ian. Bumaba ang bintana sa back seat.

Napaawang ang labi ko sa nakita.

"Hello Alya, Kim" Malanding bati ni Kiya.

Yes. Siya na naman.

Bumaling ako kay Ian at inirapan siya.

"Akin na nga yan. May sakay ka pala eh" Sabay bawi ko ng mga bags na hawak niya.

Napa O ang bibig niya at hinigpitan ang hawak sa bags.

"Tss. Sayo na yan. Tara na Kimberly mag ta-taxi nalang tayo" Sabay irap ko sakanilang dalawa ni Kiya.

"Aye aye captain" Mabilis namang sumunod si Kim saakin.

Sumunod narin si Kim.

" Baby naman" Humarang pa ang panget sa harapan ko.

"Baby mo mukha mo. Tabi nga d'yan" Sigaw ko sakanya. Napapatingin na rin ang ibang mga tao.

Tawa nanh tawa si Kimberly. Isa rin 'to parang naging totoo yung sinabi niya kanina ah? Yung manloloko. May lies? Tss

"Baby hindi. Ihahatid ko kayo please?" Lumuhod pa siya para mapansin ko lang.

"Paalisin mo ang bruha kung gusto mo ako ihatid" Diretso kong sabi.

"What kailangan pa ba? Pinara niya kasi ako at ang sabi niya kung pwedeng ihatid siya sa bahay nila, wala raw siyang pamasahe" Paliwanag niya.

Ang dali mauto nito! Tang*na!

"Ayaw mong paalisin? Edi tabi d'yan, kami ang aalis ni Kim" Tsaka ako lumiko at pumara ng taxi. Malas may mga tao ang napapara ko.

Pumihit ako at wala na akong nakitang Ian na sa likod ko. Lumapit siya sa kotse at kinausap ang bruha.

"Grabe girl lapitan natin" Hindi pa ako nakakapagsalita nang hinila niya na ako.

"Magtaxi kana lang Kiya pasensya na hindi ko kayang iniiwan ako ng asawa ko" Aww wala na nalulusaw na naman ang tinipon kong galit.

Lumungkot ang mata ni Kiya at magsasalita na sana pero binawi niya at nagbago ang itsura ng mukha. Bumaba siya at humakbang palapit saakin.

"Oh my gosh bitawan mo yan! Hoy masakit yan" Hiyaw ko dahil hinila niya ako sa buhok. Hindi niya ako binitawan kahit na hinihila na siya ni Ian.

Herrington 2: Precious Gift (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon